BAKI
- a term coined by joining the word BASA ( adj. wet) at KILI-KILI (n. underarm) ---- BAKI, Basang Kili-kili.
- this is usually seen to individuals wearing top, mostly of gray color, with sleeves.
Yan ang Baki. Isang epidemya na walang pinipiling tao. Mayaman ka man o mahirap, mataba o mapayat, may maputing kili-kili o maitim, hindi ka exempted sa Baki. Sa masuring pag-aaral ng inyong lingkod, gumawa ako ng iba't-ibang lebel ng pagiging Baki. Narito at alamin kung saan ka napabilang, mapabibilang o napabibilangan.
- Mild - also known as "Cute Wetness" --- napabibilang dito ang mga pacute na baki, yung tipong parang nahihiyang lumabas kaya nakatumpok sa bandang gitna ng damit ang pagkabasa. Simple. Pwedeng itago. Iwas taas-kamay lang, di na halata.
- Moderate - maari rin tawaging "Galawgaw Wetness" --- ito ang pagkabasa na dulot kadalasan ng sobrang pagkilos o pagkagalawgaw sa katirikan ng araw. Di na lang gitnang parte ni kilikili ang apektado, buong kilikili na ang kinalatan nito. Sobrang pag-ipit ng kilikili ang dahilan ng pagkalat ng nasabing baki. Hirap na ang pagkilos kaya ang simpleng pag-unat ng kamay ay limitado na rin.
- Severe - matatawag ding "Flash Flood" --- nakasama dito ang mga pawis na nagkatawang tao. Ang wetness ay hindi na lang sa kilikili nakapwesto, nagextend na ito at umagos pababa ng dibdib o tiyan. Tila mo nadaanan ni Ondoy ang forestry nya sa kilikili at humantong sa gantong sitwasyon. Dilated ang sweat glands ng mga taong ito kaya naman tuloy tuloy ang pawis sa pagdaloy. Kadalasan, may kalakihan ang mga taong ganito at maari rin na ang simpleng pawis ay may kaagapay ng anggo
na nanununtok at nanghihiwa ng ilong.Pagkahubad ng nabaki na damit, pigaan na lang at isampay. Okay na.
No comments:
Post a Comment