Tuesday, April 6, 2010

Mabuhay!

Bilang pag-gunita sa araw ng muling pagkabuhay ni Bro. Sabay-sabay tayong lahat. MABUHAY!
__________________________________________________________
Happy Easter Bests! Nawa ay nagkaroon kayo ng makahulugang paggunita sa buong Holy Week. Nakakainip ang Holy Week pero napakahalaga ng pangyayaring ito sa lahat ng tao, lalu na sa fans club ni Bro --- tayong mga katoliko. Kaya kayo, tumigil na kayo sa paggawa ng kasalanan. Magpakabait na at magbagong buhay. Para di sayang ang paghihirap ni Bro sa pagtubos ng ating kasalanan. [Ang nagsasalita ay isang mabuting tao.]


Easter Sunday. Hindi naging normal ang araw ko na ito. Gumising ako ng napakaaga imbes na babangon ako ng mga alas-dos ng hapon. Depression. Wala akong nagawa sa paghuhumiyaw ng aking Sanse kaya napabangon na talaga ako. Ooo nga pala! Ako pala ang pinakamahalagang tao sa araw na ito. Mag-aanak ako sa binyag [again!] sa aking pinsan na di ko kilala. Paano nga ba ako kinuhang Ninong? Ganire.


Isang araw sa gitna ng aking pagpepesbook:
Insan: Tao po. [Nakadukwang sa pinto naming di nakasara]
Yow: [Lingon ng pahearthrob] Bakit po? [Nakakita ng bahagyang pamilyar ng mukha]
Insan: [Ngumiti ng pagkasarap]
Yow: [Smile back ng di masyadong masarap then tingin kay Sissy] Sis, tawagin mo si Sanse. May tao!
Sis: [Dabog dabog sabay sigaw] Se, may tao. Sino daw po kayo?

Lumabas na si Sanse para puntahan ang bisita.

Sanse: Ayyyyy! Ikaw lang pala. [Akap. Beso. Tsugs. Pinatuloy ang bisita sa kusina]

Maya maya, tinawag ako ng Sanse.

Yow: Bakit?
Sanse: Eh kinukuha kang Ninong ng pinsan natin. Kahusay mo oo. Pinsan natin yan oh di mo nakilala. Kinukuha ka pa ngang Ninong.

Natawa na lang ako sa nangyari. Pinsan pala namin sya kaya bahagyang pamilyar ang pityurs ng kanyang mukha. Sa pagkikita nila ni Sanse, halata ang kanilang pagkakakilala at pagiging close. Ako ngayon ay nagtataka kung bakit sa pagitan naming magkapatid, talaga namang ako pa ang kinuha nilang magiging pangalawang magulang ng kanilang anak. Malaking factor din talaga yung mukhang mabait. Haha. Easter sunday ang binyag. 10:30 ng umaga.

Nakagayak na kami maaga pa lang. Suot ko ang magarang baro na binili ko nung ako'y mapadpad sa kalakhang Maynila. Maaga din kaming lumisan sa bahay para maaga din ang aming pagdating sa simbahan. Byahe. Byahe. Byahe. Sampung minuto bago magtakdang oras ng binyag, nakarating kami sa isang simbahan. Dun daw ang binyag sabi ng bitbit naming sumakab ang asawa... sumakabilang bahay. Pagtingin ko sa simbahan, ako na naman ay sadyang naguluhan.

Sanse: Ayan. Misa pa lang pala. Tamang tama. Magsimba na din tayo muna.
Yow: Magsisimba? Bakit? IEMELIF na simbahan yan oh.
Sanse: Ayy. Oo nga. Mali tayo. Bobits.

Dun na ako nagkaron ng pagdududa sa aking relihiyon. DI na pala kami katoliko ng di ko nalalaman. Nakabilang na pala kami sa simbahang mahirap bigkasin. Umalis din kami agad dun at agad hinanap ang St. Francis of Assisi Church. Kami lamang ay naligaw. Kaya gumamit na kami ng Call-A-Friend. Huminto sa isang tabi at nangalabit ng isang ale para itanong kung nasan ang St. Francis. Pagkatanong. Napakunot ang noo ng ale. Wala naman palang St. Francis sa lugar na yun. St. Vincent Ferrer Parish pala ang simbahan dun. Kagagawan mo to Sanse, ang taong umimbento na may St. Francis of Assisi salugar na yun.

Kumaripas na kami ng patakbo para makaabot sa binyag. Pagdating sa tamang simbahan, sakto sa oras, kitang kita namin ang pagliligpit ng boyband ng simbahan --- ang mga Altar Boys. Tapos na pala ang binyag. Ganap na ika-siyam ng umaga ito nagsimula. Salungat sa nakalahad sa imbitasyon. POTANESS. Ay. Easter pala. CUTENESS. Wala na kami nagawa kundi dumirecho na sa reception. Pagdating dun, kami lang ang tao. Hinainan kami ng sandamakmak, sangkatutak na baboy.

Umalis din kami agad at nagtungo ng mall para malamigan ang aming hot and sizzling body. Ang daming tao sa mall na sa malamang ay naghahanap din ng lamig. Nanuod kami ng sine at nagpakasuya sa lambingan ni Sam Milby at Anne Curtis. Nang matapos ang kasuyaan, pagpapaka'banal mode naman kami. Para makumpleto ang Holy Week, tapusin ito sa pagdiriwang ng banal na misa. Pagdating sa simbahan, nagho-homily  na si Pader. Galit si Pader. Galit sa mga taong feeling mababait dahil lang daw palaging nagsisimba. Naghuhumiyaw sya. Wala akong na kakalmahan sa kanyang mukha. Kasabay ng paghuhumiyaw nya ay ang naghuhumiyaw ding init sa buong simbahan. Napakadaming tao. Sa bawat linggo na isinimba ko dun ay di napuno ng ganun kadami ang simbahan. Iba din talaga ang nagagawa ng Holy Week. Nagiging Holy nga ang mga weak. Nawa ay maging stepping stone na ng mga tao ang Holy Week para makapasok sa Shobiz na ang nagsisilbing manager ay si Bro. Maging mabuting tao na tayong lahat, wag lamang sa araw na kailangan maging mabuti. Wag nating sayangin ang hirap ni Bro para mawalan tayo ng kasalanan. Tira tayo para sa pagbabago. Mabuhay!



No comments:

Post a Comment