Tuesday, October 26, 2010

Bloggers Meet-up.

BEFORE:
Borthday Boy. Happy 27th birthday Jips!
September 25, 2010. Nakatanggap ang Yow pati na rin si Greta at Ungaz ng group message sa Facebook mula sa isang di kalakihang nilalang ---- si Idol Glentot. May borthday partey daw na magaganap at siya ay nangiinvite. Messenger lang pala siya at tagakalat ng balita dahil ang celebrant pala ay si Manong Jipoy. Nagulantang ang mundo namin sa electronic invitation na aming natanggap. Kaming tatlo ay nagtalo-talo kung Tuloy o Tigil ba para sa birthday partey at instant eyeball. Nagustuhan ng Yow ang idea na makikita ko na ang ilan sa mga idol kong blogger pero nagdalawang-isip ako ng matindi dahil baka madaming blogger ang andun at umatake ang shyness syndrome ko. Lumipas ang mga araw at palapit na ang araw ng partey. Wala pa ding desisyon. Walang preparation. October 20, 2010, 3 days left at gamit ang impulsive decision-making sabay-sabay kaming tatlo sumigaw ng TULOY! GO!


DURING:
October 23, 2010. Ang aga namin gumising para makagayak at makabyahe na. Nakitulog na ko sa crib nila Greta at Ungaz para magkakasama na kami at para cute. All set. Sumakay na kami sa tricycle at nagpahatid sa Cakeland. Dadayo na lang din kami, nagbitbit na kami ng regalo para naman matuwa ang Jepoyly. Dala-dala namin ang best-seller ng Cakeland at ang mga produkto ng Nueva Ecija tulad ng palay, upo, mais, bibe, dagang bukid at isang kalabaw. All set ulit. Sumakay na kami ng trike upang habulin ang flight namin sa Five Star Airlines. Matapos ang ilang oras na byahe, nakatungtong na nga ng kamaynilaan ang mga Novo Ecijano. Labis ang tuwa namin sa kay tatayog na mga gusali pati na rin sa glubo na naroroon sa harap ng MUWA. Ang aga namin nakarating na isang matinding katunayan na kami ay heksayted. Nasa meeting place na kami pero hindi namin maitext ang mga taong imimeet dahil kinakain kami ng hiya. TRIVIA: First time namin makikipagmeet sa mga taong hindi namin kilala at mukhang kukuha ng buhay namin na bigay ni Bro kaya hindi namin alam kung paano ang gagawin. Hindi ko na babanggitin na late ang mga kumag ng 2 Hours kasi nakakahiya naman di ba? Kaya di ko na babanggitin na LATE sila. 


1:00 PM. Kasabay ng gutom na aming tinatamasa, natanaw na namin ang parating na Papa Bear at Baby Bear mula sa aming kinakapwestuhan. Natense ang Yow at pinagpawisan ng malamig. Naghanda na ang Greta at Ungaz ng kanilang best smile samantalang isinoot ko na ang aking killer smile bilang paghahanda. Tumitingkayad pa si Glentot at tinatanaw kami samantalang si Jepoy ay effortless kaming nakita.


FIRST IMPRESSION: Masayahin dahil sa sagad hanggang batok na ngiti ng dalawa. Pag nakita niyo sila, parang nabuhay na profile picture nila sa Facebook. Ganun na ganun lang din. Haha. 6 footer si Glentot sa personal, si Jepoy sobrang slim. Pwedeng model ng Slenda at pumalit kay Valerie. *nabasag ang monitor ng laptop, nabunggo ng humabang ilong*


Kumain kami ng mga 30 minutes at nagkwentuhan ng 3 oras sa loob ng restaurant. Masuka-sukang busog ang naranasan ko sa sobrang sarap ng pagkakaluto ng mga dala naming produkto galing probinsya. Dumating din si Kikilabotz sa kalagitnaan ng kwentuhan at kainan. Isang pagsubok na tawagin sa tunay na pangalang Marvin si Kikilabotz. Magpapalit ka na ng pangalan at nasanay na kaming Kikilabotz ang tawag sayo. Right after, nagstroll kami sa mall for 30 minutes at hindi ko kinaya ang sumusunod na eksena. Nag-aaya si Jepoy magdessert mula sa isang matinding kainan 30 minutes ago lamang. Talaga naman! Inaalagaan ang slim and slender figure. Shetness. Pero nasarapan din naman kami sa inorder ng bawat isa.
Party Pipol. TAAS: [The Probinsyanos] Greta, Yow and Ungaz.. BABA: [Manela Boys] Kiki, Jips, Glentot.
Makatanggal litid na halakhakan. Walang humpay na kwentuhan. Parang walang bukas na bonding. At unforgettable na pagkikita at pagkikilala. First time namin nagkita-kita pero parang close close na. Ang cool kasama ni Jepoy, Glentot at Kikilabotz. I never thought blogging would give me new friends, not just online but in real life too. 
Parang nagdebut lang. May picture bawat bisita.

AFTER:
Bukod sa dighay all the way hanggang makauwi, di kami maka-get-over sa bonding na aming naranasan. Sa sobrang saya at galak na nanunuot sa aming mga puso, tulog na tulog kaming nakahilata sa likod ng Five Star Airlines pauwi. Pagmulat ng aming mga mata, nasa lupain na ulit kami ng mga tricycle at parang nanaginip lang habang nakasakay sa bus. Maraming salamat Jepong, Glentong at Kikilabong sa bonding. It was nice meeting you all. From the bottom of our hypothalamus, TINKYUBIREMATS!!! Sana may part 2. Pak na pak kayo!


*Di na me naglagay ng madaming picture dahil... nakakatamad ayusin. :) Check it out sa FB ko kung friend kita. Kung hindi, wala tayo magagawa diyan. 

Saturday, October 9, 2010

Mama Meg

Nung isang araw lang ay nakisayaw kami sa Karakol ng aming eskwelahan. Sa aking pagsasaliksik at ayon na din sa mga nasasabi sa loob ng aming katolikong paaralan, ang Karakol ay pagsasayaw na prusisyon ng rebulto ni Maria Magdalena. Ang isang mananampalataya na sasayaw sa prusisyon ay maaaring humiling ng kahit na anung bagay na kanyang ninanais. Tulad ng sayaw kay Sta. Clara, ang ilang mga kababaihan ay sumasayaw sa prusisyon na ito para humiling na pahinugin ang tinatago nilang mga itlog at ng sila din ay makapangitlog na. Wala naman akong asawa para hilingin na mabuntis ko at lalong ayaw ko pa ng buntisan, pero sumayaw kami, ang buo kong block, para humiling na pumasa sa board exam. O di ba? Kung makapanata kapag magboboard exam. Simula pa lang yan. There's more to come.

Matapos ang pagpapawis namin sa araw at pagindak sa tugtog na mosiko, biglang may naiibang aura ang isa kong kaibigan. Alam mo yung nag-glow? At lahat kami ay napansin yun. Mukhang gumana ang buntis effect ng Karakol at nag-Immaculate Conception ang aking kaibigan. Siya ay si Best Meg. Ang birhen ay narito na. Nandito na ang Mama Meg.

Si Best Meg (synonymous to Greta, Margaret Pineda, o Pogi for short) ay aking best friend, classmate for 7 years , kapatid at maituturing na rin na isang kapamilya. Mayroon siyang malaking hita na maaari mong isiping troso o paddle sa laki. Ang huling tinamaan ng binti niya, ngayon ay nasa ICU at comatose. Kilala siya sa kanyang blog bilang Greta na ako din ang may pakana, pero nauna ko siyang nakilalang Meg kesa sa tunay niyang pangalan. Magkaklase kami mula first year high school at di talaga kami nakapagusap kahit isang beses ng mga panahon na yun. Napapansin ko lang din siya dahil si Greta nun ay babaeng may kalakihan. Di ko siya kaibigan dahil isang girl group ang kinabibilangan niya at top 1 siya nun sa pagiging absinera. Nalipat tuloy ng ibang section pagtungtong ng 2nd year. Napala mo Ate. Nye nye.

Wala kaming interaction nung 2nd year high school. Nagkaroon na lang nung tumuntong ng junior high. Dahil nag-e'excel siya kumpara sa mga kaklase niya nung panahon na yun at pumapasok na siya everyday, nagbunga ang tiyaga at nalipat sa section namin. Nagkaroon ng seating arrangement at nataon naman na nakaupo si Meg right in front of me. At dun lang kami nagkausap. Natatakot pa ako noon kausapin si Meg dahil di ako friendly at mukha siyang bitch kahit malaki. Anu ba namang malay ko makipagkapwa tao eh nung mga panahon na yun eh sobra takot ko sa tao. Nung mga panahong nauuso ang song hits, kanta dito kanta doon ang nangyayari sa room. At dahil sa likas na kaepalan, humirit ang Yow kay Meg:

Yow: Meg, alam mo ba yung kanta na "How could this happen to me? I made my mistakes. I got nowhere to run. etc?"
Meg: Ayy. Untitled by Simple Plan. [Tsaka kumanta ng mas magandang version sa akin]

Ang pakay ko that time eh magmayabang ng kanta dahil kakaTV premiere lang ng Untitled that time sa Myx at MTV. Eh ang walang hiya, upadated pala ng bongga. Pahiya ang Yow. E di ikaw na ang marunong sa musika! Pero sa pagkakaalala ko, doon nagsimula ang pagkakaibigan at pagbuo namin ng isang grupo. Kaya kahit napahiya, nakatira pa pala kami ng pagkakaibigan. From then on, nagtuloy tuloy na at hanggang ngayon nga, di pa kami naghihiwalay. Reminisce dapat? Bago magcollege at nagdedesisyon pa lang kung saan magaaral at ang kursong kukuhain, inaya ako ni Greta na mag-aral sa katolikong paaralan na kinabibilangan namin ngayon. Dahil takot ako mag-isa sa first day of college life ko at takot ako na wala agad kaibigan, nakatango na agad ako para lang may makasama. Ang lalim ng dahilan ko, shet!

And the rest was history...

Bakit nga ba kami nagkasundo ni Greta? Noong una, ang arti arti ni Ati at talaga namang di ko maisip na makakasundo ko. Pero nakakagulat na more than 7 years na kami magkakilala at 6 years na kaming magkaibigan. First, sa likod pala kasi ng kaartehan niya, may lalaki kang makikilala. Kaya magaling din siya makisalamuha sa lalaki. At ngayon, talent na niya yan! May innate masculinity ang Greta sa bandang hita kaya naman makakasundo mo kahit babae siya na nagkulang sa dibdib. Pangalawa, lahat ng kalokohan ko at pangbubully ay kaya niyang tapatan o higitan. E di payn! Kailangan ko ng tag team sa pambubwisit para mas epektib. At pangatlo, parehas kami ng pananaw sa buhay-buhay. Sino pa ba maggagaguhan, e di yung mga gago na din.

Masarap kasama si Greta. Masarap kakwentuhan si Meg. At nakakatawa si Margaret Pineda. At masarap daw siya! Medyo too late ang post ko na to pero pwede pa namang humabol. Hayamuna. Dapat gawan kita at si Teddy pag bday nyo ng tribute para gagawan niyo din ako. Maraming salamat sa pagkakaibigan Best Meg. You're the best, Best! Magbalik loob ka na sa Panginoon para pagpalain ka. Umiwas kay Maria Magdalena, wag ka muna magmultiply at gumawa ng product Mama Meg. Kapag malapit na lang ang graduation, para eksenang malaki tiyan mong magmamartsa. Peace Tita Vangie. Joke lang po. 

HAPPY BIRTHDAY GRETALICIOUS!
Ang picture greeting ay gawa ng kapatid kong si Zetlog. Ninakaw ko lang dahil tinatamad na ako maghanap ng picture ni Greta.

Nag-iisang,