Sunday, September 26, 2010

FB: Yung totoo?! Sino ka?

Katamaran is my new bessy recently kaya di ako makapagblog. Ang tagal ko ding hindi nagagawi sa blogger.com, puro Facebook at Twitter ang nabibisita ko at nabubulatlat. Kahit nakakasawa na din ang Facebook, hindi rin naman ako tumitigil sa pagcheck ng aking account. Magbabasa ng status, magla-like ng status ng ibang peop, magcocomment kapag natripan, babati kung may birthday, makikipagchat minsan at mas madalas na nagla-log out agad. Pero hindi natin maitatanggi na nung mauso ang Facebook, ang daming natuwa dahil may bago na namang uso. Lahat na sinubukan, lahat nilaro, lahat na sa buhay inupdate. Si Friendster lang naman ang nalungkot nung sinilang sa mundo ang tatalo at lalampaso sa kasikatan niya.

Ang cool ng Facebook pero mas madaming pa-cool ang naglipana sa social networking site na ito. Nakaencounter ka na ba ng katulad nilang endangered species? Para mahanap ka ng mga friends mo sa Facebook o ng kung sino mang naakit sa angkin mong alindog, ang isang paraan lang ay gamitin ang iyong pangalan. I-type mo lang tapos ang dami na lalabas, pipiliin mo lang kung sino talaga hinahanap mo. Pero nung isang araw lang, sa Facebook aking natagpuan si...


Anu kaya ang maidudulot na kagandahan ng kanyang pangalan? Just call me Yellikeashootingstar! Maganda pa naman yung bata pero hindi ko makita kung san sila nagkahawig ng shooting star. At isa pa, Hoy Yellikeashootingstar, mag-iingat ka, nakakabilaok ang rocket ships. Ang dami pa ng gusto mo, kumakain ka ng bakal pate? PM mo ko, may ipapakain ako sayo na masasarapan ka... ICE CREAM. :) Oo, dugyot!

Nakakita ka na ba ng kasurname mo sa Facebook at inisip na kamag-anak mo sila? Akala ko kami na lang ang natitirang tao sa mundo na Villangca ang apelyido, kami na lang ang natitirang lahi nito sa Pinas, kaya nagulat ako nung malaman kong ang may-ari ng 8 waves Waterpark sa Bulacan eh Villangca din. Sila lang mayaman, hindi kami. Sa kanila napunta yung yaman, sa amin napunta yung good-looks. Hays. Nung nagsimula nga ang Facebook, ang dami nag-add sa amin na posibleng mga kadugo dahil parehas kami ng apelyido. Chinachat pa kami at pilit nagte-trace kung kami ba talaga eh magkakadugo. Mga in denial. Apo kasi sila ng may-ari ng 8 Waves at anu ba naman malay nila baka nakiapelyido lang kami mula pagkabata para makahuthot sa pera nila. Sa huli, ang sissyng ex-buntis ang nakipagusap sa kanila at nagkapuntuhan ng ninuno. Kamag-anak nga namin sila. At yan ang storya ng aming family reunion sa FB.

Bukod sa aming pamilya, may iba pang pamilya ang nabuklod ng dahil sa paggamit ng Facebook. Ang ganda din ng benepisyo di ba? At may kilala akong isang pamilya, magkakapatid ata silang lahat, na nagkita kita sa Facebook. Madlang Pipol, meet the vampire siblings.

Pangarap kasi ata nila maging bampira o sa mas malamang pangarap nila mapangasawa si Eduardo. At pati si Jacob Cullen sa baba, type din niya ang kaputian ng loko. Ayieee.. Kasama kaya ito sa pakyut stage ng buhay ng teenager? Bago naging Cullen si Anelle (sa taas), Bieber Cullen ang apelyido niya sa FB. Dugong artista si Ate. Nanay Bieber na unano, Tatay bampirang may leukemia. Ang CUTIE nyo! Pak!Ü

Nung isang araw lang din, may nabasa ako sa news feed ko. May friend ako na babaeng nagpalit ng relationship status from being 'single' to 'in a relationship' with Enchong Dee. Hindi naman Erich ang pangalan niya at di rin siya artista, pero magkarelasyon sila ng hayop na pakyut na Enchong. Maya-maya, pagkarefresh ko ng page, may nagcomment agad saying: "Uy, yan ba yung ginawa mong account ni Enchong? Galing ah." Sabog si Ate! Kinabukasan, back to single ang bata. Pinahiya kasi nung nagcomment. Pambihira kasi. Sagad kung makapagpasikat.

Ang mga larawan na inyong nakita ay hindi ko pinagpaalam. Syempre naman, pero sila ay aking kakilala. Di na uso ang blurred images for confidentiality. Pak na yan, kung gusto niyo ifriend ang mga weirdo, isearch niyo na lang. O kung gusto mo makiuso, magpalit ka na din ng apelyido at gawin mo ng Revillame para tunog local o kaya  Lautner naman para tunog aso. Pero yung mga normal pa diyan, maging masaya na tayo sa pangalan natin. Yow V. Tunog blogger. NakangPak!

Thursday, September 23, 2010

Update.

Busy-busyhan ako nung mga nakaraang linggo kaya di ako makapagblog at nakakalimutan ko na din yung gusto ko i-share kaya this post will just be an update ng mga nangyayari sa buhay ko. Isang mahaba-habang tweet ng ka-epalan. Babawi na lang ako next time. :)


Ang buntis na sissy ay nagluwal na ng isang bouncing (and when I say 'bouncing', I really mean it) baby girl last Monday, September 20, 2010 at exactly 10:55 AM. Happiness tuloy ang Yow Family dahil may dagdag na naman sa aming angkan. At syempre, isang tantos na naman sa bilang ng aking pamangkin ---- pang pito na si Jemimah Ross. Kung may pang-pito, nag-aabang naman kami sa pang-walo. May sissyng buntis na naman me at sa katauhan ito ng aming panganay na kapatid. Yung totoo? Dapat sunod-sunod? Dapat madami? Automatic, inaanak ko na naman ang mga pamangkin ko na yan. Payn!


Officially, nagstart na ang intramurals namin kanina na magtatagal hanggang friday. Sobrang exciting ng Intrams at ang dami ko masasabi tungkol dito. NEXT!


Nakakapressure mag-isip ng picture greetings for Ser Jipoy, Kikilabotz at Greta. Pambihira! Uso dapat? Gusto ko na gumawa, wala naman ako maisip na konsepto. Kapag ako nainis, may word art naman sa microsoft word, makapagtype at maisend sa inyo. For sure, kung may premyo ang pinakamaganda e di ako na ang nanalo. Pak! Kailangan ko magset ng date ng pagsesend sa inyo, siguro sa first week of November naisend ko na. Sakto. Wait nyo lang.


Sa ospital kami naghahapunan araw-araw para sweet at magkakasama pa din kami magkakapatid sa hapunan. May malapit na seafood restaurant sa ospital na nakaconfine ang sissyng di na buntis kaya dun na lang kami nagtetake out ng hayup fernando sa sarap na pagkain. Crispy Pata, Bicol Express, Sinigang na Baboy, Sisig, at Gising-gising ang ilan sa best dishes nila na natikman namin. Sang gawi ang seafood sa mga yan? Kabod na lang nag-claim na sila ay seafood restaurant samantalang mas madami pa sa Menu nila ang baboy at manok. Kasama ko ang Zetlog sa pagpunta sa tindahan ng ulam para mag-take out at pag balik sa ospital, naitanong ko na din sa wakas kung bakit ang dami niya school mate na naglipana sa buong ospital na kanina pa andun pagdating ko galing sa uber-fun na intams. At bigla na nagkwento ang bunsong sissy.


At 4 AM, 09-22-10, sumabog ang TV sa isang boarding house na malapit sa kanilang school at doon nakatira ang school mate ni Zetlog na lalaki. He's living there with his Lola dahil napakalayo ng kanilang bahay sa eskwelahan. The TV had a short-circuit shit and caused explosion that produced fire burning the whole boarding house. English-dapat. Nagkagulo ang lahat pero yung batang lalaki ay naisip ilabas ang kanyang Lola at pinsan at ilang bagay. Anu tawag dun? Bayani. At nung siya naman na daw ang lalabas, nagcollapse na yung structure nung bahay at naiwan siya sa loob. Destined to die ba talaga ang mga bayani? Ang dami tuloy tao sa buong ospital at mostly estudyante from Science High School. Lahat sila batch mate ni Zetlog. Naghihintay sila ng balita na nakasambakol ang mga mukha. At yun na nga, bye friend ang naging drama.


Pag-uwi dito sa bahay, pinakita sa akin ni Zetlog ang kanyang news feed sa FB na punong-puno ng pagdadalamhati sa nangyari. Kaklase pa niya ang present girl friend nung bata at nagchat pa sila. Nung binabasa ko yung mga status, though yung iba medyo over-acting at yung iba sabi ni Zetlog ay di naman talaga close sa pumanaw eh nakiki'I'll Miss You dun, nalungkot ako kabod at kinilabutan. If I were in their shoes at namatayan ako ng kaibigan, eh shet mama shet, nakakadepress nga din Kuya Eddie. Hindi natin kadugo ang ating mga kaibigan pero naging pamilya na din sila sa atin. A lost of a friend can be as equal to a lost of a relative. (Tama ba?) Halos magkasing bigat, magkasing-timbang. Ang sarap magkaroon ng maraming kaibigan.


Mostly sa nabasa kong status ay nagtatanung ng 'Why?' Isa ding malaking tanong yun nung namatay ang kuya ko years ago. Pero sabi ng isang Christian worker sa tribute ng aking utol, never ask God 'why' dahil kapag binaliktad mo ang salitang ito which is Y-H-W, it's an abbreviation saying 'Your Holy Will.' Kaya whenever you ask why, nasa sa'yo na ang sagot. It is God's will kaya naman may mga nangyayari na di natin inaasahan. He has a better plan for our loved-ones na nawala.


Oo. Kumakabod ang post na to at bigla na lang nagiging emo much. Bayamuna. Gusto ko lang mag-update. I'll keep you posted whenever I get a chance. Pak!

Friday, September 17, 2010

Yow and Zetlog: The Journey

May bago akong kwento. Recently, about 3 weeks ago (di ba kamakailan lang?), may inattendan kaming debut party ng isang kakilala sa Manila kaya naman ang probinsya boy Yow ay naghubad muna ng bota at umahon mula sa putik ng bukirin, nag-sign out sa facebook at naglakbay. Kay tatayog pala ng gusali sa Kamaynilaan hano? Nakakalula ayy.

Sa Vivant shit, Alabang ginanap ang party. At sa registration nakatoka ang Yow at Zetlog (a.k.a. bunsong sissy). Syempre ang sissyng buntis ang organizer kaya dapat magagamit ang mga kapatid niya. Kailangan din kasi kaaya-aya ang sumasalubong sa mga guests bago pumasok sa loob ng hall. And I think, nagampanan naman namin ng maayos ang role na yun. Bawal kontra! At diyan natatapos ang kwento ng party party.

Actually, hindi naman yan ang kwento. Ang pagluwas namin ni Zetlog ng Maynila ang istorya. Day before yung party, paluwas na kaming magkapatid at maaga kami pinapapunta ng sissyng buntis. Akala ko tuloy eh kami ang magluluto at magaayos ng hall kaya maaga kami pinapapunta. May catering naman pala at may magseset-up. Pinapaluwas lang kami ng maaga para makasabay sa family friend na pabalik na din ng Manila. Wais talaga ang sissy. Nagtitipid muchness. Bago pa man ang byahe may mensahe ng binigay sa amin ang sissy. BABALA: Mainit sa Van, magdala ng rescue pamaypay. Kaya naman nung sasakay na kami, bilang masunuring mga bata, di kami nagdala ng pamaypay. Maaga kami umalis kaya pagsakay sa van ay malamig pa. Sa pagdaloy ng oras at paglayo ng aming nilalakbay, teka nga Kuya Eddie, parang kumatas na lang ang Yow at naging isang nabuhay na pawis. Mainit nga talaga Ate Charo at naging exhaust fan ang aircon. Palabas ang hangin at hinihigop papasok ang init sa labas. Gusto kong buksan ang bintana ngunit mahina ako Ate Amy, gusto ko i-Face-to-Face ang driver pero gusto talaga nila mag-asawa na nakasara ito at kulubin ang pampabasa ng kili-kiling init sa loob ng sasakyan.

Around 2 PM nasa Mega mall na kami. Sabi ni Manong Driver, “Punta kami Mandaluyong, sa Boni na lang namin kayo ibababa. Magbus na lang kayo.” Di na ako tumanggi at pagkakataon na yun para takasan ang pambihirang umaandar na oven. Gabi pa daw ang uwi nila sa center namin sa Sucat kaya mauna na daw kami. Sa kanilang kabaitan, pinaiwan na lang nila ang mga gamit namin sa van para di kami mahirapan sa pag-commute. Sino ba namang tatanggi sa hassle-free na idea di ba? E di payt! Bumaba na kami dala-dala lamang ang tig-isa naming personal bags at nag-abang ng bus. Dumaan ang Nova Bus ni Idol Glentot pero di kami sumakay. Mukhang mapanganib ang itsura ng bus pati na din ang driver na nakabalot ng sarong ang ulo. Habang naghihintay kami, tinanong ko ang Zetlog:

Yow: Zetlog, may barya ka ba? Magkano pera mo diyan?
Zetlog: (Halungkat) Ayy. Naiwan ko sa paper bag sa van yung wallet ko. P40 lang nasa bulsa ko.
Yow: Pambihira ka! Ako na nga lang muna, wala pa naman ako barya. (Halungkat at kapa-kapa)

At yun na nga. Ang wallet ko ay naiwan din sa isa ko pang bag sa van. Anu tawag dun? Tanga. Laking ginhawa pa naman kako ng walang bitbit, eh di naman pala kami makakauwi sa di namin pagbitbit. We started panicking at nagsisihan sa tapat ng gasolinahan. Anung magagawa ng kwarenta pesos? Habang nagiisip eh naglakad kami ng naglakad hanggang makarating sa station ng MRT sa Guadalupe. Pinagod namin ang sarili naming umakyat sa mataas na hagdan ng MRT para makatawid at umaasa na may mauupuan sa Guadalupe Shopping Center daw na mas maganda pa ang Baclaran. Wala akong pangtext that time at si Zetlog naman ay lowbat. Nagpalit kami ng sim para magamit ang ever-reliable TM Astigtxt niya, nagte-te-te-te-te-text kami kay Sissyng buntis at nagmamakaawa na sunduin na ang kanyang mga abang mahihirap na kapatid. After 15 minutes, no response. Nanganganak na kaya ang war-freak na buntis? Pambihira! Di man lang magreply. Kaya nagpaload na kami gamit ang P40 na natitirang kaban ng cash. Tinawagan ko ang sissy.

Yow: Se, Yow to. Naiwan namin yung wallet sa van eh binaba kami dito sa Guadalupe. Di kami makauwi. Rescue us please? [insert sad face]
Sissyng Buntis: Kakabasa ko lang ng text mo. Humaharvest pa ako eh. Teka, tapusin ko lang, gagayak na ako.
Yow: Wow. Abala ka ha? Dalian mo na se. Husay!

Joke lang. Di siya nagfafarmville nun pero nagfefacebook daw siya kaya di niya napansin. Nung nagtext siya na nasa byahe na siya, humanap na kami ng magandang pwesto at mauupuan. Yung hindi kami papaalisin ng guard dahil nakaupo kami sa hagdan, yung hindi kami makikinood ng flat screen TV sa solar sales center na palabas yung hayup na si Criss Angel. At natagpuan namin ang upuan na kay ginhawa kay Aling Upeng: Jollibee. Pakapalan ng mukha sa manager ng Jollibee na si Aling Upeng, kahit di kami umoorder, ang tagal namin nakiupo don at kunwari namimili ng kakainin na may kasamang pagturo-turo effect pa. Ang sarap umupo sa Jollibee kahit masama na ang tingin ng guard kaya lang magugutom ka sa amoy ng mga langhap sarap nilang pagkain. Kainis. Nung dumating ang buntis, shakiness na us sa sobrang hungry. Dali dali na kaming umorder, hulaan mo kung saan? Syempre, bilang utang na loob sa pagpapaupo, kumain kami sa KFC sa tabi ng Jollibee. At nakauwi ng matiwasay pagkatapos kumain.

Tatapusin ko ang post na ito sa mga natutunan kong moral lesson na nawa'y makatulong sa lahat:
Wag ibubulsa ang katangahan sa paglabas ng tahanan. Iwanan na lang ito para iwas ang panginginig ng kalamnan. Pak!
Hayop ang buhay, Fernando! - Jacklyn Jose, Mula sa Puso. 
Ang utak parang tiyan, masakit kapag walang laman. Ta-ma! 

Saturday, September 11, 2010

Transformation

Nung past life ko, isa akong match stick. Isa akong buhay na patunay ng naglalakad na buto. Yes! Di pa uso ang fitting na damit noon pero nauna ng humapit ang balat ko sa buto ko. Nung bata kasi ako, porke't uso ang malnourished, nakiuso na din ako at nangayayat ng husto. Wala sa hobby ko dati ang pagkain at kahit may nakahandang pagkain three times a day, mas pipiliin kong maglagalag kesa punuan ang pangangailangan ng aking katawang-lupa. Minsan rin akong natukso ng sambayanan na lampayatot dahil palagi akong nadadapa dahil sa kapayatan. Kalampahan samahan mo ng kapayatan at budburan mo ng katangahan = YOW.

Wala akong makutya kaya sarili ko na lang ang pagtuunan ng pansin. Wala kaming internet kaya kahit punung-puno ng kagustuhang magblog ang puso ko eh wala akong magawa. Wala ring maitutulong ang typewriter namin sa bahay dahil walang publish button ang high tech na gamit namin na yun. Bigla na lang tuloy ako nakapagnilay-nilay sa mga nangyari sa buhay ko na nakaapekto ng husto sa kung anuman ako ngayon. Akala mo napakalalim ng sinasabi ko, tungkol lang naman sa timbang ang pinopoint ko.

Noong bata ako mahigit 10 kls. ang kulang sa timbang ko para matawag na normal. Ang itsura ko tuloy nun eh batang inaalipusta at inabandona ng magulang na parang hindi kumain for 43 days. Sa murang edad, nagmukha na akong addicted sa yosi dahil humpak kung humpak ang mukha ko sa kapayatan. At yun ang kalunos-lunos phase ng aking buhay. Tumaas ang timbang ko sa pagtakbo ng panahon at bahagyang napapalapit sa normal. Lumapit lang pero hindi nakaabot. Up until my second year in college, nagmukha lang ako binata pero payat pa din. Kaya noon pa man, isa sa pangarap ko ang tumaba o maging normal ang timbang, nakakasawa ding maging abnormal. Di pa bagay sa akin.

Nagkaroon ng medical check-up ang school para sa lahat ng estudyante nung 2nd year pa lang ako. At syempre imposibleng mawala doon ang pagkuha ng timbang. It's my turn, tumuntong ako sa timbangan at poof! 67 kls. ang Yow. Tingin ako sa chart agad para makita kung may mali. Para sa height ko na 5'11'' normal akong matatawag kung ang timbang ko ay 74 kls. Nakangtooch! Parang kulang lang ng pito para pak na pak! Isa-isa kaming kinausap ng doctor ng school at nakakagulat ang sinabi niya sa akin.

Doctor: 67 kilos? Di ba nursing ka? Tsk.
Yow: Yes po. Bakit po?
Doctor: Under-weight ka. Kayanin mo kayang magnursing? Ang laki mong bata eh.
Yow: E di sorry naman na Dok. :| 

Payn Dok! Ang judgmental niyo naman ho. Hindi nasusukat sa katawan ng tao kung gaano kataba ang utak nito. Kahit nahurt ako sa pangmamaliit sa akin, nakasmile pa din akong umalis sa harap niya dala-dala ang reseta ng napakadaming multivitamins na kailangan ko inumin. At simula noon, namotivate tuloy ako magpataba para iwas kutya. Ang kain ginawang lamon. Ang katamaran, pinaigting para walang maburn na calories. Lahat ng pampagana nasubukan ko na, masyado tuloy naging ganado at sumubok ng kung anu-ano. Amp. Binalak ko pa mag-gym para maitry ang program nila na pang-increase ng weight kaya lang di natuloy dahil mas madaling tamarin. At dahil dun, unti-unti akong bumigat at naging normal. Successful! 73 kilos na ako, kulang ng isa pero normal na. Ang saya pala maging normal.

Dahil sa ginawa kong pagpapataba, yun na ang naging sistema ko sa buhay. Ang lakas ko na tuloy kumain at hindi na papatalo sa pagpapataob ng kaldero. Ang laki ng pagbabago sa itsura ko dahil na rin sa pagbigat ko kaya ang daming nakapansin nito. Mas bagay daw sa akin ang may laman, eh sino ba naman kasi ang binabagayan ng wala? Pambihira! Mukha pa daw ako naggym dahil naglakihan ang lahat sa akin. Eh de sige. Ako na ang atensyon ng mga tao. Amp. Simula nung masatisfied ako sa king timbang, di ko na muling binalikan ang timbangan. Kampante na kasi ako at normal na ako. And then one time during our duty sa ospital, nakakita ako ng timbangan at naisipan magtimbang. Pagkatungtong sa weighing scale ---- 82 kilos. Oh shut! Nagpaulit-ulit ako dahil di makapaniwala sa nakita. Napasarap ata ang kain ko at papasobra naman na ang timbang ko. Dalawa na lang idadagdag at certified obese naman ang Yow. Nakakadepress din pala malaman na sobrang taba taba mo na. Di ko naman na mapigil ngayon ang kumain dahil ang sarap sarap kaya.

Noong isang araw lang nagreminisce kami ng pictures sa phone ni Greta. Mga natambak na picture 1 to 2 years ago. Nakita ko ang sarili ko at bigla ako napadasal. Thank you Lord at tumaba ako. Ang pangit ko dati at mukha akong iskwater. Dun ako nagka-bright side at natuwa na rin sa nangyari. Salamat sa aking pagtaba at nagmukha akong tao kahit papano. Pak!


Inisip kong maglagay ng picture pero di bale na. Hindi niyo magugutuhan. Haha.

Monday, September 6, 2010

Kumikislot

Lahat ng tao ay biniyayaan ng talento galing kay Bro. Naging fair naman si Bro na bigyan ang bawat isa sa atin ng sarili nating maipagmamalaking talento. Ultimo nga mga disabled o handicapped person nakakapagbasketball, nakakasali sa triathlon, nakakapagpiano at nakakakanta ng nasa tono (di nga lang kagandahan minsan pero at least nasa tono). Kaya for sure, may natatagong talento ang bawat isang madlang pipol na nasa mundo. Kung nagtatago man yan, hintay-hintay lang, pasasaan ba't lalabasan ka din. I mean, lalabas din ang talent mo. Malay mo ikaw pala ay talentadong pinoy sa declamation, sa paggawa ng tula, sa pagkumpuni ng sirang saksakan, sa pagpapakintab ng kotse, sa pagkutkot ng dumi sa kuko, sa pagaayos ng buhok at mukha, sa pagmemekaniko o kahit sa pag-gawa ng pulboron at yema, eh aba Ati at Koya, talent na yan. Tunog vocational course nga lang pero talent na yan, linangin mo, malay mo madevelop. Uyyy.. (nangharot?)


Bukod sa pagpapanggap na marunong ako magsulat ng kung anu-ano, may isa pa akong nasapo na talento (ata) mula kay Bro. Hindi ako biniyayaan ng kagandahang boses, este hindi pala talaga magandang boses, sa pagkanta kaya naman siguro ipinagsiksikan at ipinilit ko na din na matutong sumayaw. Naka naman. Dumadancer si Yow. Marunong akong sumayaw pero hindi kasing husay ng mga walang-hiyang iba jan. May poot talaga dapat dahil nakakaintimidate mag-sayaw yung ibang tao da ba? Tingin ko naman, nasa lahi na namin ang makikislot na tao kaya naging passion na ng ilan ang pagsasayaw. Magagaling magsayaw ang mga pinsan ko, alam mo yung magaling? May humi-hip-hop, juma-jazz, kumo-contortionist, lumi-lyrical hip-hop at mumo numomo nimomodern nag-momodern dance. Samantalang ako eh bukod sa specialty kong macho-dancer moves (sang gawi ang macho?), pang-doxology ang moves ni Yow. Mga simpleng taas taas ng kamay kamay at paa paa lang na accompanied by Christian Songs. MakaBro ako eh.


Simula nung sinayaw namin nung bata pa kami ang Get down, get down and move it all around ng Backstreet Boys, nagsimula na ang career ko bilang taga-bigay aliw sa pamamagitan ng pagkibot at pagkislot. Naaalala ko tuloy na minsan isang magpapasko, nagawa naming sumayaw magpipinsan sa party party ng isang kapit-bahay. Nakapangasawa ng hapon kaya biglang yaman ang buset na kapit-bahay. Sumayaw kami dahil nabalitaan naming nagbibigay ng pera ang hapon. Nakamit namin nun ang gusto namin at may uwi-uwi kaming P100 bawat isa pang-jollibee. Pero ngayon ko na-realized na performer sa Japan pala ang datingan namin noong panahon na yun, bigla akong nandiri, bigla akong nanlumo. Shetness. Para sa pera nga naman oh!


Nung tumuntong ng high school, lalo nadalas ang sayawan na aking naranasan. Bawat pacontest, sasali kami kesehodang sing and dance competition na buong klase ang involved eh game pa din. May sinalihan kaming pakulo noon na hip-hop/modern dance competition na dinaos pa sa isang mall. Kahihiyan pero nanalo ang grupo namin. Dahil nagustuhan ng isang konsehal ng aming bayan, inimbitahan tuloy kami na sumayaw sa isang Fund-raising concert para sa nakalimutan ko ng purpose. At bongga yun nung panahon na yun dahil kami muna ang sasayaw bago lumabas at magpakitang-gilas si Keempee De Leon. Hindi na two-sided ang buhok niya nun, hawig na lang nung hairstyle niya ngayon. Big star di ba? Sikat na sikat ang main act. Ang baba tuloy ng raised na fund.


Nitong mga nakalipas na araw, medyo nag-iisip isip ako kung itutuloy ko pa ang career ko sa pag-gamit ng katawan bilang source ng aliw. Ang tanda ko na kasi para sa pagsasayaw at mahina na ang tuhod ko para gawin pa ang mga indayog sa sahig na moves ko. At lalo't higit sa lahat, nabwisit ako sa napanood kong video kay Pareng Youtyug. Parang pag-nakitabi ka at nakisali sa kanila ay maicoconsider na as an attempt to suicide. Ang panonood ng video nila ang nagpa-realized sa akin na hindi nga ako marunong sumayaw at sila lang ang may karapatang kumilos sa saliw ng tugtugin. Mga walang-hiya. Mga hampas-lupa. Mga patay-gutom kayo. May galit? Oo. Eto, panoorin niyo kase.



O siya! Kayo na Diyos. Kaya talagang wala akong future sa pagsasayaw. Isa na lang malaking frustration ang maging magaling na mangingislot. Hindi na yan ang talent ko. Makapagblog na nga lang. Malay mo, kakablog ko, gumaling ako sumayaw. Ayaw pala sumuko eh. Naman naman eh. Yun ang Pak!

Friday, September 3, 2010

Nakanaman. Panalo!

Wala kaming pasok pero ang aga ko nagising. Stay-in na kasi ulit ang sissy ko na buntis dito sa bahay at nag-aabang na siya ng pagkibot ng bata sa namumutok niyang tiyaaaan. Isa pang parang Nanay ko yan eh, di ka titigilan ng hiyaw hangga't di ka bumabangon. Kaya bumangon na kami. 
Kakatapos ko lang mabusog sa umagahan kaya dahil jan may nag-text:

Congrats! Blogger of the month ka ni Jepoy. Imba ka. I'm proud of you. Sikat ka na. Tama lang yan, ang gwapo mo kaya. Nagmamahal, UNGAZ.

Nagulat naman ako sa mensahe ng ungas at biglang nagbrighten up ang mukha ko. Instant happy face ang dulot ng text na ito at sa sobrang tuwa ang naisagot ko lang ay ang mahilab-hilab at puno ng emosyon na Oh? Weh? Matapos yun, dali-dali ako nagbukas ng laptop at nagpray over na maganda ang connection. Under construction pa kasi ang hayop na Wi-max dahil moody ang buset, pinipili kung kailan magkakaroon ng connection. Answered prayer mga kaibigan at talagang pinagbibigyan akong makita ang post ni Sir Jepoy. Blogger of the Month: September Edition.


Nag-scan muna ako bago magbasa. Scroll down at biglang napaisip. Teka nga. Facebook ko ata ang napuntahan ko, puro mukha ko nakikita ko. Ako nga. Nagtatry ako mag-logout pero hindi epektib. Pindot ako ng pindot ayaw lumipat ng page, picture pala ni Jeps sa about me yung andun. Nakangtooch. Hindi nga ito facebook. At hindi nga ito chismis o September fools day. Wagi nga pala ang Yow sa kapita-pitagang blogger of the month segment sa Pluma ni Jempong. Napangiti na lang ako nung binabasa ko sabay sabing Haylabbets.


Ganun talaga madlang pipol, dapat ishare ang experience at wala din naman ako maikwento. Nung maisipan ko bumalik sa pagbablog, ang layunin ko lang naman talaga eh makapagsulat at magbasa. Yun lang. As in. Bonus na nga sa akin na may nagbabasa at paminsan-minsan ay may kumocomment sa sulat ko. Nung dumami ang nakapansin sa munti kong tahanan (dumami as in more than one na ho), nagustuhan naman ng Yow at nagpapansin na talaga sa ibang blog. Yan ang pure-blooded pampam. Sa mga blog na binabasa ko, si Master Badoodles, Paps at Jepoy ang may blogger of the month segment. Dun ko pa nga nakikita sa list nila ang mga nice-to-read na mga blog kaya nakakatuwa ang pakulo nila na yun. Sadya akong ambisyoso that time kaya naman pinangarap ko na ako'y marecognize din kahit na ang entry ko pa lang nun eh tatlo.


This is my first recognition as a blogger kaya naman umabot na sa gawing batok ang ngiti ko at naging constant na ito. Mababaw lang ako at talaga namang napasaya ako nito. Naging pangatlo na din pala ako sa hall of fame ng blogsngpinoy. Nagbunga kasi ang inaraw-araw kong pagpindot ng 5 star sa ratings ko dun. Nagpipipindot ako bawat araw para manalo pero nung lumabas ang resulta para sa buong buwan,,,, pak! I got 7 points. At 3rd place pa ko ng lagay na yun. Konti na lang maabot ko na yung first place eh, 200 lang naman kasi siya. Ang dami niya friends ah? At good friends sila.


Biglang nadagdagan ang bumisita sa It's YOW time buong araw dahil na rin sa parangal ni Sir Jepoy. Malaking tulong talaga kapag napromote ka ng sikat. Naks. Anu ba namang malay ng iba na may Yow pala? Napabilib din ako sa pagkakakuha niya ng impormasyon tungkol sa akin. Nakita niya kaya talaga sa account ko o may may tulong din si Idol Glentot na tanging link namin sa isa't isa? (O di ba nangbintang pa ko). Nagulantang talaga ako ng makita ko ang pistyur ko na kay gagwapo (blog ko to). Kung todo pakyut pa naman ako sa mga picture na nandun kaya nanliit ako sa hiya. 5'1'' na lang ako ngayon. Nalantad masyado ang pagkatao ko na hindi ko pa naman sana masyado inilalagak sa publiko. Nahiya naman daw ako sa buong pangalan na nakalagay doon sinamahan pa ng simbahan ba ito na school ko. At huli, natakot ako. certified Stalker of every month talaga si Mr. Jeffrey Besinio, ECE graduate ng MAPUA at nagtatrabaho kay Emerson. 


Hindi ko na kinaya ng mabasa ko ang linyang Si Yow ang itinadhana ng Universe na blogger na tatalo sa hits ni Perez Hilton. Anu daw? Anu sabi? Si Yow daw ang tatalo saan? Eto talaga yun eh: sino ba si Perez Hilton? Oo na, tanga na pero gaya ng di nyo pagkaalam sa school ko, hindi ko din alam kung sino si Perez Hilton. Tinext ko agad si ever-reliable Ungaz at ang sabi niya eh di ko daw katulad yun, panghollywood na mapanirang-puri na chismosa lang daw yun. Naconfuse tuloy ang Yow. Mapanirang puri nga ata ako? Amp.


Anyway anne hathaway, maraming salamat bossing Jeps sa isang walang katulad na experience na maging iyong blogger of the month. Hindi sapat ang comment para sa pasasalamat ko at dapat may sariling blog entry. Mabuhay ka! Kung malapit lang ako sa'yo, ititreat kita ng bonggang kainan. Ayos! I mean Sayang! Malayo eh. Well, pakiramdam ko una't huli na ito pero at leastkahit minsan naman naipagmayabang nabanggit ko sa blog ko na naparangalan ang Yow da ba? Sa lahat ng napalanding at nagpakitang gilas sa It's YOW time, maraming salamat din. Tatumbling din ako sa inyong mga tahanan sa lalong madaling panahon. Sa lahat ng blogger sa mundo, blog on! Sabi nga nila Blog'nRoll! Pak! Bow.

Thursday, September 2, 2010

Early Bird

Better late than never. Sinapuso ng Yow ang kasabihan na yan kaya naman consistent ako na isinasapamuhay ang meaning nyan. Sa isip, sa salita at sa gawa, ako ay dakilang late. Oo na, wala ng professionalism. Eh sa anung magagawa ko? Nalelate eh. Siguro, 7 out of 10 na lakad ko, huling eentrance ang Yow. Hindi naman ako makupad kikilos. Di naman ako mahinahon na tao pero lagi akong nahuhuli.


Simula nung lumipad na sa ibang bansa ang Nanay ko, wala ng masugid na gumigising sa akin tuwing umaga. Oo. Dapat talaga may gigising. Epektib sa tenga ko ang alarm ng phone kaya lang natatalo sila ng kamay ko sa isang pindutan lang. Resulta? Tulog ulit. Iba pa rin talaga ang pwersa ng ina sa pag-gising sa anak. May motherly touch. Ang Nanay ko kasi tahimik mang-gising dahil alam niya ang sikreto namin kung paano gisingin ---- ang bambuhin sa paa. As in bambuhin, may lakas, may dahas, may galit, may poot. Surebol, I'm alive alert awake enthusiastic kaagad. Last week napahimbing na naman ng sagad ang tulog ng Yow at may pasok ako ng 9 AM, saktong quarter to 9 din ako nagising. Napaisip pa ko that time kung hahabulin ko pa kahit alam kong imposible na ang klase. Sabi ko hindi na pero gumayak pa din ako. Pagdating ko, nagpalong quiz ang MaRyan. nakaabot naman ako. "Please pass your paper forward."


Dahil proudly pinoy nga, there's no golden time with Filipino time. Matindi din paniniwala ko sa sariling oras ng Pinoy kaya naman palaging late. Wala na magagawa, salin-lahi na 'to. Magkita-kita tayo ng 10 AM, dadating ako ng maaga. Maaga pa para sa lunch. Nakakagayak naman ako on-time, sakto naman ang calculations ko sa oras. May time management naman ako, pero kapag napasobra talaga ang tulog o napasabak sa pangit na byahe eh late na nun. Sinusubukan ko naman magbago at nagiimagine na tuwing umaga may hahataw pa rin sa paa ko kaya lang nasunog na yung bahay o naubos na ng magnanakaw yung gamit, mahimbing at nakasmile pa rin akong nagpapanis ng laway. Bakit kasi ang sarap-sarap matulog? Napapagod din ang katawang lupa ko, kailangan din niya maging sariwa paminsan minsan.


Kadalasan, hindi ako ang may kasalanan ng pagkahuli ko sa mga bagay-bagay. Tadhana na kasi ang nagpapabagal ng proseso ko sa buhay-buhay. Dapat talaga sisihin ang tadhana. Tulad na lang nito, hindi ako nakapagblog ng isang linggo. Nahuli na ako sa mga kwento ko dahil sa shitty wi-max namin. Ibukas mo man magdamag eh nagchristmas light na lang siya at hindi kumonekta ng maayos. Wala tuloy kami net ng ilang araw. Hindi tuloy ako makapagpost. Late tuloy (Nailusot ko yun). Kaya pasensya naman na madlang pipol. Tumitirik din ang makina paminsan kaya hindi umuusad ang It's YOW time. At least nakapagupdate na ako ngayon da ba? Better late than never talaga. Pak I'm effin back!