Friday, December 23, 2011

My Grown-up Christmas Wish

Christmas is just around the corner. I still can't believe... quota na sa English, maximum of 10 words lang!


Napasarap ang pag-tambay ko kaya hindi ko napansing may blog pala ako. Napasarap din ang pagkain ko kaya hindi ko napansing ang taba-taba ko na. At hindi ko din namalayan na ang bilis ng araw, isang tumbling na lang pala ay Pasko na. Wala na akong napansin. Ako na ang snobbish! Ako na ang walang malay! Ako na si Bal! (You know, si Bal. Si Bal na walang malay, remember? May explanation ng joke?)


Feel na feel ko ang pagiging grown-up kunwari sa buhay ko ngayon. Literal na grown-up kasi mga batang pamangkin ko ang karaniwang nakapaligid sa akin. At figuratively, kasi kunwari pasan ko ang daigdig at ang dami ko iniisip sa buhay ko. Noong nag-aaral pa ako, ang sarap sa feeling ng walang ginagawa pero ngayon ko na-realized na hindi pala siya fun pag matagalan. I feel so worthless, I feel so useless. Ajujujuju. Orti lang?! Kaya sa oras na nakatambay ako, which is most of the time, puro pag-ninilay-nilay at pag-paplano sa buhay ang naiisip ko. Nakanang.. I feel sooo old!


Sumasabay pa ang lamig ng Pasko dito, lalo tuloy ako nai-emo. For 19 years, I've celebrated Christmas in the Philippines. Kaya nasanay na ako sa maingay pero makulay at masayang Pasko sa Pinas. This Christmas celebration will be a new experience for me... and I'm excited for how's it gonna be. For almost 20 years, ngayon ko na lang makakasama ang Ate ko sa Noche Buena, ganun din ang Ditse ko na halos 14 years kong di nakasama. At ang pinakamasaya, pagkatapos ng 4 na taon, may mayayakap at mahahalikan na akong Nanay at Ama ngayong Pasko. Masaya ako na malungkot --- ambivalence! Masaya na makakasama ko na muli ang dalawang kong kapatid na nauna ng kumayod para makatikim kami ng hamon tuwing Pasko at ang mga magulang ko na ginawa ang lahat para makatapos ka ng pag-aaral. Pero nakakalungkot isipin na kailangan ko namang bitawan ang pamilya ko sa Pilipinas. Sila naman ang hindi ko makakasama ngayong Pasko --- sila na nakasama ko sa halos dalawang dekada tuwing Pasko.


Yes, Christmas is all about the birth of Jesus Christ... but for me, the best way of celebrating this special occasion is to be with your whole family. God really blessed me this year pero hindi naman siguro masama na may hilingin pa ako. Kaya before the worldwide celebration ng birthday ni Bro., hahabol lang ako ng isang Christmas wish. I am wishing, hoping, and hardly praying that someday we will celebrate this special occasion altogether as a one big happy family. Yun lang naman ang gusto ko, kahit walang regalo, kahit walang handa. Basta lahat kami magkakasama.


Teka, may handa naman pala kahit tinapay at cheese whiz lang.


Okay, enough with the drama. Sobrang hirap pala gumawa ng emo/serious post, I'm not gonna do this again.


Oras na lang ang bibilangin, Pasko na sa Pinas. Mauuna na ako sa pagbati sa lahat. 
May we all have a meaningful and wonderful Christmas. Loner ka man o may kasama, kumpleto man ang pamilya o hindi, dapat pa din nating ipagdiwang ang birthday ni Bro


Jesus is the reason for the Christmas season. Merry Christmas, Bossing! Mwah, mwah, tsup, tsup! God bless us all!

Thursday, September 29, 2011

Dedication

Last August, nakatanggap ako ng regalo mula sa aking bunsong kapatid. Advanced gift para na rin  sa noo'y nalalapit kong pag-lipad --- the "Akala mo lang wala nang slumbook pero meron, meron, meron!" Notebook/Slumbook Tanso edition. Alam kong hindi bagay sa akin pero wala namang natatanggihang regalo. Gamitin ko na din daw para maging remembrance sa lahat ng friends ko (if any) na pwedeng itabi forevah. Aww... sweet pa pala ang motive.
I asked some of my relatives and friends to sign my cute slumbook. First time kong nabasa pagdating ko dito sa US ang mga sinagot nila sa slumbook at sadya nga naman palang nakakaligaya. Favorite part ko yung dedication part na naglalaman ng mga makabagbag-damdaming salita ng pasasalamat, pagmamahal at kawalang-hiyaan. At dahil likas din akong slight na walang-hiya, ise-share ko sa inyo ang isa sa paborito kong dedication mula sa aking kapatid na si Zetlog. Game!
Aug. 29, 2011 
Dear Diksy, 
Hoping you're alrights theres by the time of readness of this. Thanking you for this ever good version of such a slumbook is such a for you. This is my thanks, accept. I will very very very surely missed you for going about there. Seriousnessly, I'm speaking to you. I'm knew you'll miss me, also. Just take care of yourselves and our mother and father. Don't eat the big amount. Gym for your own sake and be a model here if you're tired of nursing. I'm still hopefully fan of you in ASAP so come back and tuition me. Thank you much for all. I love you Diks! :* 
Here is quite a good acronym better that those above for you. I'm inspired with SUCAT, Paranaque now. 
S - weet and polite that's simply Yow  
U - nderlying intelligence is about to blow.
C - alog is you, simply like a crow. 
A - ppearance is great. When you see, such an awe. 
T - o you, I miss surely you. Yes, only Yow. :D 
Whahaha! I'll miss you Diks. I love you! <3 
- Zetlogs
I know, you don't have to say it. Alam kong nosebleed kayo sa kapatid ko pero normal po siyang bata. Ganyan lang talaga kami mag-usap. You know, we have/had/(pwede din siguro pero di ko sure na) has great command of English languages. Beri-beri fluent with amazing and wondrous grammaring plus Ilokano/British/American accent. Anong laban ni Mirriam Defensor-Santiago sa kapatid ko? Sorry naman sa English mo ate. But seriously, marunong po kami mag-english (joke!) at masarap lang lokohin ang salitang banyagang ito. Kahit tanungin mo pa ako ng favorite animal ko, mabilis akong sasagot ng ketdog yung cartooneds.


After reading the whole slumbook, parang hindi rin naman ako umalis sa atin. Nawala ang lungkot ko at pangungulila sa mga naiwan ko sa Pilipinas. Maganda nga palang remembrance to at sayang hindi ko napasagutan sa ilang bloggers na mga nakilala ko.


Namiss kong mag-blog at tumambay sa mga bahay niyo. Yaman lang din naman at comeback post ko ito, gawin nating interactive ang mga pangyayari. Baka naman ubrang i-welcome niyo mey ng isang dedication sa comment box ko para naman matats mey at may mabasa mey na parang sa slumbook. Hindi naman required pero pwede na ring required. At pansinin niyo din ang dumadatcom na hindi rin bagay na bahay ko. Sadyang ang pakalat-kalat at paglilibot sa damuhan ay may kapupuntahan. Thank you Kuya Bino. :D


Iba na nga ang mundo ko ngayon, ibang iba mula sa nakasanayan ko ng dalawampung taon. Nag-aadjust pa mey at nilalagay sa utak ko ang mga pangyayari. New beginnings, new experiences, new acquaintances, new stories. Bago na ang lahat, pero ako pa din yung dating Yow na bihira mag-post. Kaya madlang pipol, samahan niyo mey sa bagong chapter ng buhay ko. Game?


Ako na! Ako na ang may seryosong ending. LOL.

Monday, August 29, 2011

Maitim na Balak

Mahiyain ako. Hindi ako mahilig at hindi rin ako sanay sa mga meet-ups. Feeling ko kasi hindi ako marunong makisama lalo na sa unang pagkikita. Pa-bibo ako sa mga kaibigan ko pero hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nagpapakitang-gilas sa harap ng mga bagong kilalang tao. Malaki ang chance na manahimik lang ako buong araw, mag-register ng unlimited text tapos mag-GM ng "Parang awa mo na, text text tayo!" sa mga contacts ko habang masayang nagkukulitan ang mga kasama ko. Ganyan ako ka-probinsyano at katakot sa tao noon. Para sa akin, ang eyeball ay nauuwi sa romansahan sa mga motel o di kaya pag-kawala ng mga vital organs mo dahil naibenta na ng na-meet mong kung sinong halang ang kaluluwa kung kaninong walanghiya. Sa aking ganung paniniwala, malugod nating sisihin ang Imbestigador!

Halos isang taon na nung huling nakipag-meet ako sa ilang pirasong mga kapwa ko bloggers. Noong panahon na yun, tatlo kaming magkakasama na na-meet ang dalawang sikat na blogero. Dahil isang hamak na estudyante pa lang ako noon, buwis-buhay ang pagpapaalam. Kailangan pa ng brgy. clearance, police clearance, NBI clearance at valid ID ng taong imi-meet mo para lang payagan ako. Kasi, ako na ang minor! Sa huli, pinayagan din naman ako kaya kasama ang dalawa pang kaibigang bloggers from da prabins, nakipagkita kami sa mga peymous bloggers of the citey.

Nakatanggap muli ako ng isang invitation para sa isang iBall noong mga unang linggo ng Agosto. Isa itong exclusive eyeball, up-close and personal with autograph signing pa sa mga sikat ding blogero na nakagaanan ko na ng loob at naging kaibigan dahil sa pagpapalitan ng comment at messages sa mga social networking sites tulad ng Chwirrer. Gusto ko ng umayaw dahil sabi ko nga sa una, hindi mey sanay sa mga meet-ups. At sa isang 'to, mag-isa kong itataguyod ang mga mangyayari dahil wala na akong mga kapwa probinsyanong kasama. Manela boy na nga pala ako kaya wala akong mahaltak na kakampi. Sadnessmently. More pamimilit at more isip-isip pa, pumayag na din ako. Minsan lang makaka-meet ng mga celebrity kaya sumama na ako. Hindi na rin pahirapan ang pag-papaalam dahil tuli naman na mey, I mean, graduate na ako at isang proud tambay. Kaya go and count me in sa "Maitim na Balak" na yan.
Pahiram sa may-ari. Alam na! 
August 27, 2011. Ang "Maitim na Balak" day. 9 bloggers including me. Enchated Kingdom, Sta. Rosa, Laguna. At may isang epal na umeksena... si @bagyongMina. Rain or shine, tuloy ang "Maitim na Balak". Sa dami naman kasi ng kulay, maitim pa ang napili ng organizer kaya naman literal na maitim ng buong araw na yun ang kalangitan at mag-hapon umulan. Tulad nga ng kasabihang "Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy", natuloy pa din ang bonding sa EK (kayo na po ang gumawa ng paraan mai-relate) kahit na mukhang basang sisiw ang lahat. Si Ateng Mina naman kasi, feeling close, nakibonding din ng whole day. Manhid na siya sa all chugeder now na "Rain, rain, go away", hindi na siya affected. Sadnessment lang.

Para sa akin, 3 is a crowd at literal na hanggang tatlong tao lang ang kaya kong i-meet ng hindi ako nahihiya. Hindi ako makapaniwala na kaya kong maitaguyod ang araw na yun mag-isa at nag-enjoy kasama ang mga bagong kakilala. Sa simula, naramdaman ko ang sobrang hiya kaya natahimik lang ako sa isang tabi at observe-observe lang muna. Oras din ang kinailangan ko para makapag-ipon ng lakas ng loob at kapal ng mukha para makipag-interact with the sikats. Sa buong oras din ng pagtahimik ko, hindi ako makapaniwalang kaharapan ko na ang mga taong sa default picture ko pa lang nakikita. Kaya pakiramdam ko, lahat sila ay mga nagsasalitang jpeg file o mga DP na nagkatawang-tao.
Sobrang dami ng nangyari kaya mahirap ikwento lahat-lahat in full details. Lahat ng bloggers na na-kilala ko ay may iba't ibang character na wala kang maitatapon. Lahat sila ay sobrang babait, super accommodating at easy to get along with. Nakakatuwang isipin na may tao pala talagang kayang gumastos ng malaking halaga para sa tickets ng mga taong hindi niya masyadong kilala. May taong kayang magpa-book ng flight mula Iloilo at nag-aksaya ng panahon para lang makasama sa isang eyeball. May taong nanlilibre bigla-bigla ng doughnuts dahil feel na niya na kailangan naming lahat ng sugar rush. At may taong nagbibigay ng muscle fitting na shirt bilang remembrance sa isang taong unang beses pa lang niya nakita. Nakakatuwa sila. :)

Ang daming kwentuhan, kulitan at bonding moments na hindi matatawaran. It was nice meeting you Kuya Bino, Ate Leah, Kuya Carlo, Kuya Xander, Ate Mhel, Kuya Erik, Kuya Berl at Kuya Jay. I really had fun. 'Til next time mga Ate at Kuya. :) Maraming salamat sa lahat.

Parang ang bait-bait ko sa post na to ne? Busilak. Dalisay. Virgin. LOL.
Buti na lang sumama ako. Hihi. 

Tuesday, August 23, 2011

A Feeling of Great Happiness

EUPHORIC. Oo, yung feeling na parang adik. High na high pero hindi sabog. Antok na antok pero sa sobrang pagka-high, hindi makatulog. Alam niyo ba yung ganung feeling? Wag kang masyadong walang-hiya, hindi ako drug addict. Basta nga kase masaya lang. Kadalasan kaya nakakaramdam ng ganto ang isang tao dahil sa sunod sunod na blessing na dumadating sa buhay niya. Ewan ko lang din pala sa iba. Juk.

Halimbawa na lang. Dahil ang likot-likot mo at kung saan-saan ka nakakarating, wala ka ng saturday night sa bahay niyo. Nasa bahay ka ng tita ng kaibigan mo at naki-ref ka pa ng longganisa at binabad na baboy na dadalin mo sa Maynila pag-uwi mo. Sa di malamang kadahilanan, naisipan bigla ng PRC na maglabas ng resulta ng board exam na kinuha mo kaya natameme kayong magkaibigan. Sabay kayong nagpataasan ng pagtayo ng balahibo dahil sa kaba at nag-agawan sa award ng Most Behave. Bigla kasi nag-balik sa inyong ala-ala ang mga pinagdaanan niyo bago kayo magtake ng board exam. Oo nga pala, hindi ka nga pala nag-enrol sa isang review center at nag-desisyon na mag-self-review na lang dahil sa madaming personal na dahilan. Tapos months before your exam ay nag-prepare ka para sa concert ng church mo at nag-sumayaw para kay Bro. Inuna mo pa rin si Bro kahit alam mong kailangan mong mag-aral. Oo, ikaw na ang faithful at loyal Christian! Tapos lalong naging maaksyon ang mga pangyayari dahil nag-search ka sa internet at walang resulta ng board exam na lumalabas. Makire na pala ang PRC at sa facebook nag-lipana ang links kung saan makikita ang listahan ng nakapasa. May nag-send sayo ng listahan tapos dumating ang feeling na parang matatae ka na sa kaba sa pagbukas ng link. Pagkakita ng listahan, nakita mo yung pangalan mo at yung pangalan ng buong barkada mo. RN ka na. RN na kayo.

Yung moment na na-spot-an mo yung pangalan mo... yung pangalan niyo, bigla kayo nagtinginan magkaibigan at nag-simulang maghiyawan. Oo, yung nagwawala ka sa hindi mo bahay? Yung tumatalon ka with full energy at muntik muntik mo matamaan ang ceiling fan ng bahay na hindi naman sa iyo? Yung sumisigaw kayo ng "whoooo..." tapos pati mga kapitbahay ay nagtatanong kung ano nangyayari sa inyo? Ganyan ang naramdaman mo dahil hindi ka makapaniwalang nakapasa ka sa isang exam na apat na taon mong pinaghandaan.


Oh di ba ang saya lang? Euphoric!

Malabo pa din ba? Sige. Second example. Ganire na nga kasi. Gumising ka ng sobrang aga, exactly 4 AM, para gumayak at may pupuntahan kang mahalagang lugar. Nung nasa byahe ka sakay ng isang FX, sobrang lakas naman ng ulan dahil sa bagyong Mina. Pagdaan mo sa Pagcor Parañaque, lubog agad yung daan at hanggang binti agad ang baha. Buti na lang passable pa din at nakadaan kayo ng matiwasay. Pagdating mo sa mahalagang lugar, ang haba ng pila. Maaga ka pa sa takdang oras pero mas madaming taong mas excited sa'yo. Pumasok kayo sa magarang building at dumaan sa proseso. Naghintay kang mag-flash ang numero mo sa queuing number board para moment mo na talaga ito. Sa wakas! 6046 na! Lumapit ka sa window 59 at nakaharap ang isang hamak puti, tangkad at tangos ng ilong na lalaki. Nagsalita siya at tuloy tuloy umagos ang fresh blood sa lahat ng butas ng mukha mo. Oo, gory talaga ang eksena. Hemorrhagic! Kebs pa din kung duguan basta tuloy lang sa usapan. Natapos ang lahat dahil sa mga huling kataga na binitawan ng mas hamak na nilalang: "Your visa has been approved. Congratulations!"
Galing kay Mr. Pa-google.
Hindi siya mukhang masaya sa sinabi niya pero napangiti ka at nagpasalamat. Gusto mo sanang tumalon talon ulit at magsisigaw kaya lang masyado ng madaming tao. Anu be! Dyahe. Sobrang saya mo at magkakasama na ulit kayo ng mga magulang at mga kapatid mo sa America. Makakapagtrabaho ka na para sa kanila. Nalungkot ka sa fact na malapit ka ng umalis pero mas nangingibaw ang saya dahil sa panibagong blessing na binigay sayo ni Bro.

Yun na! Di ba masaya nga? Euphoric nga kase!

Sobra-sobrang kasiyahan. Kadalasan ang mga taong sunod sunod ang blessing na dumadating sa buhay niya ang nakakaramdam niyan. Ewan ko lang din pala sa iba. Juk.

Basta ako? Masayang masaya lang. I am very blessed. Oo! Blessed na blessed. :D God is really good. To God be the glory. Siya naa!

Ang mga halimbawa ay HINDI hango sa tunay na buhay. :D

Thursday, July 21, 2011

Eksena sa Twitter

Kamakailan lang ay isang promdi girl mula sa Samar, bitbit ang kanyang bayong at tatlong bunga ng upo ang lumuwas ng Manela at katuwang kong naghanap ng trabaho na nakakapilipit dila --- si Gretalyn. Kung hindi niyo po naitatanong, si Gretalyn ay isang matalik na kaibigan. Matalik plus kaibigan = walang kadugyutang issue. Nasubaybayan na namin ang buhay ng bawat isa mula sa kainosentehan ng pagiging high school hanggang sa pagtanda nung college. Hanggang paghahanap ng trabaho, magkasama kami ng hindi nagkakaumayan. Medyo din pala, slight lang. Madalas kaming natutukso sa isa't-isa, pero para sa amin, malinaw ang katotohanan na [DUGYOT, KARIMARIMARIM at KASUKA-SUKA (repeat 3x)] ang idea na yun.


Hanggang sa mag-kagulatan na lang at nagkagulantangan...


Oh, loko ka! Bida ka ngayon Manong Michael at
ang iyong pag-evolve.


Nagbukas ako ng Tweetdeck upang simulan na ang pakikipagkulitan sa mga kapwa ko bloggers sa Twitter world. Nagsimula ang lahat sa pagpansin ko sa pagpapalit mukha o default picture at pag-evolve ni @______Michael (of http://mareklamongbata.blogspot.com) mula sa isang saging na nakasmile na naging pokemon na blue at ngayon ay full grown molested human being na siya. Nakisali din sa usapan si @IncredibleJepoy (of http://iamalivingsaint.blogspot.com) tungkol sa hindi mabasang memory card. Maya-maya, humirit si Michael ng isang tweet na hindi ko maintindihan.
@angYOW @gretaliciousss naks naman ... :D
I was like.. WHUT?! Anong binabanat ni Manong. Abay out of nowhere, wala naman sa usapan bigla na lang hihirit ng ganun. Kaya tinanong ko kung saan ba niya reply ang naks naman at nagulatantang ako sa sagot niya:
@angYOW Sa iloveyou mo kay @gretaliciousss,, hindot talaga you ... :D
Ay. Eh naloloko na si Kuyang, anu kayang I love You kako yun? Sabog to, nakasinghot ng alipunga for sure. Kaya walang kaabog-abog, nagreply agad ako ng "@______Michael Anong I love you? Dugyot! San bang gawi yan? Haha." Medyo kinakabahan na ako dahil wala akong alam sa nangyayari at bakit may eksenang ganun. Dahil ayaw patalo ni Manong Michael, nagreply siya ng:




Yun lang. May ebidensyang link ang walang hiya, mukhang totoo nga. Agad kong pinuntahan ang link at bumulagta sa nakita kong nakasulat:
@gretaliciousss hello. i love you ... :P (from angYOW, July 18) 
This can't be happening! Paano na ang buhay at career ko?! Mauudlot pa ata ang pagpasok ko sa bahay ni Kuya at sa labas pa lang may intriga na. Bigla ko na lang naisip na may gumamit ng twitter account ko, kasabay nun ay isang ala-ala ang namutawi.


<<< REWIND..

Monday, July 18, 2011

Networking

Ang hirap pala maging young adult (paki lagyan ng matinding stress ang 'young' -- fresh, sariwa, yummy). Kung dati, assignment, project, thesis at quizzes lang ang iniisip ko, ngayon trabaho na! Parang ang tanda-tanda ko na tuloy.

Gustong gusto ko na magtrabaho para naman mafeel ko na may silbi me kahit slight lang. Lahat na ata ng ka-batch ko puro job-hunting ang status sa Facebook. Kanya-kanya ng diskarte, kung ano-ano tinatry at pinapasukan. One day, isang text ang bumubungad sa aking pagmulat na malayo sa paghahanap ng trabaho.

"Mga bests, mag-audition tayo sa PBB. Hehe" mistulang excited na text ni Best Ralph, ang Mr. Pageant ng Cabanatuan Citey. Sinundan pa ng text ni Best Brigitte, ang Little Wonder ng Zaragosa na "Yow, tara sa audition ng PBB." Nagulat naman ako sa plano ng mga kaibigan ko na gusto ay instant yaman. Napaisip tuloy ako kung seryoso sila, parang waste of time and effort lang. Sana ginamit na lang namin ang oras sa bonding o sa mas may sense na bagay tulad ng paghahanap ng work. Kaya nagreply ako ng "Kailan ba? Teka, paplanstahin ko lang yung pang-kabog na outfit ko tsaka makapagpractice lang ng talent."

Maghapon tuloy ang naging usapan tungkol kay Big Brother. Pursigido ang mga kaibigan ko kahit sinabi ko ng libo-libo ang nag-audition dun at mukhang live sa publiko ang interview. Dun ko napatunayan na mukhang gipit sa pera ang mga 'to, matindi pangangailangan at higit sa lahat, may kaibigan akong makakapal mukha.

Planado na ang audition, biglang sumingit ng tanong ang Little Wonder ng Zaragosa, "Yow, alam mo ba yung networking?" Out of nowhere ang tanong na yan at napaisip naman ako bigla. Madalas ko marinig ang networking business at di ko maintindihan kung paano kumita sa ganung larangan. Nagsimula kaming mag-paliwanagan na nauwi sa ayaan na mag-invest. Sa halagang P4,880 lang ay may puhunan ka na at tutubo daw yun ng mahigit kumulang kapag nakapagrecruit ka. Safe naman daw yun at hindi masasayang ang pera mo, medyo kumbinsing na si Best Brigitte at kakagat na ako ng biglang ipinaliwanag niya sa akin ang products ng company na yun.

Bakit nga ba may produkto? Yan din ang di ko alam pero nilinaw naman niya sa akin na hindi kami magtitinda ng kahit ano, kami ang magiging distributor ng mga world-class products. Lalo tuloy lumalabo sa aking pananaw ang networking kaya naman nagtuloy ang usapan hanggang sa pagpresent ng mga products. Kalmahin ang sarili at ihanda sa mga sumusunod na produkto:

PRODUCT no. 1 -- Magic Kulambo. Ang kulambong mosquito-fighter. Pag dinapuan o nilapitan ng blood-sucking mosquito ang kulambo, mamamatay! Hindi ko alam kung baygon ang ginamit na downy sa kulambong ito pero ito daw ay 100% effective. Ang hindi ko lang naitanong kung safe siya gamitin ng tao . 

PRODUCT no. 2 -- Amazing Napkin and Panty-liner para iwas cancer. Nag-franchise ba ang lahi niyo ng cancer? Para maiwasan ang pagdevelop ng cancer, gamitin ang amazing napkin and panty-liner na may "thingy" to prevent cancer. This is also said to be effective in preventing Prostate cancer in males. Kamusta naman ang pagtapal ng mga lalaki para umiwas sa cancer? Kamusta naman yun?!

PRODUCT no. 3 -- The Sterile Toothbrush. As is to madlang pipol, ang toothbrush na sobrang linis at hindi dinadapuan ng bacteria. Di ko lang sure kung di rin siya dinadapuan ng langaw o ipis. Pero at least, malinis! Cleanliness is next to Godliness. 

PRODUCT no. 4 -- Anti-Rashes Diaper. Para maka-iwas sa butlig na dulot ng diapers, gamitin ang anti-rashes diapers. Para lubos na maiwasan ang diaper rashes, iwasang ihian at dumihan ang diaper habang suot. Goodluck oberder!

PRODUCT no. 5 -- Air load. Sa lahat ng produkto, ito na ang pinakamarangal. Ang pang-load sa lahat ng network, sa online games, internet, cables atbp. Ang di ko naitanong, baka literal na air load ito at sa air na lang mapunta ang load, hindi na dumating. Sinasabi pang iisang phone number lang ang gamit mo sa Air Load na di ko alam kung anong network provider. Baka Air Cellular kapatid ng Sun Cellular. Ang korni amp!

PRODUCT no. 6 -- Ultimate Water Filter. Para masigurado ang kalinisan ng tubig niyo, gumamit ng ultimate water filter. Kahit putik, masasala ang tubig na taglay at pagkatapos ay pwede ng inumin. Marangal, right? Marangal na dugyutan.

PRODUCT no. 7 with PROMO. Pinakapatok na Barley Juice with anti-cancer properties. Dahil sa sobrang patok, nagkaroon ng promo ang Barley Juice. When you buy a box of Barley Juice, you'll get a free ticket of April Boy Regino's The Yeye Bonnel Dude concert! Tama po ang nababasa niyo, once in a lifetime chance. Bili na kayo at nagkakaubusan na. Hindi pa naman sure kung kailan ang concert kaya makakahabol pa. Iwas cancer na, free concert pa!

Sinabi ko namang world-class quality products di ba? Pagkasabi sa akin niyan at after ko tumawa, nagreply ako ng makabagbag-damdaming "Seryoso?!!" Sino ba namang mag-iinvest sa company na ang produkto pa lang mukha ka ng ginagago at pagmumukhain ka pang tanga? Seryus ako Madlang pipol, wala akong dinagdag diyan sa mga products, pinaganda ko pa nga ang pangalan. At sa lagay na yan, may seminar pa about networking at products nila para maging aware ang mas maraming tao. #unkaboggable

Ang hirap talaga kumita ng pera at kung ano-ano naiisipan ng sangkatuhan. Mukhang seseryosohin ko na ata ang audition sa PBB at hindi na ako maniniwala sa networking. Ang sakit sa kili-kili! Pak! Yow, ang humble handsome boy ng Parañaque Citey! Direk Laurenti Dyoga este Dyogi, here I come! Juk.

Tuesday, May 24, 2011

Ibon-cutting Ceremony

Hating-gabi na, nakahilata ako sa sofa at nanonood ng TV. Sa paglipat lipat ko ng channel, bigla ako huminto sa ABS-CBN dahil sa isang dokyumentaryo nila tungkol sa isang surgical procedure na minsan ko na ding naranansan. Naka-relate ako at nagflash back sa memory ko ang mga nangyari nung panahong ako ang tinutusukan ng anesthesia, ginugupit at walang awang tinatahi-tahi. Sa buong-buhay ko, yun lang ang kaisa-isahan at kauna-unahang operasyon na nangyari sa akin. Pag Pinoy ka, kasama na talaga ito sa kultura ---- ang pagtutule (circumcision).

Summer nga pala ngayon kaya usong-uso ang tulian sa bawat sulok ng Pilipinas. May Oplan-Tule here, Tuliang Bayan there at Libreng Putulan everywhere. At kagaya ng sa pinanood ko, summer din ako nagpatule, bakasyon pagka-graduate ng elementary. Di gaya kong bata pa nung nagpatule para magbinata, featured sa show ang dalawang magkapatid na lalaki na inuna munang magbinata bago nagpatule. Yes, di ko na lang maalala ang pangalan nila pero itago na lang natin sila sa walang panghaharot, walang diskriminasyon na bansag na Kuyang Supot, 19 at Kuyang madaming Foreskin, 17. Mahirap daw kasi ang buhay kaya naman imbes na ipangpatule, pinangchibog na lang nilang pamilya ang pera. Kaya nung nagkaroon ng libreng tuli sa kanilang citey, dakot-betlog at lakas-loob na silang nakipila sa mga 10 to 12 years old na mga bata at nakihubo na dun kahit sa kanila napunta ang lahat ng atensyon. After the successful ibon-cutting ceremony, napaiyak ang magkapatid na di ko alam kung dahil sa saya, sa sakit o sa hiya sa mahigit 10 tao ang nakakita ng tuutoot nila. Wala naman masyadong nakiusisa!


Naging compulsory na ang circumcision sa ating mga Pinoy di gaya ng ibang lahi. Aside sa naging parte na ng kultura, para din naman to sa kalinisan nating mga kalalakihan. Dagdag pogi-points sa ating mga Pinoy yun dahil tayo lang ang hygienic at hands-on sa pag-aalaga ng ating mga birdie without wings. Pero ayon sa aking napanood, may samahan ng mga supot na Pinoy ngayon ang tumututol na sa pagpapatule ng ating lahi. Kung anu naiisip nila, eh malay ko! Hindi rin naman mukhang ikaaasenso ng ating bansa kung magiging supot-country tayo. Nabahala tuloy masyado ang mga matatanda ngayon dahil mapupuno daw ng batang muta-in ang Pilipinas. Matindi paniniwala nila Impong Isko at Inang Sioneng na ang dumi na naiipon sa etet ng mga lalaki ay mapupunta sa mata ng magiging anak niya. Hindi ko alam kung sa paanong paraan malilipat yun pero wala pa naman atang Kano at Instik na consistent ang pagiging muta-in. Noong araw, kinukuha kaya nila yung dumi at ipinapahid sa mata ng anak nila? Matanong nga kila Lolo at Lola. Natatakot din ang sang-katandaan na maudlot at tumigil ang paglaki ng bawat Pinoy kapag hindi natule. May kaliitan na ang mga Pinoy at kapag hindi pa daw natule, hindi na tatangkad. Dahil sa kasabihan na to, gusto ko tuloy i-conclude na supot si Dagul, John Prats at Glentot.


Pagkatapos manood, biglang nagbalik sa aking alaala nung ako ang sumabak sa pagpapatule (na hindi libre). Sabado nun at maaga ako ginigising ni Nanay, akala ko paglilinisin lang ako ng bahay nun pala papagupitan ako ng araw na yun. Maligo na daw ako at hinihintay ako ni pretty Aling Gloria, ang barangay midwife, sa health center. Kinabog ako ng kaba tsaka ako nangatog nung naliligo ako, perstaym ko kasing sasalang sa isang operasyon. Pagkatapos maligo, ready na me, kaya sugod!


Pagdating sa health center, walang tao, walang pila ng nagpapatuli, pero may nakasalang na tinutuli --- si Benjo, ang batang nakalunok ng benjo (25 cents). Di na ako pumasok dahil sa labas pa lang, nadinig ko na ang pag-aray ng kawawang taong-coins sa ginagawa sa kanya. Hindi rin choosy mag-opera si Aling Gloria kasi bukas na bukas ang pinto niya at open to the public pati mga bintana. Hindi muna ako pumasok sa loob para kalmahin ang sarili ko. Maya-maya, si Benjo lumalabas na sa health center na hila-hila ang bandang harapan ng kanyang shorts with his victorious smile. Naconfused tuloy ako baka masarap naman pala magpatule. Sumigaw ang nurse assistant na si Aling Gloria din naman ng 'NEXT!' kaya pasok na ako sa eksena.


Yow: Aling Gloria, pinapapunta po ako ni Nanay.
Aling Gee: Ay. Oo, halika at dito tayo, maglilinis lang ako. Bumili pa ako ng bagong sinulid para sayo. (ang saya niya)
Yow: Talaga po? Dapat po ba akong matouch? (dagdag lang)


At eto na nga, ako na talaga ang sasalang. Pinaghubad na ako ng salawal at pinahiga sa stretcher.... sa tabi ng open to the public windows (na nasa tabi mismo ng sikat na grocery at kalsada). Wala na ako nagawa kundi humiga Ate Charo. Pagkahiga ko, nabaling lang ng kaunti pero halos nakatapat na si tuutoot sa bintanang bukas. Buti na lang at ang mukha ko ay natakpan ng ilang saradong bintana, maalinsangan daw kasi sabi ni Aling Gee, Ate Cha kaya walang bukas siya kung makapagbukas ng bintana. :( Kung alam ko lang na ganto, sana'y sa stage ng plaza ko na lang pinagawa ang tulian at nag-invite ako ng madlang-pipol bilang audience. Ganun lang din naman!


Kebs sa publiko si Aling Gee at tuloy lang sa proseso ng paggupit at pagtahi. Ako na lang ang nahiya at nagdasal na walang lilingon mula sa kalsada para tanawin ang live show. Nang matapos ang lahat, agad akong nagsalawal, tumayo sa pader, nag-slide pababa sabay sabi ng "Ang dumi-dumi ko! Ang dumi ko! Mga hayop kayoo!" Tapos na daw ako at binayaran na ni Nanay kaya pwede na akong umuwi para ipamalita na binata na me. Bago umalis, sabi ni Aling Gloria: "Lalo kang gagandang lalaki niyan, Anak. Madami ng maghahabol sayo." Nung marinig ko yun, gusto ko anesthesia-han sa bibig si Aling Gloria. Paanong hindi ako hahabulin? Ibinilad mo kaya si Junior sa bintana.


After ng circumcision, na-demoralized ata ako dahil sa malalagkit na tingin ng mga kapitbahay ko. Joke lang. After ng circumcision, certified binata na me. Hindi naman pala masakit ang tule di katulad ng exaggeration ng mga kapitbahay kong iyakin. Sa isang linggong healing period, hindi ko man lang na-try na i-angat ang harapan ng shorts ko para hindi matamaan si operadong junior. Di naman kasi talaga masakit, nakabenda naman siya. In fact, nakapagbike pa ako sa batuhan 2 days after the procedure. Ako na mayabang! Nangamatis tuloy. Joke lang. :) Ngayon, ibang-iba na si junior. Grown-up na din siya like me. Nagbinata na din at tinubuan ng bigote. Wanna see? Haha. Ampangit na pakinggan kaya dapat na sigurong matapos ang post na to. Ang tule. Bow!

Sunday, May 8, 2011

Yan ang NANAY ko. :)

Umuwi ang Nanay at Ama ko last March to attend my graduation. Apat na taon silang nawala dito sa Pilipinas kaya apat na taon din kaming naulila sa magulang. Madaming nagbago at nagsi-tanda na kami. Ang Joshua na iniwan nila noon, Yow na kung tawagin ngayon. Dahil sa tagal ng panahon, nakasanayan na namin na wala kaming Nanay At Ama kaya isang major adjustment ang kanilang pag-uwi.

Bumait ang tatay ko ng sobra, hanggang dun na muna yun. Si Nanay muna ang maikwento.

Pumayat ang Nanay ko, which is good for her health. Pumuti din siya at kuminis, bumata ng mga kalahating taon. Dun ko napatunayan na may hiwaga sa tubig ng America. Aside sa physical changes, madami pang nagbago sa Nanay ko.

Naaalala ko noon yung training days ko sa pagiging domestic helper under her supervision. Mano-mano niya kasi dating pinapalampaso sa akin ang sahig namin kapag walang pasok hanggang kumintab to at makita niya ang kanyang mukha sa tiles. Ayaw niya ng madumi kaya naman noon ay weekly ang general cleaning namin. Mahihiya ang alikabok pumasok sa loob ng bahay namin dahil maa-out-of-place siya for sure. Ngayon, metikulosa pa din siya pero gusto niya siya na lang ang gagawa para daw mapaglingkuran niya kami. Naks.. Ang sweet. Dahil sa adhikain niyang yun, mga 50% ng stay niya dito ginugol niya sa paglalaba, 30% sa paglalampaso, paglilinis etc. Kamusta naman yung ayaw lumubay? Di na nakapagbonding.

Istrikta ang Nanay ko. Pag bumanat ka ng “Nay, makikitulog sana ko..” kahit di ka pa tapos babarahin ka agad ng “Lumubay!”. May kadugtong pa yun na “..para saan at nagkabahay ka pa kung makikitulog ka din naman sa iba”. Kaya takot akong magpaalam sa kanya. Kaya nung may plano kami ng mga kaibigan ko na magliwaliw sa Subic, nanghingi pa ako ng tulong sa Sanse ko para makapagpaalam na dun na ako sa kaibigan ko mag-sleepover the night before the outing. Malay ko naman na she’s really a changed person na pala, kebs lang magpaalam, pumapayag agad? Naks.. Ang bait.

Hindi na din siya ang Nanay na kapag nasa mall kami at nagsimulang magtuturo ang daliri namin ng mga pabili, bigla kaming dinidikitan at kinukurot sa bewang. Madiin, nakakamaga at full force na kurot ang sagot niya sa hiling namin noon. Ayaw niya kasi ng magastos, ayaw niya ng nagpapabili. Pero ngayon, siya pa ang bumubulong sa amin na ubusin ang pera ni Ama para hindi na daw maipang-painom. Naks.. Kunwari ang yaman.

Maarti na din ang Nanay ko ngayon, ganun pala talaga pag California gurl. Hindi makaihi sa banyo na walang bathroom tissue, samantalang noon eh nagpapahinto pa siya ng bus para lang mailabas ang hindi na niya matiis na tawag ng nature sa pilapil. Media kasi kaya siya maihiin. Me-diabetes! Lagi na din siya naghahanap ng menu kahit na sa Goldilocks lang naman siya kakain. Kaya kapag pasok sa mga fast food, hindi siya pumupunta sa cashier, akala niya may magte-take ng orders. Well, tamang arte lang.

Hindi na kumakain ng rice almost every meal ang Nanay ko. Once a day lang ito at bawal na niya ulitin. Usually, ang kapalit pa ng rice ay puro gulay. Nangangabog sa diet di ba? Para sa health niya kasi yun at para na rin daw lumiit ang parang may laman na globularly enlarged abdomen/puson niya. Tinanong ko siya minsan, “Nay, tapatin mo kami, may pang-pito pa ba kaming kasunod? Ayaw sumuko? Dapat productive?”. Pero dineny niya ang issue, walang laman ang malaking tiyan at dysfunctional na din ang matres niya. Kaya nga daw siya on-diet para lumiit ito. Conscious lang sa figure niya. Ang nanay ko talaga, gusto pa ata ng bombshell Katya Santos na pigura.

Kahit na nagbago si Nanay, may ilan pa ring ugali niya ang nanatili. She’s still so religious. Lahat ng simbahan at kapilya na nakita namin, dinasalan niya. Itinatatwa niya si Satanas, at itinatatwa din niya ang isaw, dugo, adidas at mga ihaw-ihaw. Matulungin pa din si Nanay at mapagbigay. Kaya naman dinagsa kami ng taumbayan na akala mo may pinalagak na gamit sa amin parang baggage counter at kinukuha na nila. She still have her jokes of the 1990’s na pangit ang delivery. Meron pa din siyang pasabog na utot na kahit anung lakas ay walang amoy. Ang pangit pa din ng kuko niya na pinamana pa niya sa amin. Ang sarap pa din niyang tumawa, ang sarap pa din ng adobo niya. Madami pa din siyang pangaral na para sa amin. Hayy.. Ang sarap ng may Nanay ulit.

Gelpren ko.
Maikli ang panahon na naranasan ko ulit ang magkaroon ng ina pero sapat na yun para maramdaman ko ang pagmamahal na apat na taon ko din pinangungulilaan. Mothers are the most underpaid employees the world has.  No day offs, no holidays, no raise, no promotions. Mother’s love is the best example of giving rather than receiving. This day, let us recognize their undying love, sacrifices and care for all of us. Sa aking metikulosa, istrikta, mapagbigay, mapagmahal, matulungin, malakas umutot, mapangit ang kuko, relihiyosa at napakagandang NANAY, HAPPY MOTHER’S Day po. Yow loves you so much. Thanks for everything. Ikaw naa! Dabest ka. Thank you Lord for blessing me a Nanay like you. Mwah. :*

HAPPY MOTHER'S DAY!

Friday, April 29, 2011

Showtime

Last April 27, nagpunta kami ng ABS-CBN para manood ng live na Showtime. At wala akong naging exposure kahit hagip man lang ng camera. Reserved seats kami dahil kilala namin ang dancing coach ni Karylle, kaya kami naa! Kami na talaga!

Heksayted ako nung sinabi sa akin na pupunta kami. Alam mo yung happy? I like the show kaya nga ang blogsite ko ay inspired sa pangalan nila. Hindi man masyado halata pero pinilit ko yan magmukhang Showtime. Sinubukan ko pa gumawa ng header na mukhang Showtime, kaya lang mukhang pang-Bandila ang nagawa ko kaya nilubayan ko na lang. You make tingin-tingin more sa paligid ng blog ko, halos related sa show ang makikita mo. Yun na nga, nasabi ko na bang I like the show? I like the Show.

Heksayted ako nung sinabi sa akin na pupunta kami. Alam mo yung happy? Kaya naman nagset ako agad ng goal bago pumunta sa ABS-CBN, ang makapagpapicture kay Bebe Anne ko. :) 

Heksayted ako nung sinabi sa akin na pupunta kami. Alam mo yung happy? Kaya kinabukasan, ang aga naming gumayak at ang aga naming dumating. Akala mo mauubusan ng seat kahit na reserved nga kami at kasama kami sa bilang. 9 AM ang cutoff sa audience entrance at 7:50 AM nandoon na kami. Nagpaubos muna kami ng oras sa cafeteria nila at bumalik ng quarter to 9 para pumila. Dahil summer special, priority ang madlang kids at galit sila sa lalaki. Matapos ang konting orientation at pag-aayos, lumakad na papasok at huli nga kaming mga lalaki. At eto ang dahilan kung bakit wala man lang akong exposure. Dinala kami sa pinakalikod at ang ganda ng pwesto ko, natatakpan ng mga cables at yung bakal bakal ng camera. Ako naa!

The show was great as how I expected it to be. Kahit na umuwi akong badtrip, masasabi ko pa ding maganda ang show. The following are some of the good points about the show:
  • Ang liit ng studio nila. Kinaganda ba yun? Hindi. :) Pero ang galing nilang pagmukhaing malaki ito sa TV. Sobrang liit talaga ng studio nila compared to Eat Bulaga, pero ang galing kung paano namaximized yung available spaces.
  • Madaming silang pamatay oras. Meron silang baril, kutsilyo, lubid, lason at nail cutter para patayin ang oras at hindi mainip ang audience. Para i-welcome ang audience, they have a short video clip sa simula ng show starring the hosts and staffs of Showtime na wala namang storya, puro kautuan lang tapos bigla na lang sisigaw sabay-sabay na "Welcome to SHOWTIME!" After that, may magpa-flash na slideshow ng mga pictures ng audience na kinuhaan sa labas ni Dumbo. At yun lang ang exposure ko, hindi pa pinakita sa TV.
  • Ang laking bagay sa show ni Mhel Feliciano at ni Master Jay. They will orient the audience sa show proper at kung anung dapat isigaw at dapat ikilos. Comic duo sila kuyang kaya hindi nakakainip ang orientation.
  • 15 minutes before the show starts, may practice ng sayaw at kanta ang audience. Very interactive. Magtuturo ng ilang steps at sasayawin mo ito sa simula ng show. Sa buong show, eto na siguro ang pinakamasaya. Walang KJ sa audience dahil lahat kumikilos at todo bigay, kaya nakienergy na din ako kahit di naman ako nakikita sa likod. Ultimo yung matatanda sumasayaw, kahit hingal nakikisigaw pa din ng "Party, Party!"
  • Ang galing ng hosts ng show. Nakakatawa si Vhong kahit naiinis ako sa panglalandi niya kay Bebe Anne ko. He's naturally funny, effortless siya kung magpatawa. Si Billy, pumayat! Yun ang mahalaga ata dun at hindi nagpapahuli sa pagpapatawa. Si Bebe Anne, napakaganda pero late. Akala ko wala talaga siya kaya nasad na ako nung simula pa lang, buti nakahabol at nag-brighten up ang mukha ko sa saya. Landiii. Si Karylle na nagpapasok sa amin dun, at wala akong utang na loob, natatameme siya. Anu be! Jugs and Teddy are two cool rock stars! At si Kuya Kim ang nakakagulat na isa palang perfectionist kaya tuloy naging masungit.
  • Vice Ganda is also there at malaking bagay talaga siya sa show. He.. She.. It is really talented and funny. Nakakatawa ang palitang hirit niya with its co-hosts on and off cam kahit na pahid lang siya ng pahid ng tissue sa kili-kili niyang paiws at bulgaran ang pagpapacute niya kay Xian Lim, one of the Hurados kasama si Christine Reyes isa pang ooohh.. napakaganda! Lagyan mo ng ballpen yung dimples niya, makakatayo!
  • Pwede ang camera at phone sa loob ng studio. Bawal lang ang video camera at ang talamak na pag-gamit ng phone. Kahit pwedeng ipasok, kinukumpiska pa rin kapag nakitang nakikipag-SOP ka lang sa loob.
Patapos na yung show, last break na at isa-isang nagpapasalamat ang mga hosts sa pagpunta ng audience. Hindi sila umaalis sa stage o sa paligid nun kapag break kaya makikita mo silang nagkukulitan pati tawanan nila naka-mic. Natapos ang show at nagkagulo ang mga babae at bata sa baba para magpapicture sa mga hosts. Dahil ang layo-layo ko, tumalon talon ako at nag-effort ng tunay at wagas para lang makarating ng mabilis sa stage para maisakatuparan ang aking goal. Pag dating sa stage, hinarang ako ng walang hiyang guard at pinigil akong malapitan si Anne Curtis. Alam mo yung na-hurt? Lahat ng babae at bata, nakalapit, nakapagpapicture at nakahug pa, nung mga lalaki na hinaharang? Kahit gusto ko, hindi ko naman mamanyakin ang Bebe Anne ko dun. Sa private moments na lang namin. Haha. Nasobrahan na ako sa pagkafeeling. At eto ang dahilan kung bakit umuwi ako ng badtrip!!! Wala kaming picture ni Anne Curtis.

Dahil diyan, babalik ako dun and next time I'll be better. Kapag ang DP ko sa facebook ay naging si Anne Curtis na may kasamang Yow, ibig sabihin nagtagumpay ako. Heksayted ako nung sinabi ko yun. Alam mo yung happy? Pak!

Wednesday, March 30, 2011

Second Life

Mula sa school para makauwi sa aming bahay, kailangan kong sumakay ng isang jeep at isang tricycle. Ito ang pinakamabilis na paraan para maiuwi ko na agad ang kadalasang hapong hapo, gamit na gamit at lantang-gulay kong katawang lupa.

Isang nakakapagod na maghapon ang lumipas at ako’y pauwi na. Sumakay ako ng jeep at nagsimula ang byahe ko pauwi.  Sa inaraw-araw ng pagbyahe ko, bilang ang araw na hindi ako nakakatulog sa jeep. Hindi ko alam kung anung meron sa pag-andar ng jeep kung bakit ang sarap nitong tulugan. Kebs na sa pag-head bang kay Ate at Koyang katabi ko o sa pag-nganga ko ng walang bukas at sa pagtitinginan ng mga ka-joyride ko, basta masarap matulog sa jeep. Pagkagising, sakto! Nasa kanto na ako. Sakay naman ng trike.

One time, around 6:30 PM, sakay ako ng trike pauwi sa amin. Isang madilim na palayan ang dadaanan mo papunta sa amin. Yeah, sooo provincial. Yung tipong rape scene sa pelikula ni Anabelle noon at mga tapunan ng chop-chop lady o anything that you prefer na pang Imbestigador ang datingan. May history ng holdapan, patayan, barilan at aksidente din ang daan na yun. In short, friendly road! Siya naa.. ang tunay na stairway to heaven.

Habang mabilis ang takbo ng Bajaj (brand ng motor) ni Manong driver, may sapal na earphone ang tenga ko at nageenjoy sa pakikinig sa I. Papin jukebox playlist ko. Biglang nag-traffic sa isang part ng kalsada papasok sa aming barangay.

“Koya, bakit? Anung nangyari? Bakit traffic?” pang-uusisa ng Yow. “Eh may prusisyon, lumalakad yung poon papunta sa kapilya niyo.”

Sosyal ang poon sa amin at may pagkachoosy. Kapag bored na siya eh lumilipat ng lugar at yun nga ang nangyayari nun. Iikot daw ang poon sa lahat ng barangay, barangay tour ito mala-bruno mars. Nakisilip ako at dumungaw ng konti, nakahinto nga ang lahat ng sasakyan. Napabaling ako sa tricycle din na nasa harap namin. Open ang likod ng sidecar nito kaya kinausap ako nung sakay na babae.

“Ikaw ba yung pumapara kanina sa sabana?” banat ni Ate na itago na lang natin sa tawag na ATE. Naguguluhan naman ako sa tanong niya pero sige pa rin ako ng tango kahit hindi ko nagets. Ang alam ko kasi, sa kanto ako sumakay hindi sa sabana. At sa pagkakaalam ko din, galing ako ng school at hindi ako nagharvest ng palay. Kaya bakit ako mapupunta ng sabana? Tinanong din ni Ate ang Koya na driver ng sinasakyan ko kung may nakita daw ba siya na pumapara sa mahabang palayan pauwi sa amin. Wala din nakita ang Koya.

Pinalipat ako ni Koyang driver sa sinasakyan ni Ate at magkapitbahay lang naman kami. Yung isa na lang daw ang maghahatid sa akin para makabalik pa siya sa kanto at makakuha ng sakay.  Lipat naman daw ako at lalo akong nausisa ni Ate.

“Wala ba kayong nakita?” tanong niya sa akin at sa driver namin. “Akala ko ikaw na yung pumapara na yun at naka-asul na damit at nakamaong din eh.” Naka-blue polo ako at naka-pants that time. Shet, ako nga ata yun? Pero hindi.. I’m not from the sabana!

“Wala po akong nakita eh, tsaka sa kanto po ako sumakay” pagtatanggol ko sa sarili ko.

“Eh hindi ba ikaw yun? May lalaki kasi sa palayan kanina, nakaluhod sa gilid ng daan tapos nakataas yung kamay parang pumapara, parang may inaabot, parang kinukuha kami” kwento ni Ate sabay demonstrate.
Dun na ako na-creepy-han sa sinasabi ni Ate. Hindi na nga ako talaga yun at hinding hindi me luluhod sa kalsada. Sa lahat naman ng lugar, alam ko pa rin ang tamang lugar para magdasal.. sa library! Ayaw lumubay ni Ate at salita pa rin ng salita. Meron daw talagang tao dun, sayang daw hindi niya natulungan. Mabait si Ate kung tutuusin pero gusto ko ng supalpalan ng basahan ang mouth niya to make her tigil kasi I’m getting paranoid na.

Napatingala ako at nagsalita sa isip: “Lord, eto na ba yun? Senyales na ba ito na kukuhain mo na me? I’m not yet ready, nakaporma po ako ngayon, wag ngayon. Nagsisisi na me and I promise to change na Lord.” Napa-repent ako bigla at nag-confess ng ilang kasalanan. Ganun ako naapektuhan ni Ate. Kumpleto rekado na, may poon sa harap ko at may nakakita ng kaluluwa kong nanghihingi ng tulong. Ganyan agad ang naiconclude ko. Shetness. Sinong hindi mapraning diyan? At isang kaepalan ang nag-save sa akin.

“May taong sumemplang sa mga palay dun sa sabana. Tumurit yung motor, nireport ko na sa barangay hall nila dun. Natakot akong lapitan, siguro lasing” pagkakalat ng chismis ng driver sa nasa likod ng kararating lang na motor. Bigla akong nakahinga ng maluwag, akala ko kaluluwa ko na yun at nagpapakita ng kahihinatnan ko sa isang aksidente. Pambihira na yun! Nakauwi ako ng maluwag at si Ate, pagbaba, pinagkakalat pa din ang chismis. It’s HER already.

This is my second life. I will be good this time.

Kanina, magpaplantsa ako ng uniform na isusuot ko bukas. Hinahanap ko ang plantsa namin.

“Zetlog, nasan yung plantsa?” that’s me asking. “Ayy. Eh nasira ni Auntie nung pinagplantsa tayo. Nasira daw yung cord pero nasa labas ata, ingatan mo na lang yung cord” ang babala ng aking kapatid.

Kinuha ko ang plantsa at hinanap ang sira. Mukhang nadaganan yung cord at nalapnos ito. Lumabas ang mga wires. Pero kebs pa din sa akin at tumira pa din ako ng plantsa. Nakatapos ako ng isang pares ng uniform ng biglang… Boogsh! Happy New Year!!! Nag-ala fountain ang hayop na cord, nag-spark ng many times at nag-apoy ng major. Ang twist sa nangyayari? Habang hawak ko at angat-angat ko ang plantsa. Ganun sana, simple pero rock! Simple pero astig! Simpleng buwis-buhay!

Pagkalapag ko sa Pakabayo y Vice Ganda namin, tumigil ang walang hiya! Kinapa ko ang sarili ko at buhay pa din naman ako. Hindi nasayang ang maganda ko sanang contribution sa human population. Hayy buhay.

This is my second life. I will be very good this time.

Bilang pagsulit sa nasalba kong buhay, tutuparin ko na ulit ang hindi ko pa nagagawang pangarap. Ang pangarap kong maging batugan. Makapag-hiatus nga ng bongga like there’s no tomorrow! Try ko lang minsan. Parang cool eh. Pak!

Thursday, February 24, 2011

20th

Parang kalian lang, ang bata-bata ko pa at tumatakbo ng hubo sa aming bakuran. Ngayon, hindi ako makapaniwala na ang tanda ko na at tumatakbo ng hubo sa bakuran ng iba. Joke lang.

Nakalipas na ang birthday ko pero I’m still not over it. Ngayon ko lang kasi sagad in-enjoy ang araw ko dahil madalas, may shitty na nangyayari kapag birthday ko o kaya may ka-emohan na nagaganap. But this time, pure positivity ang pagdiriwang. Pak na pak baga!

I started my day right. I woke up early to get ready for my Friday review class. Full-packed ang bahay ng sangkatauhan dahil may catering ang Sissy ko nun. Kaya bukod sa alarm, kalabit at tapik ng kapatid ko, nagising ako sa pompyangan ng mga kaserola, kaldero, sandok at talyasi sa ganap na alas-sais ng umaga. Gumayak ako at suma-sideline pa ng harutan sa pamangkin kong 5-month old na body-builder. Daig pa ang laki ng biceps at triceps ko.

Napasarap ang pag-chill at nalimutan ko ng pumasok. Kaya pagdating ko sa school, late na naman ako. :) Hindi kasi excuse ang birthday para pumasok ako ng maaga, dapat may consistency sa tardiness. Paglapit ko sa aking upuan, sabay-sabay nagsigawaan ang Bests (endearment namin ng buong barkada ko) ng “HAPPY BIRTHDAY!” with sagad hanggang tengang smile. Buti na lang at malakas ang mic ng speaker namin, medyo hindi naging eksena ang pangyayari. Pero natats me, mga 8 fingers siguro.

Bago mag-lunch time, tumakas kami ng maaga ni Greta para makaorder na sa isang Seafood restaurant na ang specialty ay Crispy Pata. Lustay Pera mode ON! Nagpakasasa kami sa ma-cholesterol na tanghalian pagkatapos ay bumalik sa klase at tumunganga ulit. Ganyan kasaya ang birthday ko, maghapon kami nakasaldak sa upuan para mag-aral.

Right after magsabi ng “class dismissed” si Ateng Speaker na daig ang call center, takbo na agad kami papuntang mall. Namili kami ng pagkain para may malamon habang nakatambay sa apartment ng isang Best. Noon ko napansin na parang naging awkward ang moment naming magkakasama. Medyo naging malayo ang loob nila sa akin at iniiwan nila akong mag-isa. Mga walanghiya! May nalalaman pa lang suprisa. At hirap na hirap silang bilhin ang isang cake dahil kasama nila ako. Kapampam ko pala kasi? Ako na may kasalanan. Patay malisya na lang ako at nagfocus sa pagpapainit ng pandesal sa tindahan. Pero natats ulit ako, 8 ½ fingers na. Awww…

All set. Party na kung saan mapag-abutan. And this time, sa kwarto na nga. Happy Birthday YOW!

Around 8 PM, ang main event ng birthday ko ay nagsimula na. At hindi ako ang BIDA! Photographer ang Yow dahil coronation night ng pageant sa school namin at nangahas ang isa naming kaibigan na sumali. Anu pa bang magagawa kung hindi sumuporta na lang? Buti na lang ang gondo ng kapartner niya. Yie… Natapos ang pageant ng halos 12 MN na at nagbunga ang suporta namin dahil nanalo ang Best namin ng 2nd runner up at ang partner niya ang nakakuha ng title sa babae. Pak na yun para sa org namin! Yey!

Tapos na ang pageant at natapos na din ang birthday ko pero tuloy ang party. Matira matibay at ilang piraso na lang kaming natira. Tumuloy kami ng party at kung saan saan pa napunta hanggang magpasyang matulog na. Saan kami natulog? Sa Motel! Pang family room ang binayaran ko para magkasya kaming anim at matiwasay na natulog pagkauwi ng 3 AM. Ang saya ng araw ko at sa sobrang saya, nakangiti ako hanggang pagtulog. Amp!

Nung may araw na.. Shet! May araw na! May pasok nga pala kami. Nagmamadali kaming gumayak para pumasok dahil may exam kami that day. Kami na ang may eskwelahang walang consideration kahit pinuyat nila kami sa activity eh may pasok at may exam pa din kinabukasan. Dahil sa pagmamadali, DAKILA na lang. Anu yun?! Ewan.. :)

Wala ako sa mood magkwento kaya ayoko ng banggitin na kinabukasan, lumuwas pa ako ng Manela dahil nakarating na dun ang partey ko. At ayoko na din siguro i-share na Feb 17 pa lang, nagcelebrate na ako dahil nag-get together kami ng high school friends ko.

I had a 3-day celebration for my birthday. At lahat na yun, ang saya-saya ko. Thank you Bro sa dagdag taon na to. And thank you Bro for gracing me with so much blessings. Da best Ka talaga!

At makakalimutan ko ba namang pasalamatan kayong Madlang Pipol? Maraming salamat sa lahat ng bumati sa akin sa facebook at twitter. At sobrang salamat sa lahat ng nagsend ng picture greeting! SALAMAS! Akala ko walang magsesend, at least may nakaalala naman. At natats me hanggang internal organs.

At sa lahat ng nag-aabang sa walang kwentang video presentation na ginawa ko, the long wait is over. Pasensya na hindi ako magaling sa pag-gawa ng video. May I remind you guys? Nursing student po ako. Enjoy the video at batiin niyo ulit ako. Nakapag-update din. Pak!!


Monday, February 7, 2011

"Papipigil ba ako?"

Ang daming nahuhumaling sa koreanovela sa GMA 7 ngayon na Temptation of Wife. Pang-ilang beses ko na naririnig at ine-endorse sa akin ang palabas na yan sa di ko malaman na dahilan. Last Saturday nga lang habang angYOW ay nanunuod ng kaseksihan ni Jessica Soho, featured ang Temptation of Wife na tungkol pala sa kabet. Napanood ko yung commercial ng GMA na nangungunang daytime shit daw ang koreanovela at kinabog daw nito ang ratings ng pang-primetime ayon naman kay Wikipedia. Ako na nag-research at siya na ang number 1.

In na in ngayon ang mga kabit. Bukod sa ipinapalabas na ito sa TV, napakadaming teleserye ng totoong buhay-kabit na ang narinig ko. Parang after ng mga hip-hop with their baggy pants then mga emo na kalaslasan ang blade, namamayagpag naman ang career ngayon ng mga kabit with their sizzling alindogs.

Commercial muna. Sa kagustuhan kong malaman ang iba pang tagalong word sa mistress, ginamit ko ang powers ng Google Pagsasalin mula wikang Ingles to Filipino. Ang resulta?


I therefore conclude na ang mga mistress pala ay mga dalubhasang babae (hindi ko alam kung saan) at  babaing espesyalista (kaya naman pala nilalapitan para hingan ng tulong ng mga kalalakihan). Hindi ko lang masagot kung bakit naging guro, principal, bata at ama ang mistress. Kayo na sumagot.

I have nothing against sa mga taong kabit o kebs lang ang usaping kabit. Sa totoo lang pangarap ko maging kabit para may thrill. Joke lang. Wala lang din sa akin kung kabit ang isang tao at hindi ako judgmental. May kaibigan pa nga angYOW sa tunay na buhay na nakikilove-triangle na umi-square pa nga sa tunay na buhay. Itago na lang natin siya sa pangalang Bog, isang simpleng makireng babae.

Si Bog ay isang dalagang ina. Virgin na virgin kumbaga. Status: In a not-so-secret relationship with Sisidman. Si Sisidman ay nag-aaral ng Bachelor of Science in Seamanshipnessment (kung meron mang ganun), Major in Chick-sology. Si Koyang Sisidman ay may girlfriend na tunay at wagas na si Bb. Manela Girl for 2 or 3 years long na ata. Magkalayo sila ngayon dahil parang nag-aaral sa Manela si Ate. Kaya nangati at natigang si Koyang, nakikamot sa isang makire.

Ang dami ng characters, kashitty ko naman magkwento. O basta, ayun na! Si Bog ay nakikipag-holding hands sa kaliwang-kamay ni Sisidman at sa kanan naman nakahawak si Bb. Manela Girl. Anu ang pinagkaiba? Sa kanan, pa-sway-sway pa! At si left hand, laging left behind.

Eto ang maganda dine. Alam ni Bog na kabit lang siya, nahurt kunwari nung una pero ngayon kebs lang sa kanya yun. At recently lang, nakaamoy na din ang Bb. Manela Girl na may kasaling ibang monay sa love story nila. Syet! Ang pogi ni Koyang Sisidman. Walang binitawan na character at hindi lumubay dahil parang nagdadagdag pa ata ng ilan pa. Group Orgy ang gusto ni Koyang.
“Too bad for you, “CHALLENGE” is my middle name.”
“Bakit ko kakatakutan ang bagay na nagbibigay sa akin ng kaligayahan?”
“Eto ang gusto ko eh, papipigil ba ako?”
Yan ang ilan sa status ni Bog na nangangabog. Hindi ko sure kung gustong gusto niya ang buhay-kabit at siya pa ang napakatapang. Masaya si Bog ngayon at okay lang naman sa aming plastikang friendship ang kasiyahan niya. Sinubukan naman namin siyang pagsabihan o pagbawalan pero palaban si Ate at tatalunin ang bangis ni Anabelle Rama para sa bawal nilang pagmamahalan. Ang mali na lang sa ginagawa niya, pinagpapalit niya masyado lahat para sa lalaki na yun na sa huli bibitawan din naman siya. Anung laban niya na buwan pa lang kinakasama kapag bumalik ang taon ng elabs? Kawawang nilalang.  Sabagay, may pag-asa pa naman, gelpren pa lang. Basta gagalingan lang niya, baka siya ang mag-wagi gamit lang ang alindog card niya.

Mahirap pumasok sa isang relasyon lalo na kung meron na talagang “relasyon” bukod sa’yo. Love is much lovelier when it is right. Kaya mga Madlang Pipol, kalma lang. Dumadami pa naman ang tao sa mundo at hindi pa nagkakaubusan, bakit mo pipiliing makisalo sa iba kung madami pa namang darating na mas maganda?

Kung kinarir ko lang ang nakaraang landian ko, malamang kabit na rin ako ng dalawang taong nagmamahalan. Kaya lang dahil mabait ako, hinayaan ko na lang. Ayokong masira ang relasyon nila dahil sa akin, gagawa na lang ako ng ibang ikasisira nila para mapasa-akin siya. Haha. Joke lang. Uulitin ko, mahirap ang maging KABIT. Mas madali ang magsend ng picture greeting kay Yow para sa kanyang birthday at blog-anniversary. Kaya kesa tumira ng iba, magpicture na lang, lagyan ng pagbati at i-send ito sa itsyowtime@gmail.com hanggang Feb. 16. Maraming Salamass to you. :]

This is another senseless post. : |Pasensya naman na. Tsaka na yung tungkol kuno sa akin.