Tuesday, May 24, 2011

Ibon-cutting Ceremony

Hating-gabi na, nakahilata ako sa sofa at nanonood ng TV. Sa paglipat lipat ko ng channel, bigla ako huminto sa ABS-CBN dahil sa isang dokyumentaryo nila tungkol sa isang surgical procedure na minsan ko na ding naranansan. Naka-relate ako at nagflash back sa memory ko ang mga nangyari nung panahong ako ang tinutusukan ng anesthesia, ginugupit at walang awang tinatahi-tahi. Sa buong-buhay ko, yun lang ang kaisa-isahan at kauna-unahang operasyon na nangyari sa akin. Pag Pinoy ka, kasama na talaga ito sa kultura ---- ang pagtutule (circumcision).

Summer nga pala ngayon kaya usong-uso ang tulian sa bawat sulok ng Pilipinas. May Oplan-Tule here, Tuliang Bayan there at Libreng Putulan everywhere. At kagaya ng sa pinanood ko, summer din ako nagpatule, bakasyon pagka-graduate ng elementary. Di gaya kong bata pa nung nagpatule para magbinata, featured sa show ang dalawang magkapatid na lalaki na inuna munang magbinata bago nagpatule. Yes, di ko na lang maalala ang pangalan nila pero itago na lang natin sila sa walang panghaharot, walang diskriminasyon na bansag na Kuyang Supot, 19 at Kuyang madaming Foreskin, 17. Mahirap daw kasi ang buhay kaya naman imbes na ipangpatule, pinangchibog na lang nilang pamilya ang pera. Kaya nung nagkaroon ng libreng tuli sa kanilang citey, dakot-betlog at lakas-loob na silang nakipila sa mga 10 to 12 years old na mga bata at nakihubo na dun kahit sa kanila napunta ang lahat ng atensyon. After the successful ibon-cutting ceremony, napaiyak ang magkapatid na di ko alam kung dahil sa saya, sa sakit o sa hiya sa mahigit 10 tao ang nakakita ng tuutoot nila. Wala naman masyadong nakiusisa!


Naging compulsory na ang circumcision sa ating mga Pinoy di gaya ng ibang lahi. Aside sa naging parte na ng kultura, para din naman to sa kalinisan nating mga kalalakihan. Dagdag pogi-points sa ating mga Pinoy yun dahil tayo lang ang hygienic at hands-on sa pag-aalaga ng ating mga birdie without wings. Pero ayon sa aking napanood, may samahan ng mga supot na Pinoy ngayon ang tumututol na sa pagpapatule ng ating lahi. Kung anu naiisip nila, eh malay ko! Hindi rin naman mukhang ikaaasenso ng ating bansa kung magiging supot-country tayo. Nabahala tuloy masyado ang mga matatanda ngayon dahil mapupuno daw ng batang muta-in ang Pilipinas. Matindi paniniwala nila Impong Isko at Inang Sioneng na ang dumi na naiipon sa etet ng mga lalaki ay mapupunta sa mata ng magiging anak niya. Hindi ko alam kung sa paanong paraan malilipat yun pero wala pa naman atang Kano at Instik na consistent ang pagiging muta-in. Noong araw, kinukuha kaya nila yung dumi at ipinapahid sa mata ng anak nila? Matanong nga kila Lolo at Lola. Natatakot din ang sang-katandaan na maudlot at tumigil ang paglaki ng bawat Pinoy kapag hindi natule. May kaliitan na ang mga Pinoy at kapag hindi pa daw natule, hindi na tatangkad. Dahil sa kasabihan na to, gusto ko tuloy i-conclude na supot si Dagul, John Prats at Glentot.


Pagkatapos manood, biglang nagbalik sa aking alaala nung ako ang sumabak sa pagpapatule (na hindi libre). Sabado nun at maaga ako ginigising ni Nanay, akala ko paglilinisin lang ako ng bahay nun pala papagupitan ako ng araw na yun. Maligo na daw ako at hinihintay ako ni pretty Aling Gloria, ang barangay midwife, sa health center. Kinabog ako ng kaba tsaka ako nangatog nung naliligo ako, perstaym ko kasing sasalang sa isang operasyon. Pagkatapos maligo, ready na me, kaya sugod!


Pagdating sa health center, walang tao, walang pila ng nagpapatuli, pero may nakasalang na tinutuli --- si Benjo, ang batang nakalunok ng benjo (25 cents). Di na ako pumasok dahil sa labas pa lang, nadinig ko na ang pag-aray ng kawawang taong-coins sa ginagawa sa kanya. Hindi rin choosy mag-opera si Aling Gloria kasi bukas na bukas ang pinto niya at open to the public pati mga bintana. Hindi muna ako pumasok sa loob para kalmahin ang sarili ko. Maya-maya, si Benjo lumalabas na sa health center na hila-hila ang bandang harapan ng kanyang shorts with his victorious smile. Naconfused tuloy ako baka masarap naman pala magpatule. Sumigaw ang nurse assistant na si Aling Gloria din naman ng 'NEXT!' kaya pasok na ako sa eksena.


Yow: Aling Gloria, pinapapunta po ako ni Nanay.
Aling Gee: Ay. Oo, halika at dito tayo, maglilinis lang ako. Bumili pa ako ng bagong sinulid para sayo. (ang saya niya)
Yow: Talaga po? Dapat po ba akong matouch? (dagdag lang)


At eto na nga, ako na talaga ang sasalang. Pinaghubad na ako ng salawal at pinahiga sa stretcher.... sa tabi ng open to the public windows (na nasa tabi mismo ng sikat na grocery at kalsada). Wala na ako nagawa kundi humiga Ate Charo. Pagkahiga ko, nabaling lang ng kaunti pero halos nakatapat na si tuutoot sa bintanang bukas. Buti na lang at ang mukha ko ay natakpan ng ilang saradong bintana, maalinsangan daw kasi sabi ni Aling Gee, Ate Cha kaya walang bukas siya kung makapagbukas ng bintana. :( Kung alam ko lang na ganto, sana'y sa stage ng plaza ko na lang pinagawa ang tulian at nag-invite ako ng madlang-pipol bilang audience. Ganun lang din naman!


Kebs sa publiko si Aling Gee at tuloy lang sa proseso ng paggupit at pagtahi. Ako na lang ang nahiya at nagdasal na walang lilingon mula sa kalsada para tanawin ang live show. Nang matapos ang lahat, agad akong nagsalawal, tumayo sa pader, nag-slide pababa sabay sabi ng "Ang dumi-dumi ko! Ang dumi ko! Mga hayop kayoo!" Tapos na daw ako at binayaran na ni Nanay kaya pwede na akong umuwi para ipamalita na binata na me. Bago umalis, sabi ni Aling Gloria: "Lalo kang gagandang lalaki niyan, Anak. Madami ng maghahabol sayo." Nung marinig ko yun, gusto ko anesthesia-han sa bibig si Aling Gloria. Paanong hindi ako hahabulin? Ibinilad mo kaya si Junior sa bintana.


After ng circumcision, na-demoralized ata ako dahil sa malalagkit na tingin ng mga kapitbahay ko. Joke lang. After ng circumcision, certified binata na me. Hindi naman pala masakit ang tule di katulad ng exaggeration ng mga kapitbahay kong iyakin. Sa isang linggong healing period, hindi ko man lang na-try na i-angat ang harapan ng shorts ko para hindi matamaan si operadong junior. Di naman kasi talaga masakit, nakabenda naman siya. In fact, nakapagbike pa ako sa batuhan 2 days after the procedure. Ako na mayabang! Nangamatis tuloy. Joke lang. :) Ngayon, ibang-iba na si junior. Grown-up na din siya like me. Nagbinata na din at tinubuan ng bigote. Wanna see? Haha. Ampangit na pakinggan kaya dapat na sigurong matapos ang post na to. Ang tule. Bow!

41 comments:

  1. ai hala, grabe naman to. hahaha. ang dami kong tawa dito.

    pero buti nalang ako, tuli na habang bata pa, kaya hindi ako nakakarelate sa mga tuli summer days na sadyang kai sikat sa ating batang sinilangan.

    at sa tingin ko, isang progressive group ang tumututol sa tuli-tuli na yan. kasi according to free thinkers, dapat the child should determine his religion as he grows up.

    kasi pag tinuli na, malamang, hindi na pwedeng tumubo ang foreskin ulit. pano pag gusto nya maging musli, o atheist, o satanist diba? markado na siya ng covenent ni god at israelites. haha.

    sobrang nakakatawa tong post na to! pambihira!

    ReplyDelete
  2. lagot ka kay glentot..lagot ka..hahaha

    ReplyDelete
  3. Nabahiran ng konting kamanyakan ang post mo dahil sa last few sentences..hihihi.
    .
    .
    I wanna see the grown up Yow! Bwahaha! [cge, ngayon ka pa magduda saken, hahaha]
    .
    .
    Naalala ko tuloy ang tuli moment ko. Ma-i-blog nga din. CHING!

    ReplyDelete
  4. lels mode ako dito... pati nga katabi ko nakibasa dahil tawa ko ng tawa.. whahaha
    ang lakas ng memory mo ha.. naalala mo pa si aling gee.....
    mas lalo ko natawa sa last statement mo....

    ReplyDelete
  5. ang landi mo Yow! hahaha..

    kung makalait ka saken pag nagkukwento ako ng malandi sa blog ko, eh ikaw din naman pala 'tong mas malandi saken. nyahahahaha!!

    ikaw na ang willing magpakita ng grown up junior na may bigote! basta ako kasing linis at kasing-virgin ko na yung blog ko..

    PS: Naalala ko nung bagong tuli ako nung elementary, hatinggabi yun at bigla akong tinigasan. napaiyak na lang ako sa sakit at kirot habang pinipilit kong makatulog. bwahaha! it hurts you know! :p

    ReplyDelete
  6. Masaya ang naging tulian. It's YOW time kasi. Akala ko kung anong ribbon cutting ceremony na ito. Business ang nasa isip ko.

    ReplyDelete
  7. malanding malanding post to Yow! lol..
    At humanda ka nga talaga kay Glentot...praktis ka na sparring...

    ReplyDelete
  8. Haha may public scandal k na pala eh lols! ok lang yun bata k p nmn ata nun eh? or nitong huli ka lang ba? hahah joke!

    ako noong tinule ako hndi ako nagsalawal, naka-maong pants ako nun...

    ReplyDelete
  9. hahahaha. talagang may group na ba na against sa tule? mga grupo ng supot at ayaw mahiwa ng labaha ang kanilang senyorita.

    ReplyDelete
  10. I wanna see!!!Osyoso lang kung lumaki nga...hahahahaha!!! Walang malisya nurse naman ako.choz!

    Wag ka na maginarte...tama naman si aling gee. Naging habulin ka naman a....ng beki.hahahahahaha!joke

    UNGAZ

    ReplyDelete
  11. Ang sama ng iyong budhi, Yow! Kung makapanghamak ka naman sa maliit na height ni Andoy, akala mo naman hindi na talaga siya tumangkad. Nag-bday kaya siya kamakailan lang ... Ayun, may connect siya! Talagang kailangang ilathala sa internet ang ibon-cutting ceremony mo?!?! LOLOLOLOLOLOL. :D

    ReplyDelete
  12. sa australia they are not circumcised. may friend ako na pumunta pa dito para lang ipatuli ung pinsan niya. heheheh

    ReplyDelete
  13. we want pictures!!!we want pictures!!hahahahahha

    sakin naman tito ko unang tumule sakin..ikalawa yung may ari ng casa..marami nang tumule sakin..may foreigner..anf huli ata yung nagbigay sakin na..

    hahhaha..linya ni elsa pala...pero true tito ko tumule sakin...kaya libre...libre din spectators.leche rin

    ReplyDelete
  14. Hahahaha, natawa ko dun sa linyang "Ang dumi-dumi ko! Ang dumi ko! Mga hayop kayoo!"....hahaha. Hindi naman talaga masakit yung tule, medyo madugo nga lang hehe. Ngayon ko lang nalaman na may mga midwife pala na nagtutuli. Kasi kung ako nasa kalagayan mo YOW e mahihiya ako magpatuli sa kanila dahil mga babae sila haha.

    ReplyDelete
  15. naiiyak ako kakatawa sa pagbabasa nito shet!

    pero impernes naalala mo pa talaga yung sunod sunod na pangyayari ah...

    yung dalawang binata na nagpatuli, if ever man na natakot sila kitang kita ang ebidensya sa kanilang kilabot.

    ReplyDelete
  16. naalala ko nung nagpatule si utol. tinakot namin ng sobra. sabi namin tatapyasan ng konti ung ulo at kakalikisan ung betlog. hahaha. ayun, natakot. pero napilit din. paglabas nya ng kwarto after tulian, sabi sa ming lahat, "mga gago kayo!" hahaha. ;)

    ReplyDelete
  17. ahahah... so talaga palang supot si glentot ano.,. pero hala lagot ka.. hahaha .... ahahha... ay ikaw lang ba nakalaro two days after the operation eh nakashatok din ako ano.. hahaha...

    ReplyDelete
  18. natawa ko dito. spell detailed? heheh at dahil may bigote na si junior, kailangan nang ahitan wahahhaha..

    ikumsta mo si junior kay aling gee

    ReplyDelete
  19. akala ko kung anong ibon yun! ganda ng term huh. ibon-cutting. hehehe. i can related with this post. hehe joke! :)

    ReplyDelete
  20. nung mabasa ko si glentot bigla akong natawa eh lolz...

    ako rin nakapag bike nung pagkatapos matule, nag aatari pa nga kami ng kuya ko eh :D

    ReplyDelete
  21. hahaha--best single entry post!!!titile palang winner na!!!hahaha.napanuod ko rin yun. sa marikina yun eh diba? at gusto pa nila talagang mag set ng world record sa dami ng tinuli in one spot.hahaha

    honga--flashback lahat tayo ---pero wagi tong recall mo ng pagpapatuli mo ha--para lang nanunuod ng PORNO movie ang mga readers mo.bwahaha.

    ""Paanong hindi ako hahabulin? Ibinilad mo kaya si Junior sa bintana."""---hahaha--inexpose ka? talaga namang kung ako rin feeling violated ako nyana--kasi actually ang nakakatakot sa pagpapatuli at yung mas shameful part is yung maghuhubad ka sa harap ng ibang tao tas me hahawak pa sa ****diba?hahaha

    ReplyDelete
  22. Hayop ka ito pala ang dahilan kung bakit ka nagsosorry! Pakyu! Tangina mooo! Tuli ako no! Post pa akong pics! LOL

    Nahiya ka siguro makita sa labas kasi bulbulin ka na nun no! LOL...

    Ako naman tinuli sa clinic ng tiyo ko kaya private with matching palabas na cartoons at naaliw ako kakapanood tapos na pala ang procedure ayoko pang umuwi.

    ReplyDelete
  23. infairness ang hirap hanapin ng comment o bulag lang ako..

    nakakatuwa siya! pareho kayo ng style ng pagsu-sulat ni gillboard atsaka ni bob ong

    ReplyDelete
  24. nong umuwi sana ako papatulian ko yung anak ko..para naman makita ko din...kaya lang hindi available yung doktoy na magtutuli sa kanya kaya next summer na daw =(

    buti nga lalaki lang ang nitutuli sa pinas..sa ibang part ng africa at egypt eh pati mga babae=(

    sabi nga din db..hindi daw tatangkad ang supot...sana hindi na nagsitaasan ito mga amerikano at european na mga supot..eh sila pa nga ang matatangkad...palagay ko dapat na ding maging supot ang mga pnoy ng tumangkad..bwahahahaha

    ReplyDelete
  25. laftrip shet!

    sana nga sa plaza na lang!

    ReplyDelete
  26. panalo ang post.. ang dami ko ring tawa dito hindi ko na nga mabilang.. naiyak na rin ako sa tuwa.. LOL buti na lng inistop mo na, bka kung san pa dalhin ang post.. mag-ala heaven by your side pa.. hahaha

    ReplyDelete
  27. naalala kong tinitigasan ako habang tinutuli ako. kaya nahihirapan si doc

    ReplyDelete
  28. at naxabit pa talaga ang pangalan ni Glentot dito.. hahaha todo todo kwento tungkol xa pagkatule xayo ah.. hahaha totoo lang ngayon lang ako nakabaxa ng kwentong tule..

    toink..

    at baka hindi ako makatulog xa gabi... (hindi dahil xa kwento mo ah.. wag ka echosero) dahil kay BENJO... ano kaya nangyari xa 25 cents na nalunok niya.

    ReplyDelete
  29. haha dahil sa ganda ng mga post mo, eto ako at nagaabang na ng kasunod! :))

    ReplyDelete
  30. hiiiiiiii
    coool blogg
    i followed your blog u plzzzzzz follow mine
    plzz follow my blogg
    www.lovewidapple.blogspot.com

    ReplyDelete
  31. ikaw na ang bagong tule este bagong font. sorry naman late na ako boss yow!

    maraming ibig sabihin ang pagpapatuli. Kasama na ito ng kasaysayan.

    be blessed!

    ReplyDelete
  32. Laftrip! auf ka yow! dinamay mo pa si Glentot bakit mo binunyag yung lihim nya??! ayan tuloy nagkwento ng wala sa oras! hahaha jowk lang idol! hahaha

    Sa doctor din ako nag patuli yung napagdaanan ko siguro normal lang lalo na yung nangangamatis. pero tanong ko lang since nurse ka,

    Totoo bang bumabalik sa pagkasupot pag di successful ang manhood operation? curious lang ha hahahaha!

    POLDO

    ReplyDelete
  33. nanuod din ako neto eh. A bit scary- but sa Venezuela ordinary lang to..

    ReplyDelete
  34. wala ka bang bagong post? hehe! waahhhh binata na siya.. hehe!

    ReplyDelete
  35. eto ang proud na tule!
    hahaha

    uyyy kinawawa mo naman si glentot! ipapadala nia sayo si ed mi lyn dhil jan :P

    at ... d ko alam na ganon pala paniniwala sa muta hahaha

    ReplyDelete
  36. haha nice experience buti ka pa tuli na..wahahha..joke.
    In a way alam lahat natin yung pakiramdam bago ,habang ,at pagkatapos tuliin ...MAdaling makarelate para sa ating mga kalalakihanng gwapo..hahah

    ReplyDelete
  37. dapat merong evidence hihihi

    ReplyDelete
  38. nangamatis ba pre? 'yung akin, sobrang sakit talaga pagkatapos na mawala ang epektos ng anesthesia. pucha, parang binudburan ng isanglibong siling labuyo si junjun. mas okey nga tayo kasi tule ang mga lalake; ibig sabihin, mas malinis. mas malinis, mas masarap mag-jakol. hindi tulad ng ibang bansang lahi ng mga supot! XD

    ReplyDelete
  39. Sige nga YOW! Magpakita ka nga ng pictures mo!!! Dapat mabilis! Walang malisya to! Tignan natin kung nag-improve ba si Junior! (Doktor ako)

    ReplyDelete