Friday, December 23, 2011

My Grown-up Christmas Wish

Christmas is just around the corner. I still can't believe... quota na sa English, maximum of 10 words lang!


Napasarap ang pag-tambay ko kaya hindi ko napansing may blog pala ako. Napasarap din ang pagkain ko kaya hindi ko napansing ang taba-taba ko na. At hindi ko din namalayan na ang bilis ng araw, isang tumbling na lang pala ay Pasko na. Wala na akong napansin. Ako na ang snobbish! Ako na ang walang malay! Ako na si Bal! (You know, si Bal. Si Bal na walang malay, remember? May explanation ng joke?)


Feel na feel ko ang pagiging grown-up kunwari sa buhay ko ngayon. Literal na grown-up kasi mga batang pamangkin ko ang karaniwang nakapaligid sa akin. At figuratively, kasi kunwari pasan ko ang daigdig at ang dami ko iniisip sa buhay ko. Noong nag-aaral pa ako, ang sarap sa feeling ng walang ginagawa pero ngayon ko na-realized na hindi pala siya fun pag matagalan. I feel so worthless, I feel so useless. Ajujujuju. Orti lang?! Kaya sa oras na nakatambay ako, which is most of the time, puro pag-ninilay-nilay at pag-paplano sa buhay ang naiisip ko. Nakanang.. I feel sooo old!


Sumasabay pa ang lamig ng Pasko dito, lalo tuloy ako nai-emo. For 19 years, I've celebrated Christmas in the Philippines. Kaya nasanay na ako sa maingay pero makulay at masayang Pasko sa Pinas. This Christmas celebration will be a new experience for me... and I'm excited for how's it gonna be. For almost 20 years, ngayon ko na lang makakasama ang Ate ko sa Noche Buena, ganun din ang Ditse ko na halos 14 years kong di nakasama. At ang pinakamasaya, pagkatapos ng 4 na taon, may mayayakap at mahahalikan na akong Nanay at Ama ngayong Pasko. Masaya ako na malungkot --- ambivalence! Masaya na makakasama ko na muli ang dalawang kong kapatid na nauna ng kumayod para makatikim kami ng hamon tuwing Pasko at ang mga magulang ko na ginawa ang lahat para makatapos ka ng pag-aaral. Pero nakakalungkot isipin na kailangan ko namang bitawan ang pamilya ko sa Pilipinas. Sila naman ang hindi ko makakasama ngayong Pasko --- sila na nakasama ko sa halos dalawang dekada tuwing Pasko.


Yes, Christmas is all about the birth of Jesus Christ... but for me, the best way of celebrating this special occasion is to be with your whole family. God really blessed me this year pero hindi naman siguro masama na may hilingin pa ako. Kaya before the worldwide celebration ng birthday ni Bro., hahabol lang ako ng isang Christmas wish. I am wishing, hoping, and hardly praying that someday we will celebrate this special occasion altogether as a one big happy family. Yun lang naman ang gusto ko, kahit walang regalo, kahit walang handa. Basta lahat kami magkakasama.


Teka, may handa naman pala kahit tinapay at cheese whiz lang.


Okay, enough with the drama. Sobrang hirap pala gumawa ng emo/serious post, I'm not gonna do this again.


Oras na lang ang bibilangin, Pasko na sa Pinas. Mauuna na ako sa pagbati sa lahat. 
May we all have a meaningful and wonderful Christmas. Loner ka man o may kasama, kumpleto man ang pamilya o hindi, dapat pa din nating ipagdiwang ang birthday ni Bro


Jesus is the reason for the Christmas season. Merry Christmas, Bossing! Mwah, mwah, tsup, tsup! God bless us all!