Tuesday, May 24, 2011

Ibon-cutting Ceremony

Hating-gabi na, nakahilata ako sa sofa at nanonood ng TV. Sa paglipat lipat ko ng channel, bigla ako huminto sa ABS-CBN dahil sa isang dokyumentaryo nila tungkol sa isang surgical procedure na minsan ko na ding naranansan. Naka-relate ako at nagflash back sa memory ko ang mga nangyari nung panahong ako ang tinutusukan ng anesthesia, ginugupit at walang awang tinatahi-tahi. Sa buong-buhay ko, yun lang ang kaisa-isahan at kauna-unahang operasyon na nangyari sa akin. Pag Pinoy ka, kasama na talaga ito sa kultura ---- ang pagtutule (circumcision).

Summer nga pala ngayon kaya usong-uso ang tulian sa bawat sulok ng Pilipinas. May Oplan-Tule here, Tuliang Bayan there at Libreng Putulan everywhere. At kagaya ng sa pinanood ko, summer din ako nagpatule, bakasyon pagka-graduate ng elementary. Di gaya kong bata pa nung nagpatule para magbinata, featured sa show ang dalawang magkapatid na lalaki na inuna munang magbinata bago nagpatule. Yes, di ko na lang maalala ang pangalan nila pero itago na lang natin sila sa walang panghaharot, walang diskriminasyon na bansag na Kuyang Supot, 19 at Kuyang madaming Foreskin, 17. Mahirap daw kasi ang buhay kaya naman imbes na ipangpatule, pinangchibog na lang nilang pamilya ang pera. Kaya nung nagkaroon ng libreng tuli sa kanilang citey, dakot-betlog at lakas-loob na silang nakipila sa mga 10 to 12 years old na mga bata at nakihubo na dun kahit sa kanila napunta ang lahat ng atensyon. After the successful ibon-cutting ceremony, napaiyak ang magkapatid na di ko alam kung dahil sa saya, sa sakit o sa hiya sa mahigit 10 tao ang nakakita ng tuutoot nila. Wala naman masyadong nakiusisa!


Naging compulsory na ang circumcision sa ating mga Pinoy di gaya ng ibang lahi. Aside sa naging parte na ng kultura, para din naman to sa kalinisan nating mga kalalakihan. Dagdag pogi-points sa ating mga Pinoy yun dahil tayo lang ang hygienic at hands-on sa pag-aalaga ng ating mga birdie without wings. Pero ayon sa aking napanood, may samahan ng mga supot na Pinoy ngayon ang tumututol na sa pagpapatule ng ating lahi. Kung anu naiisip nila, eh malay ko! Hindi rin naman mukhang ikaaasenso ng ating bansa kung magiging supot-country tayo. Nabahala tuloy masyado ang mga matatanda ngayon dahil mapupuno daw ng batang muta-in ang Pilipinas. Matindi paniniwala nila Impong Isko at Inang Sioneng na ang dumi na naiipon sa etet ng mga lalaki ay mapupunta sa mata ng magiging anak niya. Hindi ko alam kung sa paanong paraan malilipat yun pero wala pa naman atang Kano at Instik na consistent ang pagiging muta-in. Noong araw, kinukuha kaya nila yung dumi at ipinapahid sa mata ng anak nila? Matanong nga kila Lolo at Lola. Natatakot din ang sang-katandaan na maudlot at tumigil ang paglaki ng bawat Pinoy kapag hindi natule. May kaliitan na ang mga Pinoy at kapag hindi pa daw natule, hindi na tatangkad. Dahil sa kasabihan na to, gusto ko tuloy i-conclude na supot si Dagul, John Prats at Glentot.


Pagkatapos manood, biglang nagbalik sa aking alaala nung ako ang sumabak sa pagpapatule (na hindi libre). Sabado nun at maaga ako ginigising ni Nanay, akala ko paglilinisin lang ako ng bahay nun pala papagupitan ako ng araw na yun. Maligo na daw ako at hinihintay ako ni pretty Aling Gloria, ang barangay midwife, sa health center. Kinabog ako ng kaba tsaka ako nangatog nung naliligo ako, perstaym ko kasing sasalang sa isang operasyon. Pagkatapos maligo, ready na me, kaya sugod!


Pagdating sa health center, walang tao, walang pila ng nagpapatuli, pero may nakasalang na tinutuli --- si Benjo, ang batang nakalunok ng benjo (25 cents). Di na ako pumasok dahil sa labas pa lang, nadinig ko na ang pag-aray ng kawawang taong-coins sa ginagawa sa kanya. Hindi rin choosy mag-opera si Aling Gloria kasi bukas na bukas ang pinto niya at open to the public pati mga bintana. Hindi muna ako pumasok sa loob para kalmahin ang sarili ko. Maya-maya, si Benjo lumalabas na sa health center na hila-hila ang bandang harapan ng kanyang shorts with his victorious smile. Naconfused tuloy ako baka masarap naman pala magpatule. Sumigaw ang nurse assistant na si Aling Gloria din naman ng 'NEXT!' kaya pasok na ako sa eksena.


Yow: Aling Gloria, pinapapunta po ako ni Nanay.
Aling Gee: Ay. Oo, halika at dito tayo, maglilinis lang ako. Bumili pa ako ng bagong sinulid para sayo. (ang saya niya)
Yow: Talaga po? Dapat po ba akong matouch? (dagdag lang)


At eto na nga, ako na talaga ang sasalang. Pinaghubad na ako ng salawal at pinahiga sa stretcher.... sa tabi ng open to the public windows (na nasa tabi mismo ng sikat na grocery at kalsada). Wala na ako nagawa kundi humiga Ate Charo. Pagkahiga ko, nabaling lang ng kaunti pero halos nakatapat na si tuutoot sa bintanang bukas. Buti na lang at ang mukha ko ay natakpan ng ilang saradong bintana, maalinsangan daw kasi sabi ni Aling Gee, Ate Cha kaya walang bukas siya kung makapagbukas ng bintana. :( Kung alam ko lang na ganto, sana'y sa stage ng plaza ko na lang pinagawa ang tulian at nag-invite ako ng madlang-pipol bilang audience. Ganun lang din naman!


Kebs sa publiko si Aling Gee at tuloy lang sa proseso ng paggupit at pagtahi. Ako na lang ang nahiya at nagdasal na walang lilingon mula sa kalsada para tanawin ang live show. Nang matapos ang lahat, agad akong nagsalawal, tumayo sa pader, nag-slide pababa sabay sabi ng "Ang dumi-dumi ko! Ang dumi ko! Mga hayop kayoo!" Tapos na daw ako at binayaran na ni Nanay kaya pwede na akong umuwi para ipamalita na binata na me. Bago umalis, sabi ni Aling Gloria: "Lalo kang gagandang lalaki niyan, Anak. Madami ng maghahabol sayo." Nung marinig ko yun, gusto ko anesthesia-han sa bibig si Aling Gloria. Paanong hindi ako hahabulin? Ibinilad mo kaya si Junior sa bintana.


After ng circumcision, na-demoralized ata ako dahil sa malalagkit na tingin ng mga kapitbahay ko. Joke lang. After ng circumcision, certified binata na me. Hindi naman pala masakit ang tule di katulad ng exaggeration ng mga kapitbahay kong iyakin. Sa isang linggong healing period, hindi ko man lang na-try na i-angat ang harapan ng shorts ko para hindi matamaan si operadong junior. Di naman kasi talaga masakit, nakabenda naman siya. In fact, nakapagbike pa ako sa batuhan 2 days after the procedure. Ako na mayabang! Nangamatis tuloy. Joke lang. :) Ngayon, ibang-iba na si junior. Grown-up na din siya like me. Nagbinata na din at tinubuan ng bigote. Wanna see? Haha. Ampangit na pakinggan kaya dapat na sigurong matapos ang post na to. Ang tule. Bow!

Sunday, May 8, 2011

Yan ang NANAY ko. :)

Umuwi ang Nanay at Ama ko last March to attend my graduation. Apat na taon silang nawala dito sa Pilipinas kaya apat na taon din kaming naulila sa magulang. Madaming nagbago at nagsi-tanda na kami. Ang Joshua na iniwan nila noon, Yow na kung tawagin ngayon. Dahil sa tagal ng panahon, nakasanayan na namin na wala kaming Nanay At Ama kaya isang major adjustment ang kanilang pag-uwi.

Bumait ang tatay ko ng sobra, hanggang dun na muna yun. Si Nanay muna ang maikwento.

Pumayat ang Nanay ko, which is good for her health. Pumuti din siya at kuminis, bumata ng mga kalahating taon. Dun ko napatunayan na may hiwaga sa tubig ng America. Aside sa physical changes, madami pang nagbago sa Nanay ko.

Naaalala ko noon yung training days ko sa pagiging domestic helper under her supervision. Mano-mano niya kasi dating pinapalampaso sa akin ang sahig namin kapag walang pasok hanggang kumintab to at makita niya ang kanyang mukha sa tiles. Ayaw niya ng madumi kaya naman noon ay weekly ang general cleaning namin. Mahihiya ang alikabok pumasok sa loob ng bahay namin dahil maa-out-of-place siya for sure. Ngayon, metikulosa pa din siya pero gusto niya siya na lang ang gagawa para daw mapaglingkuran niya kami. Naks.. Ang sweet. Dahil sa adhikain niyang yun, mga 50% ng stay niya dito ginugol niya sa paglalaba, 30% sa paglalampaso, paglilinis etc. Kamusta naman yung ayaw lumubay? Di na nakapagbonding.

Istrikta ang Nanay ko. Pag bumanat ka ng “Nay, makikitulog sana ko..” kahit di ka pa tapos babarahin ka agad ng “Lumubay!”. May kadugtong pa yun na “..para saan at nagkabahay ka pa kung makikitulog ka din naman sa iba”. Kaya takot akong magpaalam sa kanya. Kaya nung may plano kami ng mga kaibigan ko na magliwaliw sa Subic, nanghingi pa ako ng tulong sa Sanse ko para makapagpaalam na dun na ako sa kaibigan ko mag-sleepover the night before the outing. Malay ko naman na she’s really a changed person na pala, kebs lang magpaalam, pumapayag agad? Naks.. Ang bait.

Hindi na din siya ang Nanay na kapag nasa mall kami at nagsimulang magtuturo ang daliri namin ng mga pabili, bigla kaming dinidikitan at kinukurot sa bewang. Madiin, nakakamaga at full force na kurot ang sagot niya sa hiling namin noon. Ayaw niya kasi ng magastos, ayaw niya ng nagpapabili. Pero ngayon, siya pa ang bumubulong sa amin na ubusin ang pera ni Ama para hindi na daw maipang-painom. Naks.. Kunwari ang yaman.

Maarti na din ang Nanay ko ngayon, ganun pala talaga pag California gurl. Hindi makaihi sa banyo na walang bathroom tissue, samantalang noon eh nagpapahinto pa siya ng bus para lang mailabas ang hindi na niya matiis na tawag ng nature sa pilapil. Media kasi kaya siya maihiin. Me-diabetes! Lagi na din siya naghahanap ng menu kahit na sa Goldilocks lang naman siya kakain. Kaya kapag pasok sa mga fast food, hindi siya pumupunta sa cashier, akala niya may magte-take ng orders. Well, tamang arte lang.

Hindi na kumakain ng rice almost every meal ang Nanay ko. Once a day lang ito at bawal na niya ulitin. Usually, ang kapalit pa ng rice ay puro gulay. Nangangabog sa diet di ba? Para sa health niya kasi yun at para na rin daw lumiit ang parang may laman na globularly enlarged abdomen/puson niya. Tinanong ko siya minsan, “Nay, tapatin mo kami, may pang-pito pa ba kaming kasunod? Ayaw sumuko? Dapat productive?”. Pero dineny niya ang issue, walang laman ang malaking tiyan at dysfunctional na din ang matres niya. Kaya nga daw siya on-diet para lumiit ito. Conscious lang sa figure niya. Ang nanay ko talaga, gusto pa ata ng bombshell Katya Santos na pigura.

Kahit na nagbago si Nanay, may ilan pa ring ugali niya ang nanatili. She’s still so religious. Lahat ng simbahan at kapilya na nakita namin, dinasalan niya. Itinatatwa niya si Satanas, at itinatatwa din niya ang isaw, dugo, adidas at mga ihaw-ihaw. Matulungin pa din si Nanay at mapagbigay. Kaya naman dinagsa kami ng taumbayan na akala mo may pinalagak na gamit sa amin parang baggage counter at kinukuha na nila. She still have her jokes of the 1990’s na pangit ang delivery. Meron pa din siyang pasabog na utot na kahit anung lakas ay walang amoy. Ang pangit pa din ng kuko niya na pinamana pa niya sa amin. Ang sarap pa din niyang tumawa, ang sarap pa din ng adobo niya. Madami pa din siyang pangaral na para sa amin. Hayy.. Ang sarap ng may Nanay ulit.

Gelpren ko.
Maikli ang panahon na naranasan ko ulit ang magkaroon ng ina pero sapat na yun para maramdaman ko ang pagmamahal na apat na taon ko din pinangungulilaan. Mothers are the most underpaid employees the world has.  No day offs, no holidays, no raise, no promotions. Mother’s love is the best example of giving rather than receiving. This day, let us recognize their undying love, sacrifices and care for all of us. Sa aking metikulosa, istrikta, mapagbigay, mapagmahal, matulungin, malakas umutot, mapangit ang kuko, relihiyosa at napakagandang NANAY, HAPPY MOTHER’S Day po. Yow loves you so much. Thanks for everything. Ikaw naa! Dabest ka. Thank you Lord for blessing me a Nanay like you. Mwah. :*

HAPPY MOTHER'S DAY!