Tuesday, December 28, 2010

Yow's Christmas.

Balak ko sana next year na mag-update pero dahil tinamad akong tamarin today at due to insistent public demand, makapag-update naman daw ng blog. Nahiya naman daw ako sa nagparatang sa akin na Best in Hiatus. Parang 2 weeks lang naman hindi nagpost eh. Duhr?!


**************************************************
BEFORE:

This year's a milestone sa aking career, anu daw? Gusto ko lang naman sabihin na after 4 years ay nakapagsimbang gabi na ulit kami ni Zetlog. At first time ito na subukan ang 4 AM mass. Simbang-madaling araw pala. Di ako excited pero hindi ako nakatulog nung araw na yun at hinintay ko na lang ang oras ng gayakan. Kung bakit naman kasi napakainit ng Pasko kahit wala namang nagpapainit, di tuloy ako makatulog at ako'y nag-iinit... sa panahon! Gumayak na kami at napurnada ang pagsusuot ko ng aking magarang jacket, nauwi tuloy ako sa polo at nagmukhang nagtitinda ng Biblia sa madaling araw. Palabas na kami ng namataang nakasarado ang gate at nakalock ito ng parang wala ng taong may karapatang dumaan. Hinanap namin ni Zetlog ang guard at nawawala ito. Nawawala din ang inday, nasaan kaya silang dalawa? Joke lang. Nawala lang talaga ang guard at late na late na kami sa simba. Kaya sumapit kami sa isang desperadong desisyon, ang pag-akyat sa bakod [akyat-bahay gag skills ON].

  • Mababang bakod: CHECK.
  • Walang tao sa kalsada: CHECK.
  • Walang rumorondang security guard: CHECK.
  • Posture and Confidence: CHECK.
Orayt! We're ready. Nauna akong umakyat at tumawa ng tumawa nung nasa tuktok na ng bakod tsaka bumaba. May padaang sasakyan kaya kunwari pagpag damit sa gilid ng kalsada ang trip ko. Sumunod na si Zetlog na nakablusang nagkulang ng tela sa likod at nakaleggings. Umakyat siya at nag-take time din sa pagtawa sa tuktok ng bakod tsaka bumaba. Parang walang nangyari tsaka kami naglakad papuntang simbahan. Buti na lang at wala ang mga guardia at kung nakita kami ay malamang dalawa lang ang bagsak namin nun. Unang bagsak, sa Bgry. Hall ng BF Homes kausap namin si Kapitan Jeremy Marquez at nagpapaliwanag ng krimeng aming ginawa. Pangalawang bagsak, sa lupa at malamang nabaril na kaming magakapatid dahil napagkamalang akyat-bahay.

Pagdating sa simbahan, hinintay pala kami ni Father bago magsimula kaya pag-kaupo namin tsaka pa lang sila nag-entourage. Badtrip nga lang, ENGLISH yung misa. Hayysss...

**************************************************
DURING:

For the first time ulit, nagkaroon ng maliit na reunion ang aming pamilya last Christmas. Magkakasama kami ng natitira kong mga kamag-anak nag-celebrate ng Christmas sa Cambridge Village sa Rizal. Masaya pala ang ganun at ramdam na ramdam mo ang pasko dahil may kasama kang pamilya. Apat na taon na din kasi ang nakakalipas simula nung last na nag-pasko kami na kumpleto kaming pamilya kaya nung nag-sama-sama kami, somehow, napawi ang pangungulila sa magulang. Ang Pasko talaga sa Pinas eh ang pag-sasama-sama ng pamilya.

Enough with the drama. Ang saya talaga ng Pasko ngayong taon kahit na hindi masyadong masarap ang handa. Oo, maisingit lang ang pangungutya sa handa ng Auntie kong balik-bayan. Dahil nga 100 years na siyang nanirahan sa America, uwi-uwi niya dito sa Pinas ang mga paraan at masarap 'daw' na luto nila doon. Kung masarap ang tawag doon eh I need to see a doctor at may dysfunction na ata ang aking taste buds. Pero maliban sa pagkain, di mapapantayan ang joy na mayroon kami sa pagsalubong ng birthday ni Bro.

Happy Birthday Bro. Merry Christmas everyone. :)

Isa sa main event ng pasko ang gift giving at talaga namang lahat eh matutuwa kapag nakakatanggap ng regalo. Isa-isa ng pumwesto sa Christmas Tree ang aming mga Santa Claus at nagpamigay ng mga gift. Excited na akong makatanggap at ayan na nga, tinawag na ang pangalan ko at may tatanggapin na ako. Eto ang dalawa sa memorable gifts ko last Christmas:


FIRST GIFT:
Sa lahat ng hindi nakakaalam, Joshua ang tunay na pangalang ng inyong lingkod at Yow ang aking palayaw. Ngunit na confused ako sa tunay kong pangalan ng matanggap ang regalong ito (Right Image >>>>). Sino si Jushua? Sino ba talaga ako? Salamat Mamiee Neeeneee sa gift. Akala niyo po kayo lang wrong speliing? 




SECOND GIFT:
Tama na sa wakas ang pangalan pero yung totoo?! Second choice lang ba ako sa regalong ito at may Dilbert na burado sa bandang taas ng pangalan ko? Sabihin mo Fr: Ate Ajig, di naman sasama ang loob ko.
Pambihira! Pero Thank You pa rin Kuya Patrick Ate Ajig.

Ikaw, how was your Christmas celebration? 


**************************************************
AFTER:

After Christmas day, umulan ng biyaya at talaga namang ang yaman ko. Joke lang. Sapat lang pala dahil mas mayaman ako last year. Kaya anu pa bang gagawin sa pera kundi lustayin. Hindi pa kami nakakanood ng MMFF (Enteng Kabisote for sure!) dahil undecided ang sissy dahil ibabayad pa daw namin sa sinehan ang 3-month old kong pamangkin na wala namang kamalay-malay sa mangyayari. Kaya ngayon, nalilito pa kami kung itutuloy ba ang planong ilagay sa paper bag o ibalot ng gift wrap ang niece ng Yow. Namasyal kami at namili SILA kahapon sa Greenhills. Yun lang. Wala namang magandang nangyari bukod sa napagod ako sa pagbuhat ng pamangkin ko, may nakita akong restaurant na Le Ching Too (Leche ka rin!) ang pangalan at may nakita akong parang pamilyar na damit na katulad ng akin. Eto oh:





May ganyan din akong damit. Tuwing Friday ko lang isinusuot at ginagamit para makapasok sa school. Pero etong si Kuya eh ikinagulat ko ang paglilibot niya sa Greenhills ng naka-Friday shirt ng aming school. Lunes naman kahapon at pinanluwas niya ito ng Maynila mula sa Cabanatuan, Nueva Ecija. Tumitingin pa nga siya sa akin dahil malamang mukha akong pamilyar sa kanya, peymous kaya ako, joke lang. At sa malamang, napansin niyang nagulat ako at nakafriday shirt siya. 


Hanggang dito na muna ang kwento, see you na lang ulit after 2 weeks ng pag-hiatus. Paalam. :) Pak!

Saturday, December 11, 2010

Meet Zetlog.


Sixteen years ago, December 11, 1994, may bagong salta sa pamilya namin na umagaw ng trono ko sa mata ng aking mga magulang. Akala ni Mamang at Papang dati ako na ang bunso sa aming pamilya. Huling hirit na ako dahil may katandaan na sila parehas at mahihirapan na sa pagbubuntis ang aking ina. Ngunit, subalit, datapwat dala na rin ng ihip ng malamig na hangin dahil magpapasko noong panahon na yon, nag-painit ulit ang payrents ko at pak na pak na nakabuo for the 6th time (hobby lang, sorry naman). Nabuo at naging laman tiyan na nga ng aking nanay ang huling miyembro ng aming pamilya. Payn! Welcome Christine Lyzette Torres Villangca. Zetlog for short, ang babaeng "bekols".


Zetlog and Yow.
Menopausal baby ang aming bunso, ibig sabihin "latak". Pero kung iisipin, lahat ng menopausal baby ang nakakakuha ng pagpapala. Siya na ang bright! Siya na ang pinakacute nung baby (lang)! Siya na ang tumatalent! Hindi ko alam kung may kinalaman doon ang unti-unting pagkawala ng regla ni Nanay pero ganun na talaga, sa bunso napupunta ang lahat. Bigla tuloy ako napaisip, parang menopausal baby din ata ako? :)

Ako ang bunsong lalaki (Oo, Yow, paulit-ulit? Paulit-ulit?) at si Zetlog naman ang ultimate bunso at ang bunsong babae. At dahil dito NEVER kaming nagkasundo nung bata pa kami. Lagi ako napapagalitan ng Nanay dahil sinusuntok, sinisipa, tinutulak at inaaway ko si Zetlog nung bata pa us. Kahit sermon at palo ang kapalit nun, fulfilling pa din sa pakiramdam ang mapaiyak ko siya. O di ba? Tunay na ehemplo! Kapag magre-reminisce ako ng  aking childhood, puro away kay Zetlog ang naiisip ko. Perpek!

Nag-high school ako at si Zetlog ay nasa elementary. Panahon ito na napakadami kong barkada sa barangay at kami ang mga tambay sa bawat kanto tuwing umaga at barangay tanod naman sa gabi. Lagi akong laman ng kalsada noon, in short, palaboy. Inggit na inggit ang Zetlog nun dahil paymous ako at madaming friends. Kaya naman nagsusumiksik siya araw-araw at pinagpipilitan ang sarili sa amin.

Zetlog: Dikong, sama naman ako maglibot. Sige na? *insert makaawa face*
Yow: Wag ka nga! Bata ka pa. Dito ka lang sa bahay. Tsaka ka na sumama kapag teen ka na.

Yes naman. May requirement talaga ako noon para sumama siya sa amin. Makapagexcuse na lang. Ayoko talaga siya kasama noon dahil magsusumbong lang siya kay Nanay na kung saan saan ako nakakapunta. Isa pa, kunwari ulirang kapatid, ayakong makisali siya sa kagaguhan ng mga barkada ko nun kaya iniiwan ko siya sa bahay para magre-pack ng cocoa. Nawalan na lang ako ng ilulusot nung nag-thirteen na ang sissy. Buti na lang, nawalan na din ako ng friends nun kaya wala na kami makakasama.

Noong nagsimulang maging home boy na lang ang Yow at nawala na ang itchiness ng bungang-araw dahil sa kakalakad sa kalsada maghapon, puro si Zetlog na lang ang nakikita ko. Pinagbawalan na kasi ako maglibot ng Nanay ko dahil nalaman niyang nagnakaw nanguha kami ng mangga sa bukid ng kung sino mang farmer. At this point, I had no choice. Wala na ako friend kaya naman si Zetlog na ang naging sandigan ko at naging kaibigan. Nandoon pa rin ang bangayan namin dahil umaartii na siya, nagdadalaga kunwari pero mas naging close naman kami as in real tight! Naghahanap pa naman kasi ako ng kaibigan, nasa bahay lang pala matatagpuan.

Kakaibang trip? Yun kaming magkapatid. Magpapatugtog ng malakas sa bahay, sabay magsasayaw ng weird dance moves at showdown ito. Sayaw ng langaw, palaka, kangaroo, itik, o bayawak pa, naipangbato na namin sa showdown. Kapag nag-senti yung tugtog, upo naman sa sofa at magkakantahan. Babanatan niya ako ng falsetto niya at titirahan ko naman siya ng crescendo (kung anu man yun) sa awiting pinamagatang Nothings ganna chains my Love poryu. After ng tagisan ng talento, talk show kwentuhan naman gamit ang sarili naming language at english dictionary. For example, "Pring kling iskring. Sizzlinghot, you know what? I'm hungryful. I want some delicacy food of the spirit." Nagets mo? Bute ka pa. Bihira ang may makagets ng delicacy eh. Hindi ako magtataka kung bakit ang dami nagtitinginan sa amin kapag nag-uusap kami ng ganto sa publiko. What's wrongage with that? You Frik!

Sa lahat ng tao sa paligid ko, I never thought I would end up having my sister as one of my best friend. Nagsimula kaming magkagalit, sa huli kami din pala magkakasundo. I am so blessed to have a sister like Zetlog. Sobrang mainitin ulo ko lalo na kapag naghahanap ng nail cutter o kaya ay naglilinya ng balat ng egg para makabuo ng mosaic pero nandiyan si Izet na kahit halatang natatakot sa galit ko eh patatawanin ako para kumalma ang puso ko.

Recently, na-snatch ang wallet ni Zetlog with her whole allowance in it. Pagdating niya sa bahay, umiiyak siya at umakap sa akin. Pang-MMK ang eksena at nakavoice over na si Dear Ate Charo Santos-Concio. Nagulat ako at akala ko kung ano nangyari. Dikong lang siya ng Dikong kaya kinabahan ako. Akala ko may nangbastos sa kanya o anu man, kaya handa na akong sumugod sa pinanggalingan niya dala ang itak na pamana ng aming ninuno at ipagpapatayan ko siya maiganti lang. Maya-maya pa, nagkwento na siya at nakuha nga daw ang wallet niya. Na-overwhelm ako sa iyak niya at sa MMK moment kaya kinabahan ako at nung narealized ko na wala naman palang pangbabastos na naganap, ang tanging naisagot ko na lang ay "Ang tanga mo naman!" Hindi pala nakaktulong yung sinabi ko, kasi naman sissy, pinakaba mo me. Sorry naman.

That time, naisip ko na di ko kayang may mangyaring masama sa aking kapatid, sa aking sissy, sa aming bunso, sa aking best friend. O kahit naman sino sa aking pamilya, hindi ko kaya! Kaya from then on, nag-promise na ako na babawasan ko na ang magbitiw ng masakit na salita kapag nanakawan ang isang tao. "Tanga" na lang, para one word na lang. At syempre, babantayan ko na sila. Makapaghinto na ng pag-aaral maging body guard lang nila.

Ang dami ko na sinabi eh babati nga lang pala me. Happy Birthday Zetlog. You know your Dikong loves you so much so be safe. Make us proud. Thanks for everything. You're a blessing sissy. Nagmamahal, Diksy YOW. :)

Thursday, December 2, 2010

Malinaw na Usapan.


Ginising ko si Izetlog dahil nakatulog siya sa sofa for almost 2 hours. Nakatulugan na niya ang panonood niya ng pinakaaabangan niyang Grazilda. Nasaksihan ko ang hirap niyang pagmulat ng mata nung nagising siya ng yugyog at sigaw ko sa kanya. Pilit akong inaaninag habang nakatayo ako sa gilid niya. Nung tumayo na siya at nagpunta ng banyo, bumalik na ako sa trono ko at nag-blog hop ng walang humpay. Maya-maya, pumasok si Zetlog sa kwarto at ganito ang eksena:

Zet: Diks (short for Dikong), ako nga naman mag-internet, may papanoorin lang akong video. (Sabay higa sa kama at pumikit)
Yow: Oh, eto na oh, manood ka na. Anu ba papanoorin mo? (Lingon sa para tignan ang kapatid)

Nung time na yun, nakahiga na siya at akap na ang kanyang unan. Ayaw pa rin niya bumangon kahit sinabi ko ng manood na siya. Sa halip na bumangon, sumagot siya sa akin.

Zet: Yung Bekols (beh-calls). Yung sasayawin naming Hip-hop.
Yow: Ano? Bekols? Sa Youtube ba? Oh i-search mo na oh. Tumayo ka na diyan.

Eh ayaw patinag ni Ate at talagang di pa din tumayo.

Zet: Oo. Sasayaw kami sa school. Bekols nga.
Yow: Bekols? Anu bang Bekols? How do you spell'et? (Napa-english na me)
Zet: (May slight na galit at diin sa sagot) Bekols?! H-Y-G-E-S. Bekols! (Sabay bangon ng ulo at duro sa akin)
Yow: (Nagtype ako ng HYGES) Eh bugok ka, wala namang lumalabas. Anu bang Bekols yun? Anung sayaw ba yun? Pambihira ka!
Zet: Bahala ka na nga! Di ko na papanoorin. Bukas na lang.. Bekols nga sabi eh!

Natapos ang usapan dahil nakatulog na siya at siya pa ang galit. Bastusan ito at talagang nagsasalita pa ako ng kung anu-anong shit eh tinuluan na pala ng laway ang unan niya at nasa Puerto Galera na siya sa panaginip. Pambihira! Nilubayan ko na ang Youtube at nagbasa ulit ako ng blog.

Kinabukasan, nagising ako na nakapasok na sa school si Zetlog. Di ko tuloy naitanong yung pinapahanap niyang Bekols. Maghapon ko inisip ang walang-hiyang Bekols dahil nararamdaman ko ang galing-galing nun sumayaw kaya mahirap hanapin ang video. And you know, I'm an avid fan of great dancers kaya interesado talaga akong malaman. Dapat itetext ko na si Zetlog kung saan ba niya napanood ang pemus na Bekols pero hinintay ko na lang na magkita kami sa bahay at dun namin pag-usapan.

Hapunan, nun ko lang naaalala na itanong sa kanya ang bumagabag sa akin maghapon.

Yow: Sissy, ano ba yung sinasabi mong Bekols kagabi?
Zet: Ha? Anung Bekols?
Yow? (WTF?!) Anung ha? Abe pinapahanap mo sa akin yung Bekols na sumasayaw kamo at sasayawin niyo sa school. Pambihira ka! Nagagalit ka pa nga kagabi.
Zet: HAHAHAHA. Anu bang Bekols Diks? HAHAHA. Wala akong natatandaan. Kadiri naman. Sabi ko, Bekols?
Yow: OO! Walang hiya ka! :|

At tulog nga pala the whole time ang walang hiya kong Kapatid. Kunsumido pa naman ang mukha ko noon kapag nakita niyo sa kakahanap ng Bekols. Di naman pala nabubuhay sa mundo ang mga Bekols. Shetness. Pinak na pak ako ng Zetlog. Amp. Pinagtawanan na lang namin lahat ng pinagsasabi niya sa akin buong gabi habang kumakain. Oo, yung tipong mabilaukan-style of laughing. 

MORAL LESSON: Minsan sa buhay, may dadating na hindi natin alam kung ano.. dahil hindi naman talaga nag-eexist ang damoho! BEKOLLLLSS.