Ginising ko si Izetlog dahil nakatulog siya sa sofa for almost 2 hours. Nakatulugan na niya ang panonood niya ng pinakaaabangan niyang Grazilda. Nasaksihan ko ang hirap niyang pagmulat ng mata nung nagising siya ng yugyog at sigaw ko sa kanya. Pilit akong inaaninag habang nakatayo ako sa gilid niya. Nung tumayo na siya at nagpunta ng banyo, bumalik na ako sa trono ko at nag-blog hop ng walang humpay. Maya-maya, pumasok si Zetlog sa kwarto at ganito ang eksena:
Zet: Diks (short for Dikong), ako nga naman mag-internet, may papanoorin lang akong video. (Sabay higa sa kama at pumikit)
Yow: Oh, eto na oh, manood ka na. Anu ba papanoorin mo? (Lingon sa para tignan ang kapatid)
Nung time na yun, nakahiga na siya at akap na ang kanyang unan. Ayaw pa rin niya bumangon kahit sinabi ko ng manood na siya. Sa halip na bumangon, sumagot siya sa akin.
Zet: Yung Bekols (beh-calls). Yung sasayawin naming Hip-hop.
Yow: Ano? Bekols? Sa Youtube ba? Oh i-search mo na oh. Tumayo ka na diyan.
Eh ayaw patinag ni Ate at talagang di pa din tumayo.
Zet: Oo. Sasayaw kami sa school. Bekols nga.
Yow: Bekols? Anu bang Bekols? How do you spell'et? (Napa-english na me)
Zet: (May slight na galit at diin sa sagot) Bekols?! H-Y-G-E-S. Bekols! (Sabay bangon ng ulo at duro sa akin)
Yow: (Nagtype ako ng HYGES) Eh bugok ka, wala namang lumalabas. Anu bang Bekols yun? Anung sayaw ba yun? Pambihira ka!
Zet: Bahala ka na nga! Di ko na papanoorin. Bukas na lang.. Bekols nga sabi eh!
Natapos ang usapan dahil nakatulog na siya at siya pa ang galit. Bastusan ito at talagang nagsasalita pa ako ng kung anu-anong shit eh tinuluan na pala ng laway ang unan niya at nasa Puerto Galera na siya sa panaginip. Pambihira! Nilubayan ko na ang Youtube at nagbasa ulit ako ng blog.
Kinabukasan, nagising ako na nakapasok na sa school si Zetlog. Di ko tuloy naitanong yung pinapahanap niyang Bekols. Maghapon ko inisip ang walang-hiyang Bekols dahil nararamdaman ko ang galing-galing nun sumayaw kaya mahirap hanapin ang video. And you know, I'm an avid fan of great dancers kaya interesado talaga akong malaman. Dapat itetext ko na si Zetlog kung saan ba niya napanood ang pemus na Bekols pero hinintay ko na lang na magkita kami sa bahay at dun namin pag-usapan.
Hapunan, nun ko lang naaalala na itanong sa kanya ang bumagabag sa akin maghapon.
Yow: Sissy, ano ba yung sinasabi mong Bekols kagabi?
Zet: Ha? Anung Bekols?
Yow? (WTF?!) Anung ha? Abe pinapahanap mo sa akin yung Bekols na sumasayaw kamo at sasayawin niyo sa school. Pambihira ka! Nagagalit ka pa nga kagabi.
Zet: HAHAHAHA. Anu bang Bekols Diks? HAHAHA. Wala akong natatandaan. Kadiri naman. Sabi ko, Bekols?
Yow: OO! Walang hiya ka! :|
At tulog nga pala the whole time ang walang hiya kong Kapatid. Kunsumido pa naman ang mukha ko noon kapag nakita niyo sa kakahanap ng Bekols. Di naman pala nabubuhay sa mundo ang mga Bekols. Shetness. Pinak na pak ako ng Zetlog. Amp. Pinagtawanan na lang namin lahat ng pinagsasabi niya sa akin buong gabi habang kumakain. Oo, yung tipong mabilaukan-style of laughing.
MORAL LESSON: Minsan sa buhay, may dadating na hindi natin alam kung ano.. dahil hindi naman talaga nag-eexist ang damoho! BEKOLLLLSS.
HAHAHA. Natatawa na ko sa simula habang binabasa ko post mo. Masarap magtanong ng kung anu-ano sa ganyang tulog na nagsasalita. Hindi ko din maisip kung ano 'yang BEKOLS. LOL!
ReplyDeleteSaan kaya niya nakuha iyong BEKOLS na iyan?!?! Baka may kung anong napapanaginipan siya kaya napapaBEKOL siya..
ReplyDeleteBEKOLS rule!!!!!!!! :D
hahahaha... waaaaaaaaaaaaaa..... hanep whadapaks yun ah... hahaha
ReplyDelete@GasDude: Haha. Kung narealize ko nga ng maaga na tulog pala siya eh papaulanan ko ng tanong. Sayang. Dapat ng ivivideo ko pa. Haha. Bekols naman oo.
ReplyDeleteor add me in nfacebook--antonio carranza jr.tnx
ReplyDelete@Michael: Sa malamang nga Michael. Haha. Anu kaya ang Bekols. Pero di na rin nakakapagtaka kung bakit kakaibang salita yan, sa tunay na buhay at tunay na gising kami eh kung anu ano din sinasabi namin tulad ng 'piriks' na di ko alam kung anu ibig sabihin. Haha.
ReplyDelete@Kikomaxxx: Bekols ka naman eh. Anung whadapaks? Wah? BEKOLSSS.
@Pusang-kalye: Teka. Tetext na kita ngayon. Ipanagkalat mo na kuyang sa Madlang Pipol number mo. Haha.
ReplyDeletebekols ka..bekols lang di mo pa alam...yah new..bekols!!!
ReplyDeleteahahahaha di ko pa nararanasang magtanong sa tulog!!! sarap sigurong pag tripan kung alam mong tulog sya ano? hihihi
sleep talking si kapatid. hahaha.. dpaat nanghingi ka ng pera habang ganun sya para paggising ng ulirat nya wala syang maalala. hahaha..
ReplyDelete@Ate Powkie: Anu ba ang Bekols Ate? Baka naman nasa bokabularyo niyo itong mga madre? Haha. Yun nga. Nawala kasi sa isip ko magtanong eh. Sayang. Haha.
ReplyDelete@iProvoked: Haha. Di ko din naisip yun. Nakakainis naman. Haha. Madami pa naman pera yun. Sayang again.
Ahahahahah ang kulet lang ng usapan...lol
ReplyDeletenakakarelate ako sa kapatid mo. mahirap kausapin kaming mga antok!!!
ReplyDeletehahaha
susme, bekols lang pala!
ReplyDeletebakit di mo alam kung ano yan hehehhe
wv: tatiome
kapatid siguro ng bekols
ampootah.
ReplyDeletepero may mga ganyang pangyayari nga talaga na wala sa katinuan yung kausap mo at kung anu ano lang nasasabi.
minsan nangyayari din sa akin yan. ako yung kung anu ano sinasabi sa biglang pagmulat tapos pag tinanong sakin di ko din alam. hehe
BEKOLLLLSS. Ang saya nyong magkapatid. ;)
ReplyDeletehanep c izet ngsslta hbang tulog.at imba ang danz grup.bekols?!bka sign un...un ang pngln ng bubuuin m0ng crew.whahahaha! o db kum0c0mment ak0?pota gumast0z ako pr mkpgbza blog m0.gan0n ako ksabik.haup!
ReplyDeletenagsi-lseep talk din kapatid ko... nakakatawa talaga ang mga sinsabi nila heheheh
ReplyDeletehahaha kaya nga eh.. parang BEKOLS lang yang WHADAPAKS... hahaha...
ReplyDeletesalamat sa vip tx at ikinwento mo na lang sakin ng personal ang laman,hindi ko na tuloy binasa!ako na...ako na ang sosyal!
ReplyDeletemasasbai ko lang ay isa kang hunghang para itype ang H Y G E S para mabuo ang salitang bekols..brightnesss?!
Hayop pati ang aking bekols naiblog. Naman Diks. :>
ReplyDeleteHaha animal! Sleeptalking! Nag-imbento pa ng salita, at inispell pa!!! Ano ba hinihithit ni Zetlog, gusto ko rin nun.
ReplyDeleteang aking 2 youngest sibling maganda talagang tandem...isang sleep talker zetlog...and sleeptalker..yow
ReplyDeletepanalo ang bekols sir yow!
ReplyDeletewahahahahahahahaha
next time ikaw naman ang mag sleeptalking palit kayo siya naman ang sleepwalking
wahahahaha
isip ka na agad ng ipapahanap mo sa youtube like yowkols hihihi
wahahaha.. yow, napatawa ko sa bekols na yan.. iniisip ko habang binabasa ko ang bekols at sa huli sasabihin mo din.. wahahahha...
ReplyDeleteBaka nananaginip xa nun ng bekols? hahaha...hangkulet lang...lol
ReplyDelete