Sunday, February 21, 2010

American Idol

Nakakatuwa ng manuod ng telebisyon ngayon. Kung hindi pantasya ang palabas, reality show na lang. Salitan lang sila. Yun daw kasi ang patok. Mga reality shows na nagpapakita ng pagkayod at napakamakulay na buhay ng mga pinoy. Napakadaming kababayan natin ang nahuhumaling sa mga ganung panoorin.


Isa na nga sa pinakatinatangkilik ng mga Pinoy ang American Idol na ayaw tumigil kahit na ika-9 season na nila. Di naman Pinoy ang bida, todo panood pa din. Nakakatuwa nga yung iba na kahit di maintindihan ang mabilis na pagiinglis ng mga hurado at mga contestant eh nakikikaba pa din sa mga pangyayari sa nasabing show. Di na namamalayan na natanggal na o nanalo na yung pamato nila hangga't di nakikita na nag-iisa na lang sa stage.


Bagong season na naman ang American Idol at isa sa pinakaaabangan sa talent show na ito ay ang mga tirada ng mga hurado. Yung mga "I love it Baby" na tirada ni Randy Jackson na animo ba lahat ng contestant eh sanggol o di kaya syota ng negrong kano. Mga one-liner comment ni Simon Cowell tulad ng "That was brilliant" na may kahalong pambihirang accent na paurong dapat ang dila at may diin sa lahat ng 'T'. Sayang at nawala na ang uto-utong si Paula Abdul na konting taas lang ng tono, masayang masaya na at standing ovation agad sya. Sya lang ang ganun. Masyado lang siguro syang appreciative. Intindihin na lang. Pero bakit kaya siya nawala? Wag na lang tayong makialam.


May bagong pasok na judge ngayon, si Ellen Dije Degee Degjge --- basta yung tomboy! Yung tomboy na may magandang syota. Yung tomboy na nagpasikat sa ating kababayan na si Charice Pepeko Pengpeng Ugh! Si kokey na lang. ForgeIt! Dalawang taong kumplikado ang apelyido. Nawa eh maging kagandahan si Ellen sh*t sa palabas at wag naman sana na magamit nya ito sa pangchichicks nya. Balita ko kasi matinik sa chicks eh. Hearthrob and Hunk si Ate.


Anu't ano pa man, iba iba talaga ang hilig ng tao. Kung ano ang makahiligan yun ang magiging uso. Di na din ako magtataka kung sakasakali na sa darating na panahon, pati buahy ng Madre, paglaki ng puno at pag-iimbak ng pagkain ng langgam eh isa ng palabas.

Pampabitin.

Bago ang lahat, bago ko simulan magpost ng blog entry, bago pa kayo magreact, nais ko munang iparating sa inyo ang ilan sa mga alituntunin na aking tahanan. Narito ang mga sumusunod:

1. Kung ikaw ay pasosyal, mayaman at magaling mag-ingles, maaaring ikaw ay malungkot sapagkat bihira ang salitang Ingles sa aking tahanan. Mahirap mag-ingles at magsulat ng purong ingles. Inaalagaan ko si utak ko at ayokong pagdaanan nya ang paghihirap tulad ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Ondoy. Pagdamutan nyo na ang aking maihahain sa inyo.

2. Di ako tumatanggap ng mga pagtuligsa. Gusto ko lahat ay papuri. Choks lang! Haha. Ang inyong lingkod ay bukas sa mga komento, kaya nga naimbento ang comment box mga ate at kuya. Maganda man yan o pangit, aprub ako jan. Wag lang offending.

3. Isang paalala, ang chatbox sa tagiliran ay hindi ang comment box. Maaaring mag-usap ngunit bawal naman magpaliwanag ng nararamdaman sa isang nabasang artikulo. Magusap-usap kayo sa chatbox mga kababayan, kung wala kayong makausap, bawat message baguhin nyo pangalan nyo tapos sagutin mo yung huling message mo. Wala namang basagan ng trip dito besides wala ding makakakita.

4. Sa nakakaalam ng facebook account ko, wag ka nga magcocomment tungkol dito sa blog dun sa pesbook. May nagbabantay. Mahuhuli. Mawawala ang blog pag nagkataon. Haha. Ingat. Dito na lang magcomment. Kadami espasyo dito para sa mensahe mo eh.. Tsk.

5. Kung may gusto kang ipalathala dito sa aking blog tulad ng mga pabati [birthdays, anniversary, monthsary, weeksary, rosary, orbituary], mga lathalain para sa nawawalang kamag-anak, aso o katulong, mga namisplaced mong kagamitan na gustong ipahanap, o kung labis kang mapagmaasim at gusto mo magpapost ng sarili mong blog entry, welcome ito sa aking tahanan. Ayus lang! Ibibigay ko sayo ang account at password ko tutal gusto mo eh. Hindi na lang ikaw ang magblog.

Yun lamang po mga kababayan. Sana'y ang mga ito ay magsilbing gabay sa bawat araw ng ating pamumuhay sa mundong ito. "Ang pagsasama ng TAPAT, ay sa jeep lang nagaganap." 

Wow! Bago..










Ang katamaran nga naman talaga ay sadyang mahirap paglabanan. Kaya ayun, isang sugod lang sa akin suko agad ako. Nagpatalo agad ako. Kaya naman ang tagal kong nagkaroon ng bagong blog post. Natambak lang sa drafts lahat ng gawa ko. Papagawa na talaga ako ng bago kaya lang nabore na ako sa old blog ko. Parang naramdaman ko yung kibot sa puso ko ng pangangailangan sa pagbabago kaya aking na lamang napagpasyahan na gumawa ng bagong tahanan at narito ka na nga at binabasa ito. :D



In fairness naman di ba? Gumanda yung bagong bahay ko. Kumpara mo sa date. Nagmukang pangmayaman. Aminado naman ako na may pinaggayahan lang ako pero at least nagawa ko at over ang improvement. Nageport ako kaya iappreciate nyo my dear kababayans. Thank you pinaggayahan.Ü

Yung last blog ko, yung yes yes yow eh masyadong nakaikot sa buhay ko at sa mga taong nakikiraan sa makulay kong buhay. Tiyak pag nabasa ni Edna Astron (imbentong pangalan; di ko kilala) yun, e di sya makakarelate. Kaya this time, hangga't kaya ko pangkalahatan ang makakaunawa nito.

Nakakamiss din magblog. Nakapagbalik-loob ako dahil sa mga blog na nabasa ko ng napakagagaling na mga tao. Ako na nga nahiya sa dati kong blog sa mga blog nila eh. Haha. Cool. Humorous. Original. Ganun sila. Gusto ko sana ishare sa inyong lahat kung sino sino sila kaya lang makasarili ako kaya sasarilihin ko na lang ang website nila. Ganun talaga. Oras ko ngayon, Kaya nga It's YOW time.

Oras ko ngayon at nasa teritoryo ko kayo ngayon kaya ako muna ang bida. This is my show, this is  my time --- It's YOW time. Nawa ay tangkilikin ulit ako ng piling mga taong tumangkilik sa akin date. Kung wala kang mapaglibangan, browse mo lang ang blogsite ko. Kung natatamad ka sa buhay at nawawalan ka ng pag-asa dito ka din dumiretso. Ultimo kahit ikaw ay taglib*g, dumaan ka lang dito pero wag kang umasa na magkakaroon ka ng sexual gratification sa pagpasok mo sa mundo ko kasi di mo makukuha dito ang pakiramdam na naidudulot ng vibrator o ng kahit anu pang pamparaos sa mundo. Purong blog ito kaibigan. Sana'y iyong magustuhan at subaybayan. Salamat.