1. Kung ikaw ay pasosyal, mayaman at magaling mag-ingles, maaaring ikaw ay malungkot sapagkat bihira ang salitang Ingles sa aking tahanan. Mahirap mag-ingles at magsulat ng purong ingles. Inaalagaan ko si utak ko at ayokong pagdaanan nya ang paghihirap tulad ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Ondoy. Pagdamutan nyo na ang aking maihahain sa inyo.
2. Di ako tumatanggap ng mga pagtuligsa. Gusto ko lahat ay papuri. Choks lang! Haha. Ang inyong lingkod ay bukas sa mga komento, kaya nga naimbento ang comment box mga ate at kuya. Maganda man yan o pangit, aprub ako jan. Wag lang offending.
3. Isang paalala, ang chatbox sa tagiliran ay hindi ang comment box. Maaaring mag-usap ngunit bawal naman magpaliwanag ng nararamdaman sa isang nabasang artikulo. Magusap-usap kayo sa chatbox mga kababayan, kung wala kayong makausap, bawat message baguhin nyo pangalan nyo tapos sagutin mo yung huling message mo. Wala namang basagan ng trip dito besides wala ding makakakita.
4. Sa nakakaalam ng facebook account ko, wag ka nga magcocomment tungkol dito sa blog dun sa pesbook. May nagbabantay. Mahuhuli. Mawawala ang blog pag nagkataon. Haha. Ingat. Dito na lang magcomment. Kadami espasyo dito para sa mensahe mo eh.. Tsk.
5. Kung may gusto kang ipalathala dito sa aking blog tulad ng mga pabati [birthdays, anniversary, monthsary, weeksary, rosary, orbituary], mga lathalain para sa nawawalang kamag-anak, aso o katulong, mga namisplaced mong kagamitan na gustong ipahanap, o kung labis kang mapagmaasim at gusto mo magpapost ng sarili mong blog entry, welcome ito sa aking tahanan. Ayus lang! Ibibigay ko sayo ang account at password ko tutal gusto mo eh. Hindi na lang ikaw ang magblog.
Yun lamang po mga kababayan. Sana'y ang mga ito ay magsilbing gabay sa bawat araw ng ating pamumuhay sa mundong ito. "Ang pagsasama ng TAPAT, ay sa jeep lang nagaganap."
No comments:
Post a Comment