Sunday, February 21, 2010

Wow! Bago..










Ang katamaran nga naman talaga ay sadyang mahirap paglabanan. Kaya ayun, isang sugod lang sa akin suko agad ako. Nagpatalo agad ako. Kaya naman ang tagal kong nagkaroon ng bagong blog post. Natambak lang sa drafts lahat ng gawa ko. Papagawa na talaga ako ng bago kaya lang nabore na ako sa old blog ko. Parang naramdaman ko yung kibot sa puso ko ng pangangailangan sa pagbabago kaya aking na lamang napagpasyahan na gumawa ng bagong tahanan at narito ka na nga at binabasa ito. :D



In fairness naman di ba? Gumanda yung bagong bahay ko. Kumpara mo sa date. Nagmukang pangmayaman. Aminado naman ako na may pinaggayahan lang ako pero at least nagawa ko at over ang improvement. Nageport ako kaya iappreciate nyo my dear kababayans. Thank you pinaggayahan.Ü

Yung last blog ko, yung yes yes yow eh masyadong nakaikot sa buhay ko at sa mga taong nakikiraan sa makulay kong buhay. Tiyak pag nabasa ni Edna Astron (imbentong pangalan; di ko kilala) yun, e di sya makakarelate. Kaya this time, hangga't kaya ko pangkalahatan ang makakaunawa nito.

Nakakamiss din magblog. Nakapagbalik-loob ako dahil sa mga blog na nabasa ko ng napakagagaling na mga tao. Ako na nga nahiya sa dati kong blog sa mga blog nila eh. Haha. Cool. Humorous. Original. Ganun sila. Gusto ko sana ishare sa inyong lahat kung sino sino sila kaya lang makasarili ako kaya sasarilihin ko na lang ang website nila. Ganun talaga. Oras ko ngayon, Kaya nga It's YOW time.

Oras ko ngayon at nasa teritoryo ko kayo ngayon kaya ako muna ang bida. This is my show, this is  my time --- It's YOW time. Nawa ay tangkilikin ulit ako ng piling mga taong tumangkilik sa akin date. Kung wala kang mapaglibangan, browse mo lang ang blogsite ko. Kung natatamad ka sa buhay at nawawalan ka ng pag-asa dito ka din dumiretso. Ultimo kahit ikaw ay taglib*g, dumaan ka lang dito pero wag kang umasa na magkakaroon ka ng sexual gratification sa pagpasok mo sa mundo ko kasi di mo makukuha dito ang pakiramdam na naidudulot ng vibrator o ng kahit anu pang pamparaos sa mundo. Purong blog ito kaibigan. Sana'y iyong magustuhan at subaybayan. Salamat.

No comments:

Post a Comment