Isa na nga sa pinakatinatangkilik ng mga Pinoy ang American Idol na ayaw tumigil kahit na ika-9 season na nila. Di naman Pinoy ang bida, todo panood pa din. Nakakatuwa nga yung iba na kahit di maintindihan ang mabilis na pagiinglis ng mga hurado at mga contestant eh nakikikaba pa din sa mga pangyayari sa nasabing show. Di na namamalayan na natanggal na o nanalo na yung pamato nila hangga't di nakikita na nag-iisa na lang sa stage.
Bagong season na naman ang American Idol at isa sa pinakaaabangan sa talent show na ito ay ang mga tirada ng mga hurado. Yung mga "I love it Baby" na tirada ni Randy Jackson na animo ba lahat ng contestant eh sanggol o di kaya syota ng negrong kano. Mga one-liner comment ni Simon Cowell tulad ng "That was brilliant" na may kahalong pambihirang accent na paurong dapat ang dila at may diin sa lahat ng 'T'. Sayang at nawala na ang uto-utong si Paula Abdul na konting taas lang ng tono, masayang masaya na at standing ovation agad sya. Sya lang ang ganun. Masyado lang siguro syang appreciative. Intindihin na lang. Pero bakit kaya siya nawala? Wag na lang tayong makialam.
May bagong pasok na judge ngayon, si Ellen
Anu't ano pa man, iba iba talaga ang hilig ng tao. Kung ano ang makahiligan yun ang magiging uso. Di na din ako magtataka kung sakasakali na sa darating na panahon, pati buahy ng Madre, paglaki ng puno at pag-iimbak ng pagkain ng langgam eh isa ng palabas.
No comments:
Post a Comment