Nung isang araw, ang buong mundo, kaisa na ang mga Pinoy ay nakiepal at sumali sa Earth Hour 2010. Sinimulan noong nakaraang taon ang Earth Hour kung saan ang buong mundo ay sabay sabay magpapatay ng mga ilaw sa kanilang tahanan upang makatulong sa pamamagitan ng pagkonserba ng kuryente upang mapigil ang lumalalang climate change (sariling isip lamang, wag pagtiwalaan).
Bilang responsableng mamamayan at anak ni Bro, of course, nakisali ang switch ng aming ilaw sa pangyayaring ito. Nakipatay kami ng ilaw mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi. Ilaw lang. Sagad na yun. Ilaw lang naman talaga ata ang pinapatay eh, di naman sinabi sa instruction na pati laptop na nagpefacebook, TV na nakatutok sa Pilipinas Got Talent at aircon na may collection of sapot. Sa pagpatay ng ilaw, nabalot ng kadiliman ang aming tahanan. Tanging ilaw sa TV ang nagsilbing aming gabay.
Bigla bigla na lang, parang naghahanap ng lasa ng halo halo yung lalamunan ko. Mag-aalas nwebe na ng gabi yun, pag nga naman lalamunan ang naghanap, hahamakin ang lahat, mapunan lang ang pangangailangan. Kaya lumabas ako ng bahay at nagpasama sa aking kapatid na bumili ng halo halo. Sa paniniwalang ang lahat ay nagpatay ng ilaw, hinanda ko na ang ilaw ng tora-tora phone. Pagkabukas ng pinto, booogsh, kaliwanag. "Lord, ngayon na ba ang takdang panahon?" ang bumulaga sa amin ng aking kapatid. Ang mga kapitneighbors ko pala eh walang alam sa nangyayaring dapat sana eh tulungan sa pagpatay ng ilaw. Buong bahay pa nila ay punong puno ng liwanag.
Pag kabili ng pagkaasam asam na halo halo, naglakad na kami pauwi ng aking kapatid. Tinahak na naman ulit namin ang isang kalsada na madilim dahil sa kulang sa poste ng ilaw. Dun namin naramdaman ang disadvantage ng magpakailanman naka'Earth Hour na lugar, napakadilim. Sa aming paglalakad, biglang:
Sissy: Ayyy... Shit!
Yow: Oh? Napano?
Sissy: [Tawa] Yuck! [Tawa more] Kadiri Dikong. [Tawa even more]
Ganun na lang ang naging saya ng aking kapatid sa kanyang naranasan. Biglaan kasing may malambot syang naramdaman sa kanyang sinelas. Kasabay ng malambot na pakiramdam ay ang pagkalat ng amoy sa paligid. Nakatapak ng ebak si Sissy. Ebak pa ata ng kalabaw. Yung malupit na malaki at malupit na brown. Ang hirap naman kasi ng walang ilaw. Agad tumakbo si Kapatid sa may gilid at parteng may semento at kinaskas dun ang biyayang kanyang natanggap. Nakauwi kaming may saya at maligaya.
Ilang SK Chairman na ang nakadaan sa aming barangay namin, di pa din nalagyan ng ilaw dun. Yun na nga lang ang gagawin nila eh, ang magpalit at magkabit ng ilaw. Umaksyon na dapat ang nasa kinauukulan kung hindi, baka ireport ko pa kayo:
"Ako po si Yow Co, residinti ng Brgy. Bagoong na Sikat, ang inyung citisin patrul."
No comments:
Post a Comment