Hell is extended 'till next week. Imbes na relak relak na lang sana eh magiisip ka pa para sa punyemas na requirement ni Saber tooth. Si Saber tooth na lagi na lang nagmamaasim at parating humahanap ng taong perpekto. Baka ikabagsak ko pa ang di pagpass ng crap book nya. Imba talaga ang linggong ito. Napakadaming ginagawa sa pangkatolikong paaralan na aking kinabibilangan. Madiwara. Madugo. Masakit sa ulo. Nararamdaman ko ng unti unti ng bumibigay ang utak ko na twice a week lang dapat ginagamit para magfunction ng maayos. Naghahang kasi pag palagi. Di ko pa napapareformat. May bayrus ata.
Punong puno ng examinations ngayoon linggo. Apat na bonggang major ang sumasalubong sa amin na pagsusulit. Salamat na lang at di naman na tinuloy ni Saber tooth at Ma'am Elma Muros ang kanilang cover to cover exams. At least nabawasan. Ang nagmaasim na lang talaga eh si Sir Marian at Sir Mood swings. Bukod sa exams may documentary pa kaming tinatapos at ang ayaw maglubay na thesis eh ipapass din. Gusto ko na lang matapos ang linggong ito at ng sumapit na ang kwaresma para makapagnilay-nilay na lang at abangan ang Ms. Gay sa aming barangay na isasabay pa ata sa araw ng santo-santo. Wala eh. Trip trip lang yan.
Gawa na nga ng pagkabusy ko kaya nagawa ko na lang biglang mag-ubos pa ng oras gumawa ng wa ents na blog post. Haha. Exam ko lang naman bukas sa dalawwang subject. Eh anu nga kasi kung bumagsak? Haha. Itatakwil lang naman ako ni Ermat at Erpat at lalaki akong walang aplido. Mag-blog na lang. Wala pang tuition. :))
No comments:
Post a Comment