sadyang madami akong napapansin na mga bagay na
kaigaigaya, kamangha-mangha at minsa'y kalunos-lunos pa.
Madami akong naging experience this past few days sa nasasakyan kong jeep. Pag-uuwi ako dito sa bahay, usually every weekend or kahit anung araw, di na ako pumupunta sa paradahan sa palengke at pag dun ka sumakay, nabulok ka na sa kahihintay ng kasakay mo, wala pa din, mabagal ka pa makakarating. So for practical reasons, para makatipid at mapabilis, Jeep ako sasakay. Usually, ang sinasakyan ko e Bongabon-Palayan na byahe kasi dadaan yun sa kanto namin.
Wag ng pahabain pa, eto na nga..
Simulan natin sa kaigaigaya.
One time, nagaabang ako ng Jeep sa Mabini.
Ayan na. May parating na. Nung malapit na, napansin at naisip ko:
Ay! Yung jeep e inlab. Pulang pula. Red all over. E di sakay na nga ako.
Pag pasok ko sa loob, pula din ang seats nya. Pulang dingding. Pulang kisame.
Kung kisame nga ba tawag dun sa jeep.
Di ko agad napansin pero maya-maya bigla ko din narealize.
Pitong pares pala ng mag-iirog, nagmamahalan at nagtutukaan na couple ang nasa loob.
May magsyota, may mag-asawa, baka may magkalive-in, may matatanda pa.
Eh namali ata ako ng sakay. OP ako, sanamabits!
Baka biglang mag-Lovapalooza silang lahat, magulat ako.
Magpapasko naman kako nung panahon na yun, balemtayms na ba?
Dumako naman tayo sa kamangha-mangha.
May kamangha-mangha akong naencounter sa pagsakay ko sa isang jeep.
May isang babae sa jeep, wag ka muna magisip.
Di siya kamangha-mangha dahil nakasakay siya sa jeep na nakapatong ang paa sa balikat
o ang tenga ay kaya niyang ipasok sa pusod niya.
Di rin siya nagpapangas dun ng buhay na manok.
Kamangha-mangha siya dahil sa kanya napunta ang TULALA Award.
E ganire nga.
Nagdala ako ng lunch para sa pamangkin ko sa school niya.
After ko siya mapakain, uwi na agad ako. At dun ako sumakay sa gilid ng school nya.
May paradahan dun yung mga jeep.
Pagdating ko dun, wala pang jeep. E di upo ako sa shed at naghintay.
Here comes the jeep.
Medyo mapuno-puno na agad, pagtanaw ko pa lang.
Sabi nung kundoktor, sa harap na lang daw ako.
Sa harap, may nakaupong babae, siya na nga yun.
Ang kalaban ni darna, ang original na BABAENG TUOD.
Pinagbukas pa ako ng pinto sa harapan nung kundoktor.
Eto na. Pagbukas, yung babae, walang imik.
Ayaw patinag. Ayaw dumasog.
Sabi ko sa driver, "Pwede pa po ba dito?"
Umoo naman siya. Naguusap kami, nakapagitan si Ate.
Mga 3 minutes din ang lumipas, di pa din siya kumikilos.
Gusto ko ng sumuko. At sa loob na lang sumakay.
Pero biglang lumingon si ne at napansin ang mga kakilala nya sa shed.
Nakipagusap pa siya. Yung maliliit na babae at natatakpan ko pa, napansin niya.
Ako na pagkalaking tao, deadma siya. Attitude!
Ayon! Finally, dumasog din siya.
Si Ate kaya e nakatulog na dilat na dilat ang mata?
O baka may nakita siya na hindi namin nakikita?
Ewan lang.
Panghuli. Ang binagyo. Ang kalunos-lunos.
Ang tagal na nito. At may participation si Best Angie ko.
I'll never forget this one..
Nakasakay kami ni Best Angie, of course, sa Jeep.
Punuan eh. Nung napuno na, umandar na siya.
Tapos may weird na lalaki sa tapat namin.
May dala siyang calculator. Bago ang calcu, take note.
Excited ata siya magamit yung calcu.
Kukunin niya ito sa box, pipindutin na parang may kinocompute.
Ibabalik ulit sa loob ng box. Pamaya-maya. ganun ulit.
Kuha. Pindot. Balik. Kuha. Pindot. Balik. for 3 times.
Eto na ang eksena. Nagsawa na siya sa calcu niya at binulsa niya.
Sabay kuha sa isang cellphone sa bulsa niya, kapalit ng calculator.
Hawak na niya ang phone. Yung cellphone na yun ay isang laruang pambata.
I think lahat tayo ay pamilyar dun. Pagpinindot ying keypad, magriring sya,
may sinasabi pa nga, at minsan pa e kumakanta.
Pinindot pindot niya yun sa loob na jeep.
Tila mo ba nakikinig sya ng music ng Slapshock at gusto pa magheadbang sa loob ng jeep.
Di na napigil ng mga tao ang emosyon.
Lahat ay nagtuon ang pansin sa kanya. Sabay sabay ngumiti.
At sabay sabay din tumalikod at yumuko para ikubli ang pigil na tawa.
Syempre, kasama kami dun ni Best Angie. Haha.
Sa jeep talaga madami ka mararanasan. Madami pang iba jan.
Sa sobrang dami, baka makabuo ako ng website.
Masaya din sumakay sa jeep.
Pag problemado ka? Sakay ka lang sa jeep.
Tapos bahala na ang jeep mag-alis ng problema mo.
Ne?
Sakay na... Paparapapa. Love ko 'to.
No comments:
Post a Comment