Ang ating mundo ay binubuo ng iba't ibang uri ng nilalang. May nakatataas, may mas mababa at may swabe lang. (Ganun sa mundo ko, wag na lang kumibo kung iba kinabibilangan na mundo.) Noong ako'y bata pa at nag-aaral ng elementarya dito sa aming lugar, lahat ng kasing kabataan dito ay kilala ko at kaibigan ko. Nagbago lang lahat nung kabod nagdesisyon si Maderdir na ilipat ako.
Nung grade 5 na ako, inilipat ako ng eskwelahan ni Maderdir. Kesyo maganda daw ang turo dito kesa doon at para magkasama na kami ng bunso kong kapatid. Madami ako binitiwan nun at di bukal sa puso akong lumipat. Simula nun, nawalan na ako ng kilala sa lugar namin. Yung mga dati kong kaibigan at kaklase, parang di na ako kilala. Nakalimot bigla dahil "pangmayaman mag-aral sa bayan", sabi nga nila. E di ayus pala, nag-aral lang ako sa bayan, at iniwan ang baryo madlang pipol eh kabod na pala ako naging milyonaryo sa mata nila.
Makalipas ang ilang taon, tumuntong na ako ng hayskul. Nagbago na ang lahat. Nagsipagbinata at nagsipagdalaga ng bahagya lahat ng kaedad ko pati na ako syempre. Pero hindi si JC. Si JC ay isa sa naging kaklase ko nung elementarya na kapitbahay pa namin. Huli na sya ng pag-aaral at mas matanda pa sa ming mga kaklase nya nung mga panahong iyon.
Siya ang tinatawag naming Master JC ng aking bunsong kapatid. There's something special about Master JC. Kaya pwede mo na sya iclassify as special child. Amp. Hindi na sya nag-aaral. Nakatakutan na daw ata ang eskwelahan pagkagraduate ng elementary. Baka pinanghawakan nya yung kwento na lahat ng eskwelahan eh dating sementeryo. Kaya ayon, pinagtayo na lang sya ng sari-sari store ng kanyang nanay. Successful ang tindahan ni Master nung ito'y nagsimula. Sa gabi, madidinig mo sa tapat ng bahay ang joking session ni Master sa tambay ng kanyang tindahan. Joking sessions na lahat ay tinawanan. Tinawanan nya magisa. He has din weird laugh na dinaig ang tawa ni Mr. Bean. Sa tuwing maririnig mo ito, suya ang mararamdaman mo. Bumili ka sa kanya at pag susuklian ka ng mamiso, ihihilera pa sa harap mo isa isa yung piso. Yung tipong taeng-tae ka na tapos di sya papipigil na ihilera ang piso at bilangin ito isa isa sa harap mo kahit nabilang na nya yun pagkakuha pa lang sa kaban ng pera nya. Ito ay ilan lamang sa mga gawain ng tunay na master.
Humantong sa pagkalugi ang negosyo ni Master. Gamit ang kanyang creative mind, nagisip sya ng maaring gawi para kumita. Gamit ang talento sa pagguhit, nagdrawing sya ng mga cartoons, usually ay si Sailormoon o di kaya ay si Miyaka. Pinaxerox nya ang mga drawing nya at ibinenta ng dalawa piso. Coloring book pala ang gusto ng loko. Pumatok naman daw ang idea nya sa mga batang isa pang loko-loko. Nung isang araw lang, nakita namin si Master. Sarado na ang tindahan nya. Kaya nakikibonding na lang sya sa tomboy na nakatambay sa harap ng tindahan nya na ngayon ay sarado na. Nakakatuwang isipin na ang tagal na ng panahon pero di pa rin sya nagbabago. Sya pa rin si Master JC na nakilala namin ng aking kapatid. Nung mga panahon na nakita namin sya, nagpapakitang gilas sya sa tomboy at pilit nyang itinutulak ang poste para bumuhal. Yan! Yan si Master JC.
No comments:
Post a Comment