Monday, March 15, 2010

Linggo ng Pagkabuhal part II

I have a blog entry sa isa kong blog telling a sunday mass story na may eksena. Sa lahat ng nakabasa nun, nabasa nya yun. Tungkol yun kay Fr. Dante, isang pari ng aming cathedral na bigla na lang bumuhal sa gitna ng kanyang pagmimisa paharap. Twembang kung twembang ang eksena. Naalala ko pa yung pagkagusto ko nun na tumakbo sa taas ng altar para tulungan sya. Sa pagsisimula ng misa hanggang sa bago sya bumuhal, kakikitaan na talaga sya ng pagod at di magandang pakiramdam. Punas dito, punas diyan sya ng pawis. Hindi na rin nya naipalawig pa ang kanyang homilya. Naging memorable sa amin ang misa na yun kaya naikwento ko sa blog ko.


Kanina, imbes na manood ng Packy vs, Clutti na laban, minabuti naming magmisa. Yun naman ang lagi naming ginagawa. Kasama ko ang kapatid ko sa pagsisimba. Pagdating namin sa katedral, patapos na ang unang misa sa panghapon. Kaya naghintay na lang kami ng susunod na misa. Natapos ang misa at nagsimula ang misa na aattendan namin. Maganda yung takbo ng misa, maganda ang message ni Father.


Sumapit na ang punto pagkatapos ng communion. Dun na matatapos ang misa. Konting paalala na lang at uwian na. Nakaupo ang lahat. Tahimik. Nagsalita ang commentator:


Commentator: "Malugod po naming ipinaaalam sa inyo ang pagkawala ni Reb. Dante Ga****. Noong biyernes lamang po ay binawian sya ng buhay at masaya ng kapiling ng ating Mahal na Panginoon. Ipagdasal po natin ang kanyang kapayapaan."


Nagulat ako. Kami ng kapatid ko. Sa balita ng commentator. Malugod pa daw. Nalugod si kuyang commentator. Natahimik kami bigla at inalala ang pagbuhal nya nung dating misa. Di na kinaya ni Father ang sakit. Tuluyan na siyang ibinuhal nito. Nalungkot kami sa balitang iyon kaya pagkauwi ay nagbahagi kami ng kalungkutan sa aming nakatatandang buntis na kapatid. Expected, nalungkot din sya. At nasobrahan ata. Madedepress pa ata. Mga buntis talaga eh.. Amp.


Rest in Peace Father Dante.
Thank you sa paglalapit sa amin kay Papa Jesus.

No comments:

Post a Comment