Sunday, November 14, 2010

Multi-awarded.

Usong uso ang mga blog awards ngayon na kinakalat at ipinapasa ng mga blogger. Ipasa mo ang award mo ang tema nito at parang yung nausong chain message noon sa text. Ang kinaiba lang, hindi kasama sa rule na kapag hindi mo pinasa ay mamamatay ang mahal mo sa buhay o kapag pinasa mo naman ay mahahalikan ka ngayong gabi. Meron din namang solid na award akong nabasa na hindi pwedeng ipasa sa iba via blutooth o kaya e text message kahit unli ka pa. Mahitik ang bigayan ng award ngayon sa blogosphere as a sign of appreciation ng award giving bodies (bloggers) sa mga tingin nila eh magilas na (kapwa) blogger. Minsan na din akong kunwaring na-appreciate at mapalad na napansin ng isang sikat na Jepoy kahit na ikinasira ng career niya ang pagbilang sa akin sa prestigious award shit niya. That's what you get biatch! Pero I am grateful pa rin sa malupit na acknowledgement na naibigay sa akin. Maraming salamat din sa award from Ate Leah at Kiko sa pagtanggap ng suhol at ibilang ako sa kanilang listahan ng peborits. :) Naipadala ko na ang bigas at mga kakanin sa address na binigay niyo. Thank you pf0eh! :)


Bukod sa mga nabanggit, madaming award na rin ang tinanggap ko dala ng aking sipag at tiyaga. Tulad na lang nung elementary pa me, nakuha ko ang 'Most Industrious' ribbon na kulay neon green dahil sa sipag ko sa pagtitinda ng barbecue, spaghetti, palabok, at mga pastilyas na paninda ni Ma'am. Wala rin kasing nakapantay nun sa aking gilas sa paglilinis ng banyo pati na rin sa voluntary na pagtitinda ko sa school canteen. At ako na nga ang nagwagi, ang sipag sipag ko. :) Akala ko estudyante ako, helper pala pinasok ko. Nakakahiya naman sa tuition fee.


Recently, nakatanggap ako ng mga bagong awards bukod sa mga nabanggit ko na sa first paragraph. Hindi naman sa pagmamalaki pero I think, well-deserved naman ni Yow ang mga natanggap na awards. Ako na! Oo, ako na nga! At eto na sila:

  1. BEST in HIATUS award - Hindi na ako nagtaka nung natanggap ko ang award na ito. Ako lang naman ang blogger na biglaang nawawala ng one to two weeks ng walang abiso sa 5 kaibigang nagbabasa ng blog ko (shet! i'm so pemous). Eh bakit ba kasi? Nanay? Magulang? Nagpapaalam dapat? Malapit lapit na mag-isang taon ang Its YOW time and I am proud to say na 3/4 ng buong taon na yun eh hindi ko inupdate ang blog ko. Busy busyhan din kasi at hindi maisingit sa schedule. Dinadaig ko ang OFW kung makapaghiatus at kung makaclaim na ako eh busy sa buhay. Pagbalik ko kanina eh nasabit sa good-looking face ko ang mga sapot dito sa bahay ko. Like there's so many sapot and agiw like euw then its so dirty na telega! Sorry naman. Thank you for this award. :)
  2. LIBOGLESS award - For the second time, hindi ako nabigla nung natanggap ko ang award na to. Wholesome ang blog ko tapos mabuting tao at malinis ang puso ng Yow na may-ari kaya walang naiisip na kamunduhan na literal. Nung nagets ko kung para san ang award, lalo ako natuwa dahil akong ako nga. Ako na! Para pala ito sa mga blogger na walang mai-blog dahil nawawala ang libog sa pagbablog. Ang sarap at ang saya magblog pero dumadating talaga sa point na bloggers fall out of libogness sa pagbablog. Sa katulad ko pang responsableng estudyante, (FINE!) medyo responsableng estudyante na madaming ginagawa at madaming iniisip, di ko na maisingit ang pag-iisip ng salitang itatype para mabasa ng limang tao. Sumasabay pa ang shitty problems na meron ang mga taong nadadarang at natutukso din eh wala na, nadepress na ako. Lalong nawala ang libog. Ang hirap pa naman magsulat ng may nararamdaman dahil nagrereflect sa sinusulat mo kahit ang saya ng sinasabi mo. "Nadapa si Juan at nangudngod sa ta* ng kalabaw na may bubog in it. Ahuhuhuhu." Nagrereflect nga di ba? Sorry naman. Pero THINKSYOWBEYRIMATS sa award. :)
  3. MAKA-JUAN award - Nagulat ako nung natanggap ko to, I was like WHAAAT?! Arte? Oo, kasi naman hindi ako makabayan, hindi nangingibabaw ang nationalism sa aking puso at isipan, at isa akong unregistered voter (sa lahat ng uri ng election :] rakenrol). Nung maliwanagan tungkol sa parangal, natuwa naman ako napansin ang katangi-tanging talent kong pagiging tamad. Naubusan kasi ako ng maintenance para sa sakit kong Katamaranism Syndrome. Per hour ang atake at fatal na nga ata ito kaya lagi na akong tinatamad. Sobrang hirap labanan ng katamaran lalo na sa katawang may kapaguran daba? Lagi akong pagod therefore lagi akong tinatamad mag-isip. Tapos depressed ka pa, tapos tigang ka pa. E di wala ng pag-asa ang buhay ko. Sorry naman. :)
Sa nagbigay ng award, maraming salamat at nagkapost tuloy ako ng panibago. Alam kong masusing pinag-aralan kung sino ang karapat-dapat at talagang napili akong manalo fairly. Sa aking five readers, pasensya na kung bihira magpost. Wag na lang kayong magsasawa na bumalik balik. Makapagnilay-nilay nga sa magagandang site dito sa web para magbalik ang libog ko sa lahat ng bagay. Sabi nila madami daw nakakagana dito eh, kasi ako wala talaga alam tungkol sa mga pampagana at pampalibog (sa blog) na yan. AS IN WALA. Thank you ulit sa anonymous blogger na nagbigay ng award. Ayaw pa niya magpakilala pero bibigyan ko kayo ng clue. Sa kanyang pangalan ang huling tatlong letra na makikita niyo at the end of this post. Pak na pak na pak siya! Thank you... :)


42 comments:

  1. Yow.. Hindi pa dumarating yung isang sakong bigas at mga kakanin... Baka "return to sender" yun. LOL...

    Congratulations sayo at Multi-awarded blogger ka pala. Natawa naman ako sa LIBOGLESS AWARD. Ehehehe... Meron pala nun?? =))

    Sige, congrats ulit. =)

    ReplyDelete
  2. naaliw naman akoh sa post moh... dahil dyan.. i'll follow u... oh yan.. anim na ang magbabasa sa blog moh... lolz... sige... sumakit atah mata koh sa font moh.. haha... or kanina pa kc akoh basa nagn basa... sige.. ingatz... Godbless!

    congratz sa awards moh nd may u have more entries to post... lol =)

    ReplyDelete
  3. awww.. hangcute.. babackread sana akoh sa nang mga entries then nakitah koh ung EB pixs moh w/ kina jepoy, glentot nd kikilabot.. hangsaya naman... hoping to meet 'em too in d' future... sige... sikat ka na ren palah kc nameet moh na ang mga wafung sikat... lab lab koh ren yang mga yan eh... sige ignatz... Godbless!

    ReplyDelete
  4. @Ate Leah: Wow. Bumebase. Haha. Dadating din yun. Palay na ulit siya pagdating sayo. Haha. Well, ako din may gawa eh. Wala naman ako katinuang alam. Haha.

    ReplyDelete
  5. @Dhianz: Sana mahilig sa 'Z'. Haha. Thank you. At least hindi na lang kapamilya ang nagbabasa. :) Salamat salamat. :) Balik ka lang.

    Hindi naman ako sikat. Sila ang sikat. Haha. Nakikiepal lang ng meet yun. :)

    ReplyDelete
  6. yow,,hehehe andami mong awards pahingi hehehe ako nga isang taon na ko sa blogging 2 lng award ko hehehe sa isang blogger pa hehehe..


    gusto ko ung libogless award hehehe

    ReplyDelete
  7. Naks ang daming awards!Sumisikat na si YOW!iKAW NA!

    Hahha, hayaan mo na kahit hindi gaanong kagandahan ang mga title mo at least sikat ka!heheh

    Ingat pre

    ReplyDelete
  8. o sya sige na...
    gratzzzzzzzzz s mga award hahahaha
    tsikat ka na! syet.. pa-autogrph nga..
    dagdagan mo pa ng onti pang award para maging awards club ka na.. anu daW? ewan ko di ko rin naintindihan nyahahahaha

    ReplyDelete
  9. ikaw na ang sikat!!! woooooooo congrats!

    ReplyDelete
  10. di mo bigyan ng award sarili mo!hahaha...di ko alm n minsan kang naging helper sa school.skolar?hahaha!!!

    humahiatus!fine kaw na sikat...at wag kng mgkunwaring wla kang libog(hnd blog snsabi ko!) plastik ka!!!hahaha

    ReplyDelete
  11. naks. award winning!!! ako nga, limang taon nang blogger, la pang nakukuhang award. kahit galing sa sarili ko. hehehe

    ReplyDelete
  12. LIBOGLESS award???kung ako makakatanggap nito ang mararamdaman ko siguro e yung feeling na gutom ka na natatae. yung di mo alam kung anu uunahin. hahaha. hirap nyan. parang mas gusto ko pa ngLIBOGfull award. mas fun. bwihihi

    ReplyDelete
  13. Naks daming award!!! ikaw na! bwahahaha...

    LIbogless award?? hmmmm.. ok cge na nga hahaha

    ReplyDelete
  14. tinamaan ako sa mga awards mo..deserving din ako dun ah!de sige sayo na!!

    ikwento mo ung pagbebenta mo sa iskwelehan na hindi namin mapaniwalaang nangyari pala talaga!

    ReplyDelete
  15. naks sikat ka na yow. oh yeah dami award. haha

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  16. @Rico: Eh kagaguhan lang yan. Madami akong awards galing din sa akin. Haha. Sige, libogless award awardee ka na din. Haha.

    @Drake: Naku naman. Lilima nga ang mambabasa eh. Haha. Di ako sikat. Gawa gawa lang yan. May maipost lang.

    @Yanah: Ako lang din may gawa niyan. Haha. Sana nangbara ha? :) Hehe.

    ReplyDelete
  17. @Chinggoy: Kunwari lang po yan. Salamat sa pagdaan. :)

    @Hartlesschiq: Yung totoo?! Naconvinced talaga na totoo to? Haha. Pambihira.

    @Ungaz: Yung ibang comment naman akala ata eh totoo ang awards. Haha. Ikaw lang nagbanggit na ako lang din gumawa. Haha. Pambihira! Libogless talaga ako teddy. Haha.

    ReplyDelete
  18. @Gillboard: Eh eto na ang time para gumawa ka din ng award mo. Haha. Di naman mapapantayan ng award ang limang taon na yun eh. Etong akin eh kautuan lang. Haha.

    @Pusang-kalye: Sa pagbablog lang naman eh. Ayoko din mawalan nun. Haha. Sayang. Palaban ata to. Ne? Haha.

    @Poldo: Wala ka ng magagawa. Haha. Ako na yun.

    ReplyDelete
  19. @Greta: Nakalimutan ko nga i-note na tayong dalawa pala dapat at eto din ang mga excuse mo. Haha. Sorry naman.

    @Kikilabotz: Di kaya. Ikaw ang sikat eh. Joke lang to skip reader! Hmp.

    @Bulakbero: Well. Mapagpanggap na sikat. Haha.

    ReplyDelete
  20. nyahaha... ikaw na talaga ang may mga petiks na Award...wahehehe...

    ReplyDelete
  21. naks! Ikaw na ang may maaward award! ahahahahahah... daming award... Ikaw na ang valedictorian sa blog! lol

    ReplyDelete
  22. @Kiko: Ako na nga. Haha. Ang sarap kaya ng pumepetiks.

    @Xprosaic: Ako na nga! Haha. Para namang napakahusay ko magblog. Haha. Nahiya naman tuloy ako sa post na to.

    ReplyDelete
  23. Dami mong award nahihiya na tuloy kami humanay sayo, pahaplos nga ng panyo!!! Hihi. Hoy kayong tatlong kumag kumusta na kayo kelan kayo luluwas uli.

    ReplyDelete
  24. Kakatouch naman si Dhianz tinawag akong gwapo at sikat!

    ReplyDelete
  25. ganda ng libogless award. ikaw na ikaw :D

    ReplyDelete
  26. hindi ako sikat yun lang.

    Che!

    Ikaw na ang sikat! Ikaw na ang madaming award...

    ReplyDelete
  27. @Glentot: Oo na! Ako na poon. Mukha kaya akong santo niño! Haha. Luluwas ako sa sunday. Ako nga lang wala yung dalawa at hindi iyon para makita ka IDol. :)

    ReplyDelete
  28. @Khanto: Naman! Wala kaya akong kalibog libog sa katawan. Haha. Conservative ang Yow. :)

    @Jepoy: Ikaw nga ang sikat eh. Sikat na emo... DAHRRR!

    ReplyDelete
  29. late ako..natraffic sa may kanto!!!

    wow multi awarded! kongrats!! gusto ko din ng libogless award..karapat dapat ako don db?

    ReplyDelete
  30. Hmmm, congratulations! I'm don't constantly visit yer page but each time I do, I always get hooked. So I guess you deserve all of these awards, sir! Keep up the good work! :]

    ReplyDelete
  31. gusto kong rin mabigyan ng libogless award...yung literal..ahahhaa..kasi di ba? ang linis linis ng mga sinusulat ko....para lang religuous...nakakahiya naman sa mga hypocrite? ha ha ha..


    pa frame mo to..sabit mo kasama mga medals mo..lols

    ReplyDelete
  32. Libogless award? Meron talaga nun? Gusto ko ng award na yun. :)

    ReplyDelete
  33. haha! multi-awarded nga tlga.. Tinalo mo pa si Papa Piolo sa awards mo.. keep it up pre! Kudos!

    ReplyDelete
  34. magawan nga din ng award ang aking sarili.
    pero ang tindi ng mga award. di naman masyadong pinagisipan.

    ReplyDelete
  35. Para talaga sa iyo ang BEST IN HIATUS!! Ikaw na iyan! Ikaw na! Hindi naman halata e!! LOLOLOLOLOLOL

    p0kw4ng - karapat-dapat ka talaga sa LIBOGless award!! Ikaw na rin iyan!! Idol!! :D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  36. MULTI-AWARDED NGA! :P

    http://traveliztera.blogspot.com/2010/11/awards-and-recognitions-where-is.html
    congrats =p

    katawa nung mga awards mo pre. hahahahahha!!!

    ReplyDelete
  37. @Ate Powkie: Ahh.. Eh.. Libogful ka kaya. Haha.

    @iProvoked: Naks. Nakakatouch naman yun. Salamt salamat. Balik lang po kayo. :)

    @you know my name: Joke lang re. :)

    ReplyDelete
  38. @Maldito: Haha. Yun nga. Dapat sinasama sa basic catechism yung mga sinusulat mo eh. Haha. Walang bahid ng malisya.

    @Salbehe: Wala. Ako na awardee. Pagisipan ko pa kung pwede siya ipasa sa 15 na blogger. Haha.

    @Behn: Eh joke lang naman re. Sana nga totoo. Haha.

    ReplyDelete
  39. @Diamond R: Tama! Haha. Masarap din maawardan kahit sarili mo lang may gawa. Haha.

    @Michael: Haha. Naman! Akong ako yun. :) Sorry naman na.

    @Traveliztera: Salamat sa award. Pero di ko sure kung versatile nga ba me. Haha. Pero salamat ng sobra. :)

    ReplyDelete