Sunday, November 21, 2010

Dearest Ama,

Kamusta na kayo diyan? Recession pa din ba sa US to the A? Oo na, ikaw na ang may driver's license sa ibang bansa. Ikaw na din may green card! Pambihira ka naman oo, bigla ko kayong naaalala kapag nagagawi ako sa channel 2 at palabas ang FPJ Cinemas. Fanatiko ka kasi nun eh at tandang tanda ko pa nung sinama niyo kami ni Zetlog sa movie date niyo ni Maderdear ng Pakners! starring FPJ and Efren "Bata" Reyes. A family that watches FPJ film together stays forever. Namimiss na namin kayo ni Nanay. Arte much?


Look-alike ko daw siya. :|
Apat na taon na tayong hindi nagkikita, mukha na akong artistahin ngayon kaya pasensya ka na kung hindi ko na mapagbibigyan ang hiling mo na i-claim ko na magkamukha tayo. Maliligo ka na kasi araw-araw para makahabol ka sa akin ng konti. Konting ihip ng hangin lang kasi eh urong-betlog ka na at takot na agad sa tubig. Ihipan mo sa gabi, nakatalukbong ka na agad. Wag ganun, pano na lang ang iniingatan mong macho-gwapito image. Namimiss ka na din pala ng mga katong-its mo at kainuman. Wala na kasing gumigiling sa saliw ng musika ng Touch-by-touch kapag kinakanta dito sa baryo. Di na ako nagtataka kung bakit makislot din akong tulad mo.


Naalala mo ba nung birthday ng kaklase ko nung grade 3 me Paderdear? Nagpaalam akong pupunta ng bukid nun para makikain ng sopas at spaghetti at pumayag ka, May bilin ka lang na wag kami sa pilapil dadaan kasi araw ng mga ahas nun at sumagot ako ng may ngiting oo. Sa sobrang sarap ng sopas, nakalimot ang Yow at ng magkaayaan sa bukid eh sumama ako agad. Di naman pala totoo ang araw ng mga ahas. Panakot mo lang yun. Isang lasing na Tasyo naman kasi ang humabol sa amin sa pilapil at hindi ahas. Hanggang ngayon naguguluhan ako, siya ba yung ahas na sinasabi mo? May isyu ka kay Tasyo paderdear? Pambihira! Di ko makakalimutan ang tagpo na yun dahil sa kakamadali ng takbo sa pilapil dahil sa paghabol ni Tasyong ahas, nadulas ako ng solid sa putik at ginawang kamang malambot ang palayan. Parang ang tanga ko lang? Nakatakas kami nun kay Tasyo pero nakauwi akong nakataong-putik festival costume.


Ano? Naalala mo na ba? Eto pa kadugtong. Pagdating ko sa bahay, madilim na at laking tuwa ko na parang silhouette ni Lola ang natatanaw ko sa malayo sa ating terrace. Yes, nakaligtas sa pagalit mo. Paglapit ko sa pintuan, nalinawan na ako na ikaw pala yun at handang sumalubong sa akin. Kung makayuko ka naman kasi, daig mo pa may osteoporosis sa malayo. Nagulat ka sa itsura kong putikan at nagalit dahil halatang nagpunta kami sa pilapil. Hindi mo na ako pinagpaliwanag that time at inassess kung may kagat ako ng ahas o senyales ng pagkalason. Kabod mo na lang ako hinila papuntang kusina at initsa kay Nanay. Naks.. Answeet. :) Kill Bill na ang mga sumunod na eksena. Yung totoo? Nagalit ka ba o nagpoot sa pagtawid ko sa pilapil? Di ko sure kung galit ka that time dahil binabato mo na ako noon ng bote ng suka, toyo, paminta at bawang. Naputikan ako, hindi ako adobo! Nung naubusan ng ibabato, binuhat mo na yung electric fan at nagbantang ipangbabambo sa akin. May galit Kuyang? May galit? Bute napigilan ka ni Nanay, pinakalma ka at pinalayas sa kusina. Ang nanay naman nung wala ka na, sinikmuraan ako na parang suntok na walang bukas. Matapos ang buwis-buhay na stunts, tsaka niyo ako pinaligo. Nung nakita ako nagmumukmok, sinuhulan niyo ako nun ng singkwenta at pinabili ng halo-halo at flying saucer. Nakakatouch... I suggest, tigilan na ang panonood ng FPJ ha? Masyado na kayong nagiging action star. 


Di niyo man lang nakilala si Bebe, Ama. Naging kami at naghiwalay ng wala kayo. Isang fiesta dito sa atin dati, for the first time may pinakilala ako sa inyo noon. Pagkapakilala, nagwalk-out ka at pumasok sa loob ng bahay. Akala ko nagalit ka at nadisappoint, nun pala nanghaltak ka na naman ng taong kumakain at pinaharap sa amin. Ipinapakasal mo na kami sa bisita nating pari. Pwede naman Paderdear eh pero... atat dapat? Atat? Di ko tuloy maipagsabi na strict ang payrents ko. Isa ka pa kasing ipinangbubugaw ako ultimo sa tindera ng grocery ni Robot.


Namimiss ko na talaga kayo. Magpapasko na naman na wala kayo dito. Dinadasalan pa lang ang pagkain nung huling Pasko mo dito, nakanguya ka na agad at namamapak ng lechon. Nawalan pa ng bulaklak ang roses natin na tanim kasi napitas mo na pala agad at binigay mo kay Nanay nung Merry Christmas na. Kunwari sweet? Pfft. Kapayat mo, wala kang glucose sa katawan no. Basta pagipunan mo na ang paguwi mo dito at gagraduate na ako. Salamat sa tulong niyo ni Nanay sa akin. Ibabalik ko yun pag ako nagkatrabaho. Yung diploma ko? Yun na lang ang regalo ko sayo ha? Happy Birthday Ama. Yow loves you. :)


_________________________________________________________________________________________
Yung totoo? Madrama dapat ang post? Nakadraft na to kasi dati para sa bday ng tatay ko last November 1. (*Nakakabilib ka kapag umabot ka dito.*) Nakita ko na lang na hindi ko pala naishare. Kaya ngayon na lang. Parang nalate lang ng bahagya ang bati. Sorry naman. :) 

36 comments:

  1. Wow.. sa totoo naluha ako sa entry mo na toh.. lalo na dun sa last part.. ang swerte-swerte mo at and swerte ng tatay/mga magulang mo sayo. nakakainggit.. meron kang mga memories na binabalik-balikan..

    happy birthday kay tatay mo!
    more blessings to come sa kanya..

    i love your post! pramis..!

    ReplyDelete
  2. Wow naman! nakita ko naman ang effort mo na magdrama.... ayos naman... your almost there.... hahahahahhaha... pero syempre happy birthday pa rin sa ama mo... hehehehehe

    ReplyDelete
  3. Naman! Buti pinigil sya ni Inang mo sa paghagis ng bentilador! Sayang kasi yung bentilador... Ikaw naman kasi not following instructions! Ang ibig sabihin ng Huwag Pupunta ay Huwag Pupunta hindi Pwedeng Pumunta Kebs Lang... Kung ako ang tatay mo papatayin ko lahat ng gripo sa bahay ng ilang araw para hindi ka makapagbanlaw.

    ReplyDelete
  4. natuwa naman ako sa post mo, namiss ko tatay ko bigla! happy birthday sa tatay mo yow!

    ReplyDelete
  5. umabot ako sa dulo ng hindi nagskip read :) nkakamis din magbasa ng ganitong post.

    happy birthday sa tatay mo! :) at sana hindi mo sya bigyan ng sakit ng ulo :)

    ReplyDelete
  6. Naks ang swet ng YOW!!!! belated happy birthday kay AMA!! dadating din ang panahon e magkakasama din kayo lalo na sa pagcelebrate ng pasko... ikaw naman make them proud! GOW!

    Si erpat ko naman nasa dubei kaya di ko sya namimiss hahaha...

    Belated kay padir mo!

    ReplyDelete
  7. Happy Birthday....... Sa father mo.

    Mukang hindi lang father mo ang fanatic sa fpj movies. Kahit father ko at father ng mga friends ko.

    ReplyDelete
  8. Happy Birthday kay Erpats mo!!! Hindi ko ma imagine kung ano ang itsura mo ngan kung tinamaan ka ng bentilador, lalo na kung ung stand nya ang tumama sa nguso mo. LOL

    Bilisan mong grumaduate para maka sunod ka narin sa US of A tapos padalhan mo me ng gummy bears.

    Kthanksbye!

    ReplyDelete
  9. aaawww...sweet!Don't be sad.Malapit ka nang umamerica at gumreen card...Magsasama na kayo sa USA.Cge unahan nyo na ko umabroad!!!Pambihira!!!!Ipetisyon mo ko!hahahaha

    ReplyDelete
  10. Waw. Nag-aala-maalala mo kaya ang Yow. Bilisan mo nang gumraduate ng makasunod ka na sa paderDear mo, baka hindi lang adobo ang abutin mo dun, mga tipong steak au poivre na!! LOLOLOLOLOLOL. Lelevel up na ang paderDear, hindi na FPJ, mga tipong Sylvester Stallone na!! :D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  11. wow... kabait na anak.

    belated happy bday sa ama mo.

    ReplyDelete
  12. sweet!alam kong may pinaghuhugutan ka dahil naiingit ka at andito na ang mudak ko..nyenye!

    mejo narealize ko sa putik/ahas/tasyo eksena, may pagka battered child ka pala neh?

    ReplyDelete
  13. wow ito ang tunay na sweet sa erpats.. bigay pugay at saludo ako sayow... wahehehe

    ReplyDelete
  14. walang halong bitterness ang post... walang halong poot at galit sa nakaraan... hehehe

    I feel you though.. been there done that... but love em now...

    ReplyDelete
  15. congratulation sa papa mo may mabait siyang adobong anak. hehe.

    happy bday sa erpats mo yow

    ReplyDelete
  16. Alam mo malambot talaga ang puso pag usapang magulang at pamilya ang pinag-uusapan, hehehe

    Happy birthday sa tatay mo, alam ko namang proud sya sa iyo kasi wala naman syang magagawa eh, anak ka nya!Hahahah!

    Sana dumating ding ang araw na magkasama na kayo! Heheh!Magtapos ka na kasi sa pag-aaral para mapakinabangan ka man lang!hahah

    Ingat

    ReplyDelete
  17. :)

    la na dapat sabihin pa about this post.

    belated happy birthday sa paderdear mo!!

    ReplyDelete
  18. Belated happy birthday sa iyong Paderdear. :)

    ReplyDelete
  19. inabot ko naman hanggang wakas. kaaliw ka talagang sumulat hane? :D pupunta ko cabanatuan sa 29. hihihi. wala lang, nakwento ko lang. magdudupinga kami e. dun ang meeting place. :D

    belated kay AMA. :)

    ReplyDelete
  20. balated happy bday sa papa mo! apir kami dahil panatiko ako sa mga old skul movies ni fpj. hahaha

    ReplyDelete
  21. kala ko patawa ang mga nakasulat.. pero masnakafocus the entry sa pagkasabik mo sa ama mo! happy bday kay papaderdear mo

    ReplyDelete
  22. ang sweet yow!!! hug kita...lapat boobs,hihihi

    naalala ko tuloy ang fudra ko...ayun wala na at atat ng makipag sabong sa manok ni san pedro eh,hihihi

    ReplyDelete
  23. @Yanah: Grabe naman. Napaiyak pa pala kita. Yes, I am lucky and blessed. :) Salamat ate. Minsan lang may makaappreciate ng post ko. Haha.

    @Xprosaic: Hindi naman ako nagdrama eh. Haha. Kaya nga happy eh, happy birthday dapat. Haha. Namimiss ko lang ang tatay ko. :) Salamat.

    @Glentot: Naawa ka pa sa fan? Pambihira! Bute na lang hindi ikaw ang Paderdear ko. Well, eh di kaliit kong tao kung nagkataon. Nyahaha. O di ba? Warakan ng pagkatao. Haha/

    ReplyDelete
  24. @Artiemous: Salamat ikakasala na Koya. Haha. May sense pala to? :)

    @Roanne: Naks.. Haha. Salamat. Boring kasi basahin, alam ko. Sana kasing galing mo ako magsulat. Haha. Mabait kaya me. Haha.

    @Xander: Thank you. :)

    ReplyDelete
  25. @Poldo: Swet nga ako. Haha. Kabod na lang kasi ako tumitirada ng pagkamiss. Haha. Salamat. :)

    @Khanto: Kaya nga. Haha. Lahat na lang. Tignan mo nga't nadadamay pa kami sa panood ng pelikula. Haha. Todo suporta pa yun nung tumakbong Presidente ang FPJ.

    @Ungaz: Di pa nga sure yun. Haha. Nakakamiss lang ang buong pamilya. Huhu. Arte much? Haha. Salamat.

    ReplyDelete
  26. @Michael: Anu daw? Haha. Kung anu mang steak yun, di pa ako nakakakain nun. Sorry naman. Mangmang lang. Haha. Wala, solid na FPJ talaga siya. Haha.

    ReplyDelete
  27. @Bulakbol: Haha. Parang totoo? Salamat. :)

    @Greta: Haha. Di naman halata na ang pagkainggit ko nga ang nagudyok sa akin para ipost to. Haha. Pambihira! Salamat.

    @Kiko: Pag kasi nalayo ka talaga sa magulang mo, you'll realize kung gaano kahirap na wala sila. Haha. O di ba? Nagdrama. :)

    ReplyDelete
  28. @Kumagcow: Wala naman. Haha. Sa lahat ng nangyari, happy pa din ako. :) Salamat. Haha.

    @Kiki: Salamat. Haha. Kasarap ko namang adobo. Nyahaha.

    @Drake: Tama! Yun ang kahinaan ng mga tao. lalo na kapag nagkakalayo sa magulang? Ako na ang emo. Haha. Salamat. :)

    ReplyDelete
  29. @Gillboard: Aww.. Salamat. :)

    @Salbehe: Salamat Ate Salbe. :)

    @Dhang: Naks.. Kung makapambola naman, gusto lang makipagmeet eh. Haha. Sino kasama mo? Taga cabanatuan kami, as in city proper. Haha. Di mo kami makikita sa dagat ng dupinga. See you when I see you.

    ReplyDelete
  30. @Balentong: Salamat. :) Ako hindi na ako nakakanood ng ganun. Haha. Matagal tagal na rin. Wala kasi ang magulang kong iimpluwensya. haha

    @Tong: Haha. Di naman kasi ako marunong magsulat ng patawa. Sorry naman. :) Salamat.

    @Ate Powkie: Haha. Salamas. I mean, Salamat. Haha. Ang sweet din, may hug pa. Haha. Naku, di ko kaya ata yun ng gantong magkakalayo kami. I'll die pag ganun. Haha.

    ReplyDelete
  31. kulet. kala ko sinu kausap mo. papa mo pala. hahaha. happy birthday kay pader. tagal nu na di nagkikita. I am sure miss mo na sya. kelan ka lilipad sa US? para 1 big happy family na diba?

    ReplyDelete
  32. @Pusang-kalye: Kabod na lang pala nakipagusap eh. Haha. Mga kaemohan lang yan. E di ko nga alam. May awa si Lord, soon. Nakanaman. Haha

    ReplyDelete
  33. ang sweet ni yow..... maligayang kaarawan sa iyong paderdear :)

    ReplyDelete
  34. Yow---bili na kasi--isang tawg lang kay ama sa US oh. buy nikon, then sabay gala ng 100 islands.

    ReplyDelete
  35. Pinapatawa mo ako pero hindi ko naman maitanggi na sobrang sagad to the bones ang mensahe ng entry mong ito Yow.

    Siguro, masayang masaya na ang mga magulang mo lalo na si Paderdear mo dahil diploma ang regalo mo sa kaniya.

    Taga Baryo ka rin pala.

    ReplyDelete