Hindi ako naniniwala na may multo at kung meron man gusto kong makakita. Hindi ako matatakutin at solid na nakikipagsabayan ako pagdating sa mga scary shits. Pero may kwento ako na hindi ko rin naman pinapaniwalaang kagagawan nga ng kung sinong espiritu, gusto ko lang i-share.
One night, sa dirty kitchen dito sa bahay, pinapabuksan sa akin ng sissyng ex-buntis ang mga de-lata at pinaghihiwa ng cheese na gagamitin niya para sa kanyang fruit salad. Handa namin yun para sa death anniversary ng Kuya ko kinabukasan. Kinuha ko ang can-opener at sinimulang paikutan isa-isa ang fruit cocktail, condensed milk at nestle cream. Oo, dapat sabihin ang recipe! Sa saliw ng musikang "Apple Bottom jeans, Boots with a fur" na nagmumula sa aking cellphone, umiindak kong ginagawa ang inutos sa akin. Maya-maya pa, lumabas si Kuya Toto (asawa ng sissyng ex-buntis) para kumuha ng tubig at saglit na nakiindak sa akin. Hindi ko namalayan, wala na pala siya dahil giliw-na giliw ang Yow sa pagbubukas ng de-lata.
Magsisimula na akong maghiwa ng cheese kaya pinatay ko na ang music. Naupo ako at tinaguyod ng mala-anghel kong tinig ang musika na aking kailangan. Nasuya din naman ako sa angelic voice ko kaya tumigil din ako agad. Nung tahimik na ang paligid, biglang may tumunog na bagay at sure ako na isa itong electric fan. Dinig na dinig ko ang tunog ng pagpihit para bumukas ang fan at ang unti unting pagbilis ng ikot ng elisi nito. Huminto ako para pakinggan kung saang nanggagaling yung tunog at natunton na mula ito sa Mini Sala namin sa harap ng dirty kitchen. May sofa dun at may maliit na fan pangtanggap sa mga dadating na bisita. Paboritong tambayan ni Kuya Toto ang pwesto na yun kaya naman napaisip ako na baka dumirecho siya dun pagkakuha ng inumin. Biglang may nagregister na naman na panibagong tunog sa tenga ko at boses yun ni Kuya Toto, nasa banyo pala siya at kumakanta habang naliligo. Dun ko narealized "Pambihira, sinong nagbukas ng electric fan dun sa Mini Sala?" Dahan dahan na akong tumayo at sinilip kung may tao sa sala. SUPRISA! Walang tao. Lumapit ako sa fan at wala talagang tao. Nakalock din naman yung pinto papasok dun kaya walang makakapasok. Pinatay ko yung fan at bumalik sa paghihiwa ng cheese. Hanggang ngayon napapaisip pa din ako kung sino talaga nagbukas ng maliit na electric fan. Nilinlang kaya ako ng sarili ko at bigla kong pinihit ang malayong fan o may participation si Kuya na magdedeath anniversary that time? Ang cute magparamdam ng kuya ko kung ganun, kinabog ang puting paru-paro na dating uso.
May ano ba talaga tuwing alas-tres ng madaling araw? Pakisagot naman Madlang Pipol. Ewan ko kung anung relevance ng time na yan pero naranasan ko nang magising ng sunod-sunod na araw sa ganyang oras. Hindi lang basta basta gising, twice ako nagsleep walk sa eksantong 3 AM. Yes, madlang pipol, sleep walker ang Yow nung kanyang kabataan. Way back to my high school days, nung panahong andito pa sila Mamang at Papang, nung time na ang normal na gising ko para pumasok sa eskwela ay 5:30 AM, naganap ang pangyayari.
First Time. Hindi ko alam kung anung oras ako natulog nun at hindi ko na rin matandaan kung anung year ako pero tanda ko pa na ihing ihi ako that time. Sa kalagitnaan nga ng masarap na tulog, nananaginip ako na ihing ihi na ako. Kaya sa aking panaginip, tumayo ako para pumunta ng banyo. Hindi ko alam nun na tumayo nga pala ako sa aking kinahihigaan at dahan dahan naglakad. Sa panaginip ko, tinahak ko ang daan papunta sa pinto ng banyo para umihi pero ayaw nitong mabuksan kahit anung pilit ko. Maya-maya pa, bigla na lang akong nagising sa malakas na sampal ng Nanay ko at bumalik sa ulirat. Ang tanong agad ng Mamang sa Yow: "Eh bakit ba pilit mong binubuksan yung bintana? Anu bang gagawin mo?" Pagtingin ko nga sa aking harapan mula sa pagkakalingon sa aking ina ay nakaharap ako sa bintana at nakahawak ang aking kamay sa bukasan. Sumagot ako na iihi at agad dumiretso sa banyo. Buti na lang hindi ko pa nailalabas ang etet ko nun kung hindi, naihi na ako sa kwarto, nakita pa ng Nanay ko. Pambihira! Pagdaan ko ng sala matapos umihi tumingin ako sa orasan at eksaktong 3 AM ang oras. Pak!
Second Time. Ang sleep walk ko nung pangalawang beses ay parang love, sweeter the second time around. Mas madaming nangyari at mas madami akong kilos nitong pangalawang pagkakataon na nagsleep walk ako. Pagkagising bago pumasok, kasama na sa nakasanayan kong routine ang pagkain ng umagahan habang nanonood ng Unang Hirit sa aming sala with extended legs sa sofa. At ganire na nga ang aking sleep walk, hindi ko alam kung ano nangyari pero naabutan ako ng aking Mamang na nanonood ng TV habang may plato sa lap at may hawak na kutsara't tinidor, todo subo ng pagkain galing sa walang laman na plato. O di ba? Talent yun. Bute na lang at sensitibo ang senses ng aking Nanay sa kahit mahinang tunog o kaluskos kaya nagising siya sa ugong ng TV na wala namang palabas. Hindi naman ako makakapunta sa sala ng hindi naglalakad kaya sa malamang eh sleepwalking ang nangyari. Kumuha pa talaga ako ng eating utensils at sinaksak ang TV para todo eksena. Pambihira! Once again, ginising ako ng Ina sa pamamagitan ng malakas na sampal. Bute na lang disoriented ako at hindi ko masyado naramdaman ang dalawang sampal na binigay na niya sa akin. Pagbalik ko sa reality, tinanong ng Nanay ko kung bakit ako kumakain at nanonood ng TV. Galit pa kong sumagot na "Gagayak na ako, malelate ako oh!!" Sabi sa akin ng Mamang, tignan ko nga daw ang oras kung dapat na gumayak at pagtingala sa orasan... CHARAN: 3 AM.
Anung meron sa alas tres ng madaling araw?
Napahaba na ata ang kwento ko pero hindi pwedeng hindi ko maikwento ang PINAKAKAHINDIK-HINDIK sa lahat. Ang kakabog sa umandar na electric fan at ang dudurog sa kwento ko ng sleepwalk. Nangyari ang kahindik-hindik na eksena tanghaling-tapat last week lang. Kukuha ako ng tubig at nakita ko ang lola ko na hinuhuli ang maliliit na bagong panganak na kuting (pusa). Nagulantang ang mundo ko sa sumunod na eksena. Karga ng Lola ang pusa na parang bata habang hawak ang isa nitong paa sabay turo ng "Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos Espiritu Santo. Amen." Nahiya naman daw ako sa pusa. Nag-basic catechism ang Lola ko at tinuruan ng sign of the cross.... ang pusa! Pak na pak! Nakakashock. Happy Halloween Everyone!
Wow! talent nga! galing naman magsleep walk... lol... Pero mas kakaiba ang talent ni lola... wala kang panaman dun... nyahahahhaha
ReplyDeleteAng pagkakaalam ko, Yow, kung maayos ang circadian rhythm ng isang tao, sa mga oras ng 3AM madalas silang pumapasok sa Non-REM sleep mula sa REM sleep. Saka, sa tingin ko, dapat malaman na ng mum mo na masama ang paggising sa isang taong nag-ssleepwalk. Malamang sa malamang, magiging paulit-ulit na ang somnambulism ng isang tao, pero parang sa iyo, hindi na nangyari iyong sleepwalking. Ang alam ko, nagiging cause iyan ng insomnia o kaya hindi pagpasok sa isang REM sleep, meaning magiging light sleeper ka na.
ReplyDeleteHindi ko lang alam. Hindi naman ako expert sa ganyan, iyan lang ang nababasa ko. Hehehe.. Adik,, muntik nang maihi sa kwarto. :D:D:D:D:D
@Xprosaic: Kaya nga. Talong talo ako sa ginawa ng lola ko. Haha. Paulit ulit pa niya tinuturo hangga't di gets nung pusa.
ReplyDelete@Michael: Ayyy. PAMBIHIRA! Haha. ang sakit sa kili-kili ng mga tinirada mo Koya. Though napapamilyaran ko pa yung mga yan nung nagdiscuss ng Pharmacology sa school. Pero dahil hate ko ang subject na yun, kinalimutan ko na. Haha. Di naman na naulit ang sleepwalking eksena ko. Salamat sa 'nice-to-know' facts. Nurse ka siguro no? :) Dapat mahaba ang comment.
ReplyDeleteang ganda ng structure. JOWK!
ReplyDeleteYung kapit bahay namin nag sleepwalk din,pinalyo ng golf stick yung ulo nang kapatid nya. Wag mo nang tanungin kung anong nangyari sa kapatid.
iniisip kong nakakatakot ang blogpost mo kaya di ko na muna binasa hahaha.. dumaan na lang ako at nagparamdam nyahahahahaha
ReplyDeleteMay nabasa naman ako about sa 3am habit na yan!..
ReplyDeletedahil daw mdyo humihina daw ang ating mga system sa ating human body pag pumapatak ng 3~4am.. Sinasabi rin daw na karamihan sa mga may komplikasyon sa katawan e nababawian ng buhay sa ganung mga oras... Sabi nila it was The devils' hour!..
Ninong ka yata dun sa binibinyagang pussyCAT! LOL
gusto mong malaman kung ano ang meron sa 3am, diyan nagbubukas ang mga gates, yan din ang oras ng orasyon ng mga hindi sumasamba sa Diyos, yan din ang mga oras na nakikipagspiritual battle sa pamamagitan ng intercession. (naitanong ko din yan sa sa missions mentor ko at yan ang sagot niya)
ReplyDeletesiya nga pala kinokontak ko mga kaibigan ko sa clsu sa may philrice at carabao center pinapahanap kita hihihihi
be blessed sir yow!
huwaw, sleepwalking.
ReplyDeleteLately, habit kong magising ng 3am para humanda sa pagpasok. Pero walang mga pagpaparamdam at sightings.
Akalain mong sabay tau gumigising sa wala...hahaha!Malamang nanggigising ung bitch mong bessy sa balkonahe.papampam!
ReplyDeletesaka nako magkukwento ng mga nakakatakot. ayaw ko makiuso. sa pasko na lang siguro ulit o kaya sa valentine's day. para kakaiba. hehehe
ReplyDeletepero di maganda yung nagsleepwalk. hanggang ngayon ba?
Ang kwento ng mga matatanda, 3AM daw ang kabaligtaran ng 3PM na oras ng kamatayan ni Kristo. Hindi ko alam kung paano nahanapan ng mga matatanda ng connect yan, kaya itanong mo na lang sa mga matatanda, like Jepoy.
ReplyDeleteang daming kong nalaman based sa mga comment nila..may mga ganon ganon pa pala yun...kasi kung sa akin mo itatanong yan eh iisa lang maisasagot ko...ano ka ba? nagkataon lang yun!!! ahahahaha
ReplyDeletesana wag mo ring ileep walk yung ginawa ng lola mo... hehehehe
ReplyDeleteVW: xanistr - tunog sinister
Baka naman bukas na talaga yung electric fan di mo lang napansin. Narinig mu lang sya nung pinatay mo na yung music sa phone mo at nasuya ka nang pakinggan ang angelic voice mo. Baka yun lang yun. Minsan guni-guni lang talaga eh. Di din kasi ako naniniwala sa mga ghosts or elements whatsoever. But we can never can tell, haha. Happy Halloween! :]
ReplyDeleteNatuwa ako sa kwento mo! Ang sleepwalking daw ay sign na sobra kang hyper. Kung saan ka hyper, hmmm, bahala ka na. :)
ReplyDeletekinabog ni lola ang mga kahindik-hindik na kwento!pak..standing ovation for her!
ReplyDeleteat habang binabasa ko,akala ko talaga si kuya toto ang multo!
sori ha--hanggang 2ng paragraph lang ako---yoko ng scary things eh. hehehe. dapat me picture post ka rin of you in a scary costume or makeup. astig yun!!!!
ReplyDeleteTambling ako sa comment ni Michael. At talagang me somnambulism? LOL! Naalala ko tuloy hayskul days ko. Ampf.
ReplyDeleteamen @michael, hehehe
ReplyDeletebuti hndi ka tinatalian sa paa noon? LOL...nahuli na ata ako sa pangmumulto hehehe...bakit ganun ayaw mag-update ng site mo sa akin? :(
ReplyDeletechong may award ka sa akin... wahehehe
ReplyDelete@Jepoy: Nagtiradahan na ng structure! Amp. Daig ko pa din siya. haha. Ayaw padaig?
ReplyDelete@Yanah: Hindi kaya. Pero ok lang. :)
@Poldo: Sabi ko naman sayo may ikukwento din ako about dun eh. Haha. Bute di na ako nagti 3 o'clock shit ngayon.
@Pong: Whoa! Seryoso sa pagpapastalk sa akin? Nakakatakot. Haha. Salamat din sa info Sir Pong. :)
ReplyDelete@Khanto: Haha. Sobrang aga naman nun? Dinaig mo pa estudyante. haha
@Teddy: O well. Ganyan talaga. At least I'm over it na. Di na nangyayari ngayon. Eh kayo ni bessy ko jan sa inyo, nagsisimula pa lang ang relasyon. Haha
@Gillboard: Hindi naman na ngayon. Way back pa nung high school days ko. Haha. Tama. Ako kasi may maipost lang. Nakiuso na. Haha.
ReplyDelete@Glentot: Eh ikaw din pala may alam eh. Haha. Oo, maitext na lang si Jepoy. The old Manela Boy.
@Ate Powkie: Haha. Iba ka talaga. Natawa ako sa comment mo. Kung ako din pagshare-an ng ganun at di ko naexperience to, baka nagkataon na nga lang ang sasabihin ko. Haha.
@Kikomaxx: No way. Haha. Pambihira naman yun. Sign of the cross? Thank you sa award. :)
ReplyDelete@iProvoked: Ako din naman kahit naranasan ko, di ako naniniwala kasi wala naman ako nakikitang mumu. Yung sleep walking eh di naman minulto. Haha.
@Salbehe: Hyper nga ako. At sa lahat ata ng bagay. ganun pala yun? Ayoosss... Haha.
@Gasdude: Haha. Nagulat nga ako eh. No comment na lang. Ang sakit sa kilikili ng sinabi. Haha.
ReplyDelete@Ate W-UP: Praise the Lord nga kay Michael. Haha.