Sunday, July 4, 2010

Barber Shop

Makikiuso ako kay 2ngawzki sa usapang pagupitan. Ako naman sa barber shop.


Di gaya sa mga parlor na ang manggugupit eh bading na may lihim na nasa sayo o babae na kasing tanda ng nanay mo, bida sa barber shop ang mga barbero kasama ang kanilang mga kwento. Totoo pala na part ng job description ng mga barbero ang maging madaldal at makwento, lalu na yung mga oldies but goodies, panglibang na din sa ginugupitan ang purpose nito. Pero hindi naman ito tungkol sa mga kwentong barbero, dahil mas magaling sa kwentong ganyan si Idol Badoodles sa kanyang sariling barber shop.


Kanina nga pagkatapos ng misa, nagpagupit muna ako bago umuwi. Baka masita ako sa duty at muka akong pinatungan ng kumapal na bermuda. Pagdating sa barber shop, sakto, walang ginugupitan si Suki kaya salang agad ako sa proseso ng pagpapakagwapito. Habang ginugupitan, may dumating na 2 customer na gusto din kay Suki magpagupit. Kaya naghintay sila at umupo muna sa isang bakanteng upuan sa tabi namin. Dun ko na naramdaman na may mali sa pinaguusapan nilang dalawa.


Customer 1: Ayy.. Know ko siya.
Customer 2: Talaga teh? Paping yummy.
Customer 1: Nursing yan sa CIC. May syota yan.
Customer 2: Sayang naman, kamukha pa naman ni Ex.


Sa mga linya nilang nabitawan, parang naramdaman ko na agad na AKO ang pinaguusapan nila. Samahan mo pa ng tingin nila sa akin dun sa salamin na nakakapanlusaw talaga. Pambihira naman pala --- bading pala sila kuya. Nahiya naman daw ako sa kanila at ang lakas ng boses nilang naguusap tungkol sa taong katabi nila. Nakakapagtaka lang din na may alam sa buhay ko ang mga beking ito? Sinusubaybayan ako? Well.. Di na nakakapagtaka. Irresistible ako eh. (Blog ko to! Suyaan na lang)


Wala na akong naintindihan maliban dun sa usapan na naisambulat ko sa inyo. Nagtransform na kasi sila kahit di pa bilog ang buwan. Nag-gay lingo na sila ng malupit. Pero may binulong sa kin si Suki, kinikindatan daw ako sa salamin, buti na lang di ako nakatingin. Haha. Hindi ito ang perstaym na naging matinik ang looks ko sa mga chiksilog, madaming beses na nila akong hinubaran sa malagkit nilang mga tingin date pa. Pambihira! Pak!

6 comments:

  1. hgahahahaha!!bongga..kilabot k dn pla ng mga beki.stalker z jukla type k.espadahan na!ulk!hahahaha

    ReplyDelete
  2. sige ikaw na!bka sa susunod pati borboli mapapa-"havey!ombre oh dude !" na sayo?haha..tae tomboy nag gay linggo?iba ka tlaga yow!!!ibang iba!!

    ReplyDelete
  3. Haha. Lakas! Nakakatuwa naman nangyari sa'yo don, nasa barber shop ka na noon ha. haha, galing!

    ReplyDelete
  4. Ewan ko nga ba? Sadya akong masarap sa paningin nila. Masarap? Haha.

    @2ngawzki: Kaya nga ayoko sa fencing, ayoko ng espadahan! Kadiri. Buset!

    @Greta: Haha. Walang hiya ka! Punch line na naman. Haha. Wala nga kayang tomboy lingo? "Bro, yos-a ipit ng bubs mo ah? Dehins halata."

    @Paolo: Kaya nga. Ang mga parlorista pala eh sa barber shop nagpapakulot. Haha. Salamat sa pagbisita.

    ReplyDelete
  5. Kaya mas gusto ko sa bading nagpapagupit kasi hindi ka nya pwede kursunadahin kasi masisisante sya.

    ReplyDelete
  6. pare its gay time! hahaha. mabenta ka pala sa mga judesa! hindi ka ba binigyan ng chupet? LOL

    ReplyDelete