Saturday, August 7, 2010

Maria Clara, nasan ka na ba?

***Ang mga sumusunod na pangyayari, katauhan at lugar ay pawang gawa-gawa at shits lang ng nagsulat. Wag madumi ang isip mo at wag ka magbintang. Mahaba to. Basa na! :)

Ang aga na ulit ng gising, kailangan ko ng bumangon at mahuhuli ako sa unang araw ng eskwela. Nakakamiss din ang pumapasok, ang kaibigan, ang baon at, sige na nga, ang pag-aaral. Pasukan na ulit at masisilayan ko na naman ang eskwelehan na ika-apat na taon ko ng papasukan at ang apat na sulok ng klasrum na pananatilihan ko ng sampung buwan, Yes, handa na ako! Ako nga pala si Cris, labing-anim na taong gulang, fourth year high school, samahan niyo ako sa aking pagpasok. :)


Nakakasabik talagang pumasok kapag unang araw ng pasukan, lahat ng bagay nakakaexcite. Malapit na ako sa aking mahal na paaralan, huling taon ko na to, sana may mangyaring maganda. Natatanaw ko na ang gate at dinig ko na ang ingay ng mga school mates ko. Shet! Tunay na diwa, pasukan na nga! Sakto ang dating ko, pumipila na ang lahat para sa flag ceremony. Hinanap ko ang aking mga kaibigan para dun na makapwesto, ayun, nakita ko din. Natanaw ko agad si Jobet Sucaldivino, kalaki-laking tao, kumikislot sa pilahan sa likod. Nakikipagharutan siya kay Bogart, ang chubby-log kong tropa. Madalas at di maiwasang pagkamalan na troso ang binti niya, nagiisip din ako kung bakit? Si Otoy naman ang chickboy ng grupo, kakabreak lang nila ni Angie, sila naman ngayon ni Rose --- best friend ni Angie. Hindi pa din malinaw kung bakit naghiwalay sila ni Angie sa kanilang tatlong araw na relasyon. Maputi kasi si Otoy kaya pantasya ng kababaihan at ng mga ex-men. Si Eloisa at Laiza ang dalawang babae na naligaw sa aming samahan. Luis at Larry sa gabi at kapag wala sa bahay nila. Biro lang, Kayamanan nila ang kanilang matres. Maarte pa kay Ann Kortis ang dalawa kaya nakakapagtaka kung pano namin sila nakasama. Kinawayan ko sila, ang sigla ng mukha nila ng makita ako. At ako na nga si Cris, ang virgin sa grupo. Virgin pa ang puso at di pa nakakaranas magmahal.


Nagsimula na ang seremonya at pumila na kami ng maayos. Matapos yun ay nagkaroon ng maikling palatuntunan sa pagwilkam ng mga bagong estudyante at mga transferee. Oo nga pala, may mga bago na namang salta sa aming paaralan. Kaya nagkumpulan na ang mga kumag kong kaibigan at nagspot ng mga chicks. Di ako nakigulo sa kanila pero nagpabaling-baling din ako ng tingin. Pagkakataon ko na ito, baka makakaperstaym na ako sa huling taon ng hayskul layp ko. Wala naman ako makita samantalang nakapaglista na ng popormahan ang Otoy na magiging syota niya sa loob ng taon na ito. Dahil tapos na ang kanilang paghuhunting ng makakain sa akin na nabaling ang atensyon. Tinanong ako ni Bogart kung may nakita daw ba akong 'chikabebe' ayon sa salita niya. Lahat nagaabang ng sagot ni Cris pero iling lang ang naibigay ko sa kanila. Pihikan ako sa babae at hindi kapwa ko mahal ko ang drama ng buhay ko. Sadyang mapili lang ako madlang pipol, mas nakakapanginig laman sa akin ang mga babaeng mahinhin, pinong-pino, tahimik at simple --- Maria Clara nga kung tawagin ng ilan. Ang hirap humanap ng ganyang klaseng babae sa panahon natin na kasing lipas na sa pagkauso ang typewriter at plantsang de-uling. May mahanap pa kaya ako na babaeng ganito? Para hindi naman na ako niloloko.


Tapos na ang palatuntunan at unti-unting nagkagulo ang mga estudyante sa paglakad papunta sa kanya kanyang mga silid aralan. Dulo kami ng pila kaya nagpatihuli na kami para makaiwas sa dami ng dagsa ng tao papasok ng building. Iwas siksik na rin baka malukot mga bagong bili naming uniporme. Maya-maya pa ay natulala ako at napahinto sa pagsasalita. Mula sa di kalayuan, may nakita akong biglaang nagpalakas ng tibok ng aking puso. Tinanong nila ako kung ano ang nakita ko hanggang sa tinunton nila ang aking tinatanaw at sabay sabay na bumalik sa akin ang kanilang tingin. Malakas na 'Uyyyy..' ang nagpamulat sa akin sa katotohanan at unti-unti na akong namula kasabay ng pagkahiya. Napukaw ang aking mata sa ganda ng isang dalaga na ngayon ko pa lang nakita sa aming paaralan. Mahaba ang buhok hanggang beywang, pino ang pagkilos, marahan ang lakad at masarap ngumiti. Nakalayo na siya pero hindi pa rin mawala sa aking isip ang imahe ng kanyang mukha. Simple ang ganda niya ngunit nauna na palang napansin ito ni Otoy. Alam na ng mga kaibigan ko na tinamaan ako at nakahanap na ng isang Maria Clara. Biniro pa ako ni Otoy na sa kanya na daw si Denise at nauna niya nakita at agad nailista. Oo, ganun kabilis si Otoy. Nakuha na niya ang pangalan ng lahat ng kursunada niya sa buong paaralan. Bwenas pa kung nakuha din niya ang cellphone number. Di na ko nagulat at binibigay na niya sa akin agad ang number ni Denise. Ayus din talaga kapag nanay mo ang principal.


Otoy: Pormahan mo na yan Cris. Kahina mo naman, paubaya na nga sayo eh.
Cris: Aah.. Ehh.. Bahala na.
Otoy: Basta sa akin mo una ikwento kapag nakaporma ka ha? Do the moves Pare!


Hindi ko nagawang itext si Denise. Mahina ang loob ko dahil wala pa naman ako karanasan sa pangliligaw o ultimo pag-aalok nito. Kaya inisip isip ko na lang ang kanyang mukha sa halip na paano ko siya makakausap. Recess na at nasa canteen halos lahat ng mga estudyante. Una-unahan sa lamesa at upuan para makakain ka ng maayos. Salamat na lang at nakakuha agad kaming barkada ng pwesto. Kumakain na kami ng biglang... Excuse me Kuya, pwede po ba makishare ng sa inyo? Lumingon ako dahil ramdam ko na ako ang Kuya na tinutukoy ng tumatawag sa aking likuran. Gulat na gulat ako sa aking nakita, nakangiti at umaasang Denise sa sagot ko ang nasa aking tabi. Bigla na lang ako napa-oo at tumabi siya sa akin at tumapat ang kanya ang isa niyang kasama. Natuod na ako at nanigas sa aking pagkakaupo. Di ako makapaniwala na nasa tabi ko na ang kanina ko pa iniisip. Ang sarap pakinggan ng mala-Jessa Zaragosa na boses ni Denise. May kalakihan ang tono at buong buo ang pagsasalita. Lalu tuloy ako nagpapantasya sa kanya. Sa buong oras ng kainan ay hindi ako nakaimik, pinagtatawanan na ako at pinagbubulungan ng mga kaibigan ko dahil sa aking muling pamumula na ngayo'y may kasamang pagkatameme. Anu ba tong nangyayari sa akin? Ang lakas ng tibok ni Pareng Puso. Natapos ang pagtatabi ng walang nangyari. Resulta? Kutya mula sa aking mapagmahal na kaibigan. Torpe. Weak. Booo. Kahina mo. Ilan lang sa pinamukha sa kin nila Otoy, Jobet at Bogart. Nakisali na din ang dalawang babae.


Natapos ang unang araw ng espesyal para sa akin dahil nakita ko na ata ang babaeng sinauna na gusto ko. Inakala ko kasi na si Rizal lang ang may kakilala sa kanya ngunit nakatagpo ako ng sarili kong version. Nasa bahay na ako pero katangahan ko pa rin ang nasa isip ko. Bahagyang nagsisisi at bakit hindi pa ako nagpakilala sa kanya. Kaya napagpasyahan ko na kausapin siya sa text. Kahit sa text na lang muna. Agad kong dinampot ang aking cellphone at medyo nahihiya pa din na tinext si Denise. Sobra ang saya ko nung nagreply siya ng 'Hu u foh?'. Gusto ko tumambling nun paikot sa dalawang dipang kwarto ko dahil pinansin niya ang 'What a byutiful evenin' ko. Doon na nagsimula ang patuloy naming koneksyon at paguusap ni Denise. Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa umabot ng isang buong buwan at kalahati. Ngunit kahit isang beses ay di kami nagpansinan sa aming paaralan. Hiya me much. nagkakilala kami ng husto sa palitan ng text at unti unti lalo ko siya nagugustuhan. Pinagmayabang ko sa aking mga kaibigan ang self-proclaimed MU status namin ni Denise para tumigil na sila sa pangaasar sa aking kamuwangan. Alam ko yang MU na yan eh, may ganyan din kami ni Angie dati ---- Malaswang Ugnayan sabi ni Otoy. Ayaw sumuko sa panghaharot sa Cris.


Maganda ang daloy ng halos araw-araw naming usapan ni Denise. Ang dami ko ng alam sa kanya at parang matalik na magkaibigan na kami dahil lamang sa mga paguusap na iyon. Kasalukuyan pala ay nagmumove-on siya sa recent break-up niya. Ang saya saya sa pakiramdam at parang may posibilidad na ako pa ang magpapalimot ng lahat lahat tungkol sa kanyang ex. Pangarap ko to kaya sa susunod na makita ko siya ay kakausapin ko na siya. Pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko na talaga ito para sa virgin kong puso. Linggo ng makapananghali ay nakagayak ako para magsimba. Pumunta ako sa sakayan ng jeep para makamura sa pagpunta. May humintong jeep sa harap ko at sumakay na ako. Pagpasok sa loob ay napansin kong iilan ang tao. Naupo ako at laking pagkagulat na nasa tapat ko si Denise at nakatingin sa akin. Napangiti na lang ako, tadhana nga naman. Kinakabahan ako pero kakausapin ko na siya sa abot ng aking makakaya hanggang sa napansin ko na parang wala siya sa mood makipagusap. Kaya backout ako sa aking plano. Maya-maya ay naramdaman ni Denise na ako'y tuliro at di mapakali. Nagsalita siya at kinausap ako...


Denise: Ok ka lang ba? Parang di ka mapakali.
Cris: Ayus lang ako. (Ngiti) San ka papunta niyan?
Denise: Jan lang kila Bhe. Bayad ka na ba?
Cris: (Bhe nga ba rinig ko? Shet!) Ahhh.. Eh.. Bhe? Hindi pa e.


Ikinasindak ko na ang sumunod na mga nangyari. Bumukakang upo si Denise. Hinawi niya ang buhok sa likod at sabay dukot sa tenga ang limang pisong barya at ang perang papel na nakapabilot sa taas din ng tenga.
Tol, pakiabot nga tong bayad oh. Dalawang tao. Salamat Parekoy! 
Watda.. Hindi na ako nakakibo at bahagyang nanlaki ang mata. Bakit ganun umasta si Denise ko? Saglit lang ay pababa na pala siya. Nang pababa na ay nagpaalam siya sa akin ng Ingat Pre! Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na lumakad siya papunta kay Angie (ka-MU ni Otoy) na nandoon sa binabaan niya. Humalik ito sa pisngi, hinawakan ang kamay at kinuha ang nakaipit na bulaklak sa bulsa ng likod niyang pantalon.
Shet na malagket. Binatilyo pala ang kinahuhumalingan ko. Tomboy. Lesbiana. Tiburcio. Pompiangan. Ganyan pala ang trip ni Denise na sa gabi'y nagiging Dennis.


Nanlumo ako at nainsulto. Nagoyo ako ng isang nangangarap magkaron ng katulad ng akin. Ang walang hiyang ex na hinahabol niya ay ang Bhe Angie pala. Siya pala ang di malamang dahilan ng 3-days love affair ni Otoy at Angie. Heartthrob ka Poging Ate! Pambihira. Si Maria Clara, Crisostomo Ibarra pala.


The. END.
____________________________________________________________________________________


Ang istoryang ito ay dapat na ilalahok sa pakulo ni J.Kulisap na 'Pag-ibig' - Kamalayang malaya. Pero nahiya ako dahil walang kwenta ang naisip ko kumpara sa mga nabasa ko na gawa ng mga sumali. Di ko kaya yung ganun. Di na ako sumunod sa alintuntunin ng pakontes dahil di naman nga ako sasali. Pero iseshare ko pa din kahit na walang kwenta. Salamat sayo kung tinapos mo ito at pasensya na sa pag-aksaya ng oras mo. Haha. Ngayon ay nahihiya na ako. Ang mga kutya ay wilkam sa comment box. Haha. Thanks.

18 comments:

  1. nice story. may akmang kanta dito naririnig ko sa radyo. nakalimutan ko na basta may something - ang olats ko talaga... parang ganon.

    ang kulet ng kwento. hihi.

    pero malay natin, gawing babae ni cris si tomboyita. pak!

    ReplyDelete
  2. Nice story..
    Lufet ng ending ang daming twist pwedeng script writer! ikaw na yow! hehehe
    Langyang MC yan isa palang Obit! hihihi

    \m/BlogEnroLL!

    ReplyDelete
  3. ke haba!naubos ko na tatlong hotdog ko na tanghalian, nasa kalahati pa lang!

    dapat isinali mo na to dun sa contest!Pumapalo ng borboli eh!

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Ang taba talaga ng utak mo. Naiyak ako sa ending! Naiyak?? Haha!

    ReplyDelete
  6. lavett!!!isang alamat si denise!hahaha...maria clara with a twist pala siya.appear appear ang gusto...shet!saludo ko sa galing mo yow..mwah

    ReplyDelete
  7. @Tong tong: Onga. Leslie title nun ng rocksteddy. O sige, gagawing babae ni Cris si Denise, gawa-gawa ko lang yan. Buhayin mo yun gawa ko. Ne? Haha. Joke lang. Salamat sa pagbabasa. :)

    @Poldo: Medyo gumamit ako ng 2 sec para magets yung Obit. Haha. Slow talaga pag madaling araw na. O sige na nga, ako na! Tinanggap? Haha. Joke lang. Salamat sa pagbabasa kambal sa layout. :)

    @Greta: E di sorry. Next time gagawa ako ng storya na di ka makakaubos ng hotdog. Pasensya na sa hotdog. Haha. Salamat best sa pagbabasa. Ako din nahabaan. :)

    ettigirBijit: Hutang na loob. Ang hirap itype ng username mo ah? Haha. Makolesterol eh kaya nanaba. Healthy pa naman siya. Uyyy.. Nakakarelate. Pompiangan ka din? Haha. Wilkam baga sa itsyuwtaym. Thanks. :)

    @Ungaz: Alamat ng Denise. Haha. Dapat leslie ipapangalan ko kaya lang maoobvious eh. Salamat. Nakakataba ng kalyo yung sinabi mo. Haha. :)

    Malay ko bang may makakaappreciate kahit ilan.. Salamat sa pagbabasa ng walang kwenta kong likha. Amp.

    ReplyDelete
  8. hahaha. dapat sumali ka. ako nga nahiya sa sinali ko. pero isinali pa rin. hehe.. naku sayang pwede mo naman gawin maria clara ulit ang nagccristosomo ibara mng kinahihinumalingan. malay mo

    try and try. wag matakot sumubok

    ReplyDelete
  9. @kikilabotz: Eh nakakahiya nga tong gawa ko eh. Nyahahaha. Bigla ko lang naisip, papasali na ko pero nagbasa muna ako ng mga entries, dapat ata kako eh madrama. Iilan lang kayong patawa ginawa. Di na ko sumali. Haha. Nixt tayms na langs.

    Terminal Tiburcio na siya. No possible treatment. Haha.

    ReplyDelete
  10. @Karen Anne: Too late na po ata ate? :) Salamat sa pagdaan at sa pagbasa kung sakali man. :)

    ReplyDelete
  11. Yuck! Haha joke, kutya kamo eh. Wala naamn diperensya kung apo ni Don Tiburcio si Denise. Kung sex din lang naman ang habol mo ahihihihi

    ReplyDelete
  12. @Glentot: Haha. Masunurin. Salamat sa kutya. Eh pompiangan nga ang gusto. Haha.

    ReplyDelete
  13. Naalala ko tuloy anng hayskul layp ko...ang pinsan kong minsang beauty queen sa skul nmin pagdating ng college ay maton na maton na tsk tsk...at mas marami pa ang naging gf nun kesa sa akin haha...

    May entry din sana ako sa pkontes ni Jkul kaso hindi ako umabot...masyadong late na para humabol hehehe...

    Berinays entry. Natawa ako hihihihi...

    ReplyDelete
  14. wow ang galing galing mong mag sulat, alabet!

    dapat dalasan mo pa ang pag uupdate hindi once every two weeks. Jowwwwk!

    Yun lang, nag paramdam lang here

    ReplyDelete
  15. @Jag: E di naman to official entry dun. Lumabag na ako sa rules niya. Haha. Di ko na nga isinali. Publish mo din yung sayo sir. Pabasa. :) Salamat sa pagbabasa. :)

    @Jepoy: Orayt! Salamat sir. Twice a week naman ako magpost. Haha. Tamad lang talaga minsan. Wala maisip. Nakakayanig ang pagpaparamdam mo. :)

    ReplyDelete
  16. naks, ang galing naman.bakit nga ba hindi mo ito inihabol sa pakontes ni jakul?

    ReplyDelete
  17. @Super Balentong: Too late na eh. Tsaka sadyang di ako sumali dahil kaganda nung gawa mo. Haha. Hamak may sense nun kesa sa gawa ko. Eto eh istorya lang talaga. Haha. Salamat sa pagbasa. :)

    ReplyDelete