![]() |
Borthday Boy. Happy 27th birthday Jips! |
DURING:
October 23, 2010. Ang aga namin gumising para makagayak at makabyahe na. Nakitulog na ko sa crib nila Greta at Ungaz para magkakasama na kami at para cute. All set. Sumakay na kami sa tricycle at nagpahatid sa Cakeland. Dadayo na lang din kami, nagbitbit na kami ng regalo para naman matuwa ang Jepoyly. Dala-dala namin ang best-seller ng Cakeland at ang mga produkto ng Nueva Ecija tulad ng palay, upo, mais, bibe, dagang bukid at isang kalabaw. All set ulit. Sumakay na kami ng trike upang habulin ang flight namin sa Five Star Airlines. Matapos ang ilang oras na byahe, nakatungtong na nga ng kamaynilaan ang mga Novo Ecijano. Labis ang tuwa namin sa kay tatayog na mga gusali pati na rin sa glubo na naroroon sa harap ng MUWA. Ang aga namin nakarating na isang matinding katunayan na kami ay heksayted. Nasa meeting place na kami pero hindi namin maitext ang mga taong imimeet dahil kinakain kami ng hiya. TRIVIA: First time namin makikipagmeet sa mga taong hindi namin kilala
1:00 PM. Kasabay ng gutom na aming tinatamasa, natanaw na namin ang parating na Papa Bear at Baby Bear mula sa aming kinakapwestuhan. Natense ang Yow at pinagpawisan ng malamig. Naghanda na ang Greta at Ungaz ng kanilang best smile samantalang isinoot ko na ang aking killer smile bilang paghahanda. Tumitingkayad pa si Glentot at tinatanaw kami samantalang si Jepoy ay effortless kaming nakita.
FIRST IMPRESSION: Masayahin dahil sa sagad hanggang batok na ngiti ng dalawa. Pag nakita niyo sila, parang nabuhay na profile picture nila sa Facebook. Ganun na ganun lang din. Haha. 6 footer si Glentot sa personal, si Jepoy sobrang slim. Pwedeng model ng Slenda at pumalit kay Valerie. *nabasag ang monitor ng laptop, nabunggo ng humabang ilong*
Kumain kami ng mga 30 minutes at nagkwentuhan ng 3 oras sa loob ng restaurant. Masuka-sukang busog ang naranasan ko sa sobrang sarap ng pagkakaluto ng mga dala naming produkto galing probinsya. Dumating din si Kikilabotz sa kalagitnaan ng kwentuhan at kainan. Isang pagsubok na tawagin sa tunay na pangalang Marvin si Kikilabotz. Magpapalit ka na ng pangalan at nasanay na kaming Kikilabotz ang tawag sayo. Right after, nagstroll kami sa mall for 30 minutes at hindi ko kinaya ang sumusunod na eksena. Nag-aaya si Jepoy magdessert mula sa isang matinding kainan 30 minutes ago lamang. Talaga naman! Inaalagaan ang slim and slender figure. Shetness. Pero nasarapan din naman kami sa inorder ng bawat isa.
![]() |
Party Pipol. TAAS: [The Probinsyanos] Greta, Yow and Ungaz.. BABA: [Manela Boys] Kiki, Jips, Glentot. |
![]() |
Parang nagdebut lang. May picture bawat bisita. |
AFTER:
Bukod sa dighay all the way hanggang makauwi, di kami maka-get-over sa bonding na aming naranasan. Sa sobrang saya at galak na nanunuot sa aming mga puso, tulog na tulog kaming nakahilata sa likod ng Five Star Airlines pauwi. Pagmulat ng aming mga mata, nasa lupain na ulit kami ng mga tricycle at parang nanaginip lang habang nakasakay sa bus. Maraming salamat Jepong, Glentong at Kikilabong sa bonding. It was nice meeting you all. From the bottom of our hypothalamus, TINKYUBIREMATS!!! Sana may part 2. Pak na pak kayo!
*Di na me naglagay ng madaming picture dahil... nakakatamad ayusin. :) Check it out sa FB ko kung friend kita. Kung hindi, wala tayo magagawa diyan.