Wednesday, January 12, 2011

Hi!

Hello!

Happy New Year everyone! Sinong magsasabing late ng dalawang lingo ang bati ko? Haha. At least nag-abiso ako na after two weeks na ang balik ko. At least bumabati pa din. At least… I’m baaaack! And stuff eet, don’t say it. Alam kong hindi mo ko namiss. :-)

Nagulat ako, as in HAA?!, pag-gising ko 2011 na. Nag-paalam na pala si 2010, hindi man lang nagsasabi. Ang dami pa naman namin pinagdaanan. Sa intro pa lang, tunog pagbabalik-tanaw na sa nakaraan ang tinutumbok ko. Kaya tumbukin na natin, samahan niyo ang mag-time machine para sa aking 2010. Hayaan niyo na, kunwari madaming na-achieve, kunwari sikat. Yes!

January 2010.
·         Walang gaanong nangyari, kaya wala akong masabi kundi..

February 2010.
·         Yow turned 16. Sweet 16 pa lang ako at sadyang bata, mura at sariwa pa. Biglang tumunog ang alarm, nagising ako.  Kumuha ng calculator at nagminus ng 1991 sa 2010. Ayshet, 19 pala. Sabi na nga ba eh di ako sure sa panaginip ko.  Sorry naman. :)
·         Naisipan ng Yow na magbalik-loob sa blogging at poof! Sumingaw ang Its YOW time na naglalayong magprovide ng mababasa para kay Ungaz at Greta lamang. Anu ba namang malay ko na may iba pa palang pwedeng makabasa?  At dun nagsimula ang alamat ng pak!

March 2010.
·         Natapos ang aking ikatlong taon sa Nursing, nagblog ng medyo madalas-dalas tapos..

April 2010.
·         Start ng Manila affiliation. Tumambay muna ang Yow saglit sa Mental hospital na sobrang at-home ako at sa Philippine Orthopedics Center na lahat ng tao eh nakasabit with their fractured kasu-kasuan.

May 2010.
·         Busy ako. Kaya wala man lang ako kahit isang nai-blog. Kasi busy ako.
·         Umuwi ang Ate ko from esteyts at nag-world tour kami. World of Filipinos --- the Philippines. Di ako nagkwento kahit isa dahil tinatamad ako at dahil happiness lang yung mga moment na yun.  Sinimulan namin ang paglalayag ng may Anemic white skin pa me at natapos na naging Kalabawish black. Wala akong inupload na picture nun. :-|
·         Umuwi ang Ate ko para magmove-on sa not-so-perfect married life niya. Naghiwalay sila ng asawa niyang slight masama ang ugali kaya umuwi para maglibang at lumimot. Hanggang sa last day niya dito ay epektib ang pagpapasaya namin sa kanya at nakamove on na daw siya. Kaya naman pagbalik niya sa America, matapos ang isang linggo, nagkita sila ng asawa niya ulit. Taas-noo ay… nakipagbalikan ito at ngayon nga’y buntis sa ikatlo nilang anak. Yung totoo Ate?! Yung totoo lang naman. Pambihira ka mag-move on.

June 2010.
·         Back to school para sa huling taon ng aking kolehiyo. I’m shooo exshayted. Gagraduate na me. :)
·         Nagkaroon ng bagong pelpong matapos ipadukot yung isa. Brand new 1100 with malfunctioning flashlight. Minsan, magblututan tayo!

July 2010.
·         Mayabong ang buhay pag-ibig ko. Ikalawang taon na ng kagaguhan. Ako na in love!
·         Nasimulang mapansin ang aking blog ng hindi ko alam kung paano. Ni hindi ako madalas mag-iwan ng bakas noon sa binabasa kong blog pero naligaw si Glentot dito sa Its YOW time. Nakaka-overwhelm madalaw ng isang idol. Nakanaman.

August 2010.
·         Ewan ko kung anung nangyari pero natatawa ako sa mga nabasa kong comments. Nadagdagan ang bumabasa ng blog ko, from 2 naging 3. Nakakapressure ang fame!
·         Nakisampa na din sa bahay ko si Jepoy The Famous. Nahiya ako dahil tagabasa niya lang talaga me. Overwhelming ulit. Napatumbling din ako kay Ate Salbe na nagpapansin talaga ako para mapansin. Epektib naman! Napansin ang Yow.

September 2010.
·         Nanggugulat ang Jepoy at isinama ako sa listahan niya ng Blogger of the Month. Nakakagulat dahil parang hindi naman bukal sa puso ang pagbibigay. Haha. Joke lang. Pero nakakatuwa pala mapasama sa listahan niya dahil nag-level-up ang dumadalaw sa bahay ng Yow. Nagkaroon na din ako ng followers. Mula sa 3 readers, naging 8 na. Yes! Salamas Sir Jepoy. Mahirap mang aminin pero naambunan nga ako ng kasikatan mo. Matapos ma-feature ng Yow sa blog ni Jeps, bumagsak ang career niya dahil nawalan ng credibility.

October 2010.
·         Gamit ang mabokang salita at sagad sa butong pang-uuto, nagoyo ako kasama si Ungaz at Greta ni Jepoy at Glentot na makipagmeet sa kanila. Birthday daw ni Jepoy at imbayted kami na di naman namin pinaniwalaan agad. Sa huli, nakipagmeet pa din kami kay Glentot at Jepoy na mga nauna naming idol sa blogging. Salamas sa experience. In fairness, hindi namin nagamit ang pinahasa naming ice-pick para kung sakaling pumapatay pala yung dalawa eh may pangdepensa man lang. Kasama pala si Kikilabotz din nun. Ang masayahin at lively na si Marvin.
·         Matapos ang dalawang taon at mahigit, nawalan na ng bebe ang Yow. Pero nabuksan ang isang bagong landian. Hindi siya ang dahilan ng hiwalayan.

November 2010.
·         Sa aking pagninilay-nilay tungkol sa aking buhay, nagawaran ko ng award ang aking sarili. Trip trip na lang din pero well-deserve ko naman lalo na ang Best in Hiatus award. More hiatus coming…

December 2010.
·         Masaya kahit natigil na ang landian. Pansamantala lang pala. Amp. Akala ko pag-ibig na ulit eh.
·         Masaya ang Pasko at pagsalubong sa bagong taon.
·         Masaya dahil natapos ang taon ko ng blessed na blessed.

Ganun ganun lang natapos ang 2010 and here comes 2011. Salamat sa lahat ng naging parte ng isang makabuluhang taon ko. Salamat sa hanggang ngayon eh nakikipaglokohan pa sa akin at napapabasa pa din ng blog ko. Thank you sa mga follow at comments na sobra kong naa-appreciate. Masipag ako magbasa at magpunta sa mga blog, tamad lang talaga minsan magblog kaya lahat kayo na nadadaan ay sisikapin ko ding puntahan. Samahan niyo ulit ang YOW sa panibagong taon nato. Kung ayaw niyo sumama, maiwan ka! May moo-moo diyan. Hige ka!

Taon ko tong 2011 kaya sa susunod na magbalik-tanaw ako, mas madami ako maikukwento. O pano ba yan? Kita-kita na lang sa susunod na taon. Total Hiatus mode turn ON. Pak!

Charrr..

51 comments:

  1. gagraduate ka na pala ngayong taon. unahin ko nang bumati ng congratumalations!!!

    ang kulit ng ate mo. ang saya magmove on. hehehe

    Happy New Year!!!

    ReplyDelete
  2. Late ang post! bwahahaha

    Salamat naman sa naghuhumindig nag pag-iidol! Alam ko namang pinaplastic nyo lang ako nina Greta at Ungaz. Mga gago kayo.

    At napakaganda at tugma ang description mo kay Gaspar napakalively nga nya nung araw na yun parang nasa lamay lang... to think birthday ni Pekpek yun diba!!!

    ReplyDelete
  3. happy new year!!! yan late din ang bati ko. hahaha salamat sa pagdaan sa aking blog hehehe. yun lang naman :D

    ReplyDelete
  4. Natawa ako sa 'kalabawish' black. Ikaw na si Mr. Webster! LOL!

    Medyo nagulat ako nung nabanggit mo na 16 ka pa lang. Ampf akala ko naman totoo. Nahiya ako sa edad ko.

    Sana 'wag ka magsawa sa pagba-blog at pagba-bloghop.

    ReplyDelete
  5. kalabawish black made my day! :) happy new year!

    ReplyDelete
  6. hahaa ayan bekols kasi.. ang idol ko sa katamaran.. at minsan tinatamad narin akong tamarin... ahhaha... happy new year sa iYOW... sana damihan pa ang katamaran at malapit narin tayong grumaduate... hahaha

    ReplyDelete
  7. nabigla ako sa 16! anuver hahahaha

    nakaktuwa magmove on ang ate mo hehehe..

    makikiadbans kongratsumeleyshuns..
    dumating sana ung time na maligw ulit ako ng cab city ahihihihi magpapatour ako sayo sa pacific.. amf.. :D

    ReplyDelete
  8. yown oh. buod ng storya ni yow.

    happy new year din tsong halos sabay lang pala tayo nagsimula mag blog.

    ReplyDelete
  9. wjahaah kala ko real yung 16... pambihira men hehehe.. congrats sayo.. graduate ka na sa wakas hehhe :D

    at welcome back.. ang tagal ng balik mo ha hehhe :D

    ReplyDelete
  10. Hahahahaha!Nakakatouch ng "fourchette" na ang blogs mo e para samin ni Greta...At imba magmove on ang ate mo.Nakakakunsume!hahahaha...At bayaan mo,may bagong landing darating sa buhay mo...ayan na ayan na!LOL

    ReplyDelete
  11. This February bday mo na yow hehehe.. in 2010 hindi kita nasamahan, nagsimula kasi ako nov na.. pero this 2011, sabi mo nga its ur year.. kaya pasama ko ha.. at happy new year na din parekoy

    ReplyDelete
  12. Hindi ko ma-imagin ang masayahin at lively na si Marvin. :D

    ReplyDelete
  13. Akala ko din 16 ka..kundi mafi-feel ko na ogre old na me. at congratz naman sa buhay pag-ibig...

    ReplyDelete
  14. hahaha uber late na toh ah, pero pasok pa rin!

    salamat sa pagdaan sa bahay ko :D mukhang ang sipag mo pang magcomment..tnx ulet! :D

    tama na ang hiatus mode, post lang ng post. Congratulations nga pala sa nalalapit mong pag graduate, party party nah! :P

    ReplyDelete
  15. Ikaw na ang may summary for 2010! Lol... Dahil dyan ngayon lang din makakabati ng happy new year! lol

    ReplyDelete
  16. graduating ka na yow!!!! makakakuha ka na ng diploma :D tapos malapit na din ang 20th bday mo:D

    advance happy bday na!

    ReplyDelete
  17. @Gillboard: Salamat. Makakatapos na nga ako. Sa wakas. Haha. I'm so excited. Naman! Hindi ko kinaya ang moving on abilities niya. Haha. Happy 2011!

    @Glentot: Eh mano! Pahabol sa new year. Hayaan mo na, di naman nila nahahalata ang plastikan natin. Kebs lang. Haha. Uso na yan. Siya nga! Si Gaspar na parang aerobics instructor sa energy. Haha.

    @Bino: Happy New Year. :) Salamat din sa pagdaan. Lagi kaya ako sa blog mo. :)

    ReplyDelete
  18. @GasDude: Well, gawa yan ng walang laman kong utak. Haha. Feeling lang yun. Huling taon ko na ng 'teen'. Huhu. Ang tanda ko na, pero mas matanda ka. Naman! Dadalaw ako palagi sa gasulinahan mo. :)

    @nyabach0i: Salamat. :)

    @Kiko: Sa lahat naman ng iidolohin mo, katamaran ko pa. Haha. Pambihira! Konti na lang graduate na tayo. Yipeeee!

    ReplyDelete
  19. @Yanah: Nakakapaniwala ba talaga yun? haha. Tama! Sasamahan ka namin. Madami kami ditong magpapalibre sayo sa Gloria Jeans. :)

    @Bulakbolero.sg: Talaga? Feb ka din pala nagstart at ang sikat mo na. Naks.. Haha. Congratulations. :)

    @AXL: Salamat. Salamat. :) Medyo dinadali ng katamaran nitong mga nakaraang araw eh. Hehe

    ReplyDelete
  20. @Ungaz: E di ba nga naman kasi? Haha. Nagsusulat lang ako dati para may mabasa kayong dalawang magkapatid. Haha. Tapos magrereak tayo tungkol dun sa personal. Haha. Sino ba paparating? Ikaw?! Panginoon ko naman. Haha.

    @Midnight Driver: Happy New Year. :)

    @Istambay: Naks... Nakakatouch naman yun. Sure sure. Madadagdagan na ang mambabasa ko, magiging 9 na kayo. Haha. Punta din ako sa site mo.

    ReplyDelete
  21. @Ate Salbe: Hindi ko din maimagine. Nung panahon na yun eh may pinagdadaanan ata si Kuyang Gaspar at bakas sa kanyang limited energy. Haha

    @Kamila: Haha. Sorry naman. Feeling lang. Kalaki kong bata nire. Di ko din maimagine.

    @hartlesschiq: Salamat. :) Minsan nga lang ako mapunta sa bahay mo eh. Tsk tsk. I-link kita one time.

    ReplyDelete
  22. @Xprosaic: Ako na nga. Haha. Sorry naman. Happy New Year din sir!

    @Khantotantra: Salamat. :) Samahan niyo pa sana ako ngayong 2011.

    ILOVEYOUALL. From Yow.

    ReplyDelete
  23. pambihira naman may timeline ng pangyayari sa buhay!ikaw na magaling mag reminisce..

    para samin talga dati ung blog mo?touched naman cervix ko, malalim na yan..kaya nga ba nakalulungkot ang madalas mong paghihiatus...magbago ka na!

    ReplyDelete
  24. pambihira naman may timeline ng pangyayari sa buhay!ikaw na magaling mag reminisce..

    para samin talga dati ung blog mo?touched naman cervix ko, malalim na yan..kaya nga ba nakalulungkot ang madalas mong paghihiatus...magbago ka na!

    ReplyDelete
  25. Bilang 2011 naman ngayon, subukan mo naman itabi sa mahiwagang baul mo ang best in hiatus mode, at wag mo naman ito career-in.. Ahihihihi.. :D

    ReplyDelete
  26. wow magkapareho ng birth month anyway..first time ko dito hehehe ^^ and ill be back =)

    ReplyDelete
  27. hahahaha----kala ko haitus na kagad.buti me char sa dulo. we have to start the year with a bang. simulan natyin sa Pinatubo ng jan 23. game??//

    ReplyDelete
  28. ready na sana ako sa panaksak ko sa sarili ko noong nabasa kong 16 ka palang..dahil kung nagkataon nakakahiya yung edad ko. lols..


    natawa ako sa ate mo...siya na ang mahaba ang tali sa pagpapatawad...ahahahhaa...

    advance congrats sa graduation mo...at sana magblog ka ng magblog....ang saya lang kasi e.

    ReplyDelete
  29. late post deserves a late greeting, HAPPY NEW YEAR YOW! heheh.

    salamat sa pagbisita sa blog ko.

    goodluck sa huling taon sa kolehiyo.

    ReplyDelete
  30. talaga naman!

    kitakits..hehe

    balik ka:D

    ReplyDelete
  31. bulerong palaka! LOL kalabawish black ampotah ahahaha...

    Sulat ng Sulat punyeta!

    ReplyDelete
  32. natawa naman ako tungkol ke sissy sa pag move on...nag enjoy naman ako, nalibot natin ang famous spot sa pinas from south to north in just 2 weeks at next time na mag move on uli siya wish ko lang out of the country na hahaha

    ReplyDelete
  33. natawa naman ako tungkol ke sissy sa pag move on...nag enjoy naman ako, nalibot natin ang famous spot sa pinas from south to north in just 2 weeks at next time na mag move on uli siya wish ko lang out of the country na hahaha
    sorry naman naiyak si ross napindok ang kung ano ano

    ReplyDelete
  34. iyon pala ang alamat ng pak na pak!haha.. malapit na bday nya.. san ang party party?hehe

    keep blogging yow.. kahit once a year, i mean month ka mag-update andito pa rin mga masugid mong tagasubay-subay. sikat ka na talaga. i am so proud of you. haha

    ReplyDelete
  35. hapi nyu nyir!!!

    uy gagarweyt na ng nar-es!! congrats!!

    bagong damit ako...bagay ba?*pungay ng ays* *wink* *wink*

    landi lang..ahahaha

    ReplyDelete
  36. whew...gusto ko gawin tong ginawa mong reminiscence sa nakaraang taon hehe..ahw...pero mag aadvanced congrats na ako sa nursing career mo..apir haha..itaas ang bandera ng mga nurses haha...

    ReplyDelete
  37. blessed new year sir yowh, di din me masyado nakakagala sa blogworld.
    eniwey, God bless sa pag-aaral mo at imbitahan mo kami sa graduation.
    nakamove on nga si ate mo I think for better may bago ka ng pamangkin ulit =)

    time mo nga ang 2011, kapag sikat ka na paautograph XD

    be blessed sir!

    ReplyDelete
  38. happy new year yow! :)

    nice lapit ka na grumadweyt. congrats in advance :D

    ReplyDelete
  39. 19 ka lang? weh? LOL...at malapit na pala ang bday mo?

    Happy new year!

    ReplyDelete
  40. Naks! Happy birthday! Ilang tulog na lang..

    and yes.. tulog ka ng tulog.. anu beh.. gumising ka naman.. hahahaha!

    :D

    ReplyDelete
  41. late man daw at magaling... late pa din...parehas tau..hehehe.. happy new year sir.. malapit na din pala ang ung kaarawan... advance happy birthday... 19??? hmmm...cge na nga...hahaha

    ReplyDelete
  42. ako late magcomment. maghhiatus kuno din ako dapat e, haha.
    una ay hapi new year, at congratulations at gagradweyt ka na..
    buti ka pa ay may events sa 2010 mo. pwede kung sumahin ang 2010 ko sa salitang boring kasi walang kalandian, haha.

    ReplyDelete
  43. @Greta: Kung makapangplastic ka naman, pambihira ka! Nalulungkot kapag hiatus ako? Shitness! Haha. E di ba kaya lang ako nagbablog dati eh para may mabasa kayo. Haha.

    @Michael: Oo, tatry ko talaga. Haha. Baka sipagin na ako this year.

    @Superjaid: Feb ka rin? Wow. Happy Birthday sayo in advance. Balik lang Ate. :)

    ReplyDelete
  44. @Pusang-kalye: Sorry Sir. Di ako makakasama. :(

    @Maldito: Haha. Kung sineryoso ko pala yung edad na yun, nakapatay pa ako. Haha. Salamat salamat. Idol kita eh kaya di ako titigil magblog. :)

    @Kuri: Ui, naligaw ka sir. :) Salamat sa pagbati. Happy New Year din.

    ReplyDelete
  45. @Kosa: Kitakits? Saan? Di pala nagets eh. Salamat. :)

    @Jepoy: Skip read ka! Salamat kung ganun. Haha.

    @Sissy: Gusto na agad magcomputer ni Ross. Haha. Ikaw na ang nakikicomment na sissy. Pambihira!

    ReplyDelete
  46. @Karen: Ate, salamat. Nakakatats naman yun. Haha. Magkita naman nga tayo minsan siguro sa birthday ko? :) Kapitbahay lang eh di pa tayo nagkikita. Haha

    @Ate Powkie: Namiss kita Ate Powkie. Kahit anung suot mo bagay naman. Haha. Kebs lang yun, follower and fan mo pa din ako.

    @Sendo: Salamat. :) Balik ka ha? Nurse ka ba kuya?

    ReplyDelete
  47. @Pong: Salamat sir! Di ka na nga madalas magupdate. Magagalit ka ba kung ako naman ang manghingi ng picture greeting kahit di kita nabigyan? Haha. Salamat. :)

    @Sikoletlover: Salamat ate sa pagdaan at pagcomment. Napapansin mo pala yung blog ko. Haha

    @Jag: Etong birth certificate ko. haha. Totoo nga kasi. 19 pa lang me.

    ReplyDelete
  48. @Nielz: Ikaw pala magbibirthday na di man lang mag-abiso. Pambihira ka! Haha. happy Birthday. :)

    @Nafa: Yes, sir! Parehas tayo at nauna ka lang nanghingi. Haha. Happy Birthday Sir. :) Send ako pic greet soon.

    @Olyabut: Hi Sir. First time mo dito at napansin mo din ako. Haha. Salamat sa pagdalaw. I love your blog. :)

    ReplyDelete
  49. Okay tumatimeline ang Diks. Nagcomment ako para 50 na ang kumoment. Hehe.

    ReplyDelete
  50. Ayown, at least kahit papaano ay nakakahabol ako.

    Marami akong nalaman.

    Magbabasa pa ulit.

    ReplyDelete