Monday, February 7, 2011

"Papipigil ba ako?"

Ang daming nahuhumaling sa koreanovela sa GMA 7 ngayon na Temptation of Wife. Pang-ilang beses ko na naririnig at ine-endorse sa akin ang palabas na yan sa di ko malaman na dahilan. Last Saturday nga lang habang angYOW ay nanunuod ng kaseksihan ni Jessica Soho, featured ang Temptation of Wife na tungkol pala sa kabet. Napanood ko yung commercial ng GMA na nangungunang daytime shit daw ang koreanovela at kinabog daw nito ang ratings ng pang-primetime ayon naman kay Wikipedia. Ako na nag-research at siya na ang number 1.

In na in ngayon ang mga kabit. Bukod sa ipinapalabas na ito sa TV, napakadaming teleserye ng totoong buhay-kabit na ang narinig ko. Parang after ng mga hip-hop with their baggy pants then mga emo na kalaslasan ang blade, namamayagpag naman ang career ngayon ng mga kabit with their sizzling alindogs.

Commercial muna. Sa kagustuhan kong malaman ang iba pang tagalong word sa mistress, ginamit ko ang powers ng Google Pagsasalin mula wikang Ingles to Filipino. Ang resulta?


I therefore conclude na ang mga mistress pala ay mga dalubhasang babae (hindi ko alam kung saan) at  babaing espesyalista (kaya naman pala nilalapitan para hingan ng tulong ng mga kalalakihan). Hindi ko lang masagot kung bakit naging guro, principal, bata at ama ang mistress. Kayo na sumagot.

I have nothing against sa mga taong kabit o kebs lang ang usaping kabit. Sa totoo lang pangarap ko maging kabit para may thrill. Joke lang. Wala lang din sa akin kung kabit ang isang tao at hindi ako judgmental. May kaibigan pa nga angYOW sa tunay na buhay na nakikilove-triangle na umi-square pa nga sa tunay na buhay. Itago na lang natin siya sa pangalang Bog, isang simpleng makireng babae.

Si Bog ay isang dalagang ina. Virgin na virgin kumbaga. Status: In a not-so-secret relationship with Sisidman. Si Sisidman ay nag-aaral ng Bachelor of Science in Seamanshipnessment (kung meron mang ganun), Major in Chick-sology. Si Koyang Sisidman ay may girlfriend na tunay at wagas na si Bb. Manela Girl for 2 or 3 years long na ata. Magkalayo sila ngayon dahil parang nag-aaral sa Manela si Ate. Kaya nangati at natigang si Koyang, nakikamot sa isang makire.

Ang dami ng characters, kashitty ko naman magkwento. O basta, ayun na! Si Bog ay nakikipag-holding hands sa kaliwang-kamay ni Sisidman at sa kanan naman nakahawak si Bb. Manela Girl. Anu ang pinagkaiba? Sa kanan, pa-sway-sway pa! At si left hand, laging left behind.

Eto ang maganda dine. Alam ni Bog na kabit lang siya, nahurt kunwari nung una pero ngayon kebs lang sa kanya yun. At recently lang, nakaamoy na din ang Bb. Manela Girl na may kasaling ibang monay sa love story nila. Syet! Ang pogi ni Koyang Sisidman. Walang binitawan na character at hindi lumubay dahil parang nagdadagdag pa ata ng ilan pa. Group Orgy ang gusto ni Koyang.
“Too bad for you, “CHALLENGE” is my middle name.”
“Bakit ko kakatakutan ang bagay na nagbibigay sa akin ng kaligayahan?”
“Eto ang gusto ko eh, papipigil ba ako?”
Yan ang ilan sa status ni Bog na nangangabog. Hindi ko sure kung gustong gusto niya ang buhay-kabit at siya pa ang napakatapang. Masaya si Bog ngayon at okay lang naman sa aming plastikang friendship ang kasiyahan niya. Sinubukan naman namin siyang pagsabihan o pagbawalan pero palaban si Ate at tatalunin ang bangis ni Anabelle Rama para sa bawal nilang pagmamahalan. Ang mali na lang sa ginagawa niya, pinagpapalit niya masyado lahat para sa lalaki na yun na sa huli bibitawan din naman siya. Anung laban niya na buwan pa lang kinakasama kapag bumalik ang taon ng elabs? Kawawang nilalang.  Sabagay, may pag-asa pa naman, gelpren pa lang. Basta gagalingan lang niya, baka siya ang mag-wagi gamit lang ang alindog card niya.

Mahirap pumasok sa isang relasyon lalo na kung meron na talagang “relasyon” bukod sa’yo. Love is much lovelier when it is right. Kaya mga Madlang Pipol, kalma lang. Dumadami pa naman ang tao sa mundo at hindi pa nagkakaubusan, bakit mo pipiliing makisalo sa iba kung madami pa namang darating na mas maganda?

Kung kinarir ko lang ang nakaraang landian ko, malamang kabit na rin ako ng dalawang taong nagmamahalan. Kaya lang dahil mabait ako, hinayaan ko na lang. Ayokong masira ang relasyon nila dahil sa akin, gagawa na lang ako ng ibang ikasisira nila para mapasa-akin siya. Haha. Joke lang. Uulitin ko, mahirap ang maging KABIT. Mas madali ang magsend ng picture greeting kay Yow para sa kanyang birthday at blog-anniversary. Kaya kesa tumira ng iba, magpicture na lang, lagyan ng pagbati at i-send ito sa itsyowtime@gmail.com hanggang Feb. 16. Maraming Salamass to you. :]

This is another senseless post. : |Pasensya naman na. Tsaka na yung tungkol kuno sa akin.

30 comments:

  1. hahaha connection sa kabit at picture greetings... kabetlogan.. hahaha... eiwness aminin nachachallenge maging kabit yan.. hahaha

    ReplyDelete
  2. Hanggang 'panakip butas' lang ang na-experience ko (ata). Never pa ko naging kabit (ata).

    HOY! Natanggap mo ba picgrit ko? Wala kasing confirmation of receipt. Ampf.

    ReplyDelete
  3. bumili ako ng dvd ng temptation of wife. Kaso may putol na chapters. wahahaha

    about sa kabit issue, it seems na they are fighting for their own happiness kaso nga lang, nakakasakit sila ng ibang love story.

    nagsend n aq. :D

    ReplyDelete
  4. hahah talagang may pic greet panghinihingi...hahaha

    ReplyDelete
  5. ako naman, naniniwala ako na ang pakikiapid sa asawa ng may asawa ay isang kasalanan sa Diyos. Ako na ang banal! :)

    ReplyDelete
  6. kahit jologs basta usapang kabit na mga korean nobela.. go ako.. ewan ko.. intriguing eh...feel na feel ko..

    kawawa naman si ate na naging kabit... siguro may feeling lang talaga sila na kailangan nila ipaglaban.. nakakabulag...

    pero isa lang masasabi ko... na-entertain much ako sa lahat ng pasikat mo...

    ReplyDelete
  7. Hindi natin pwede ijudge yung mga kabit eh. They are not a book. hahaha.

    Seriously, may kanya kanya din kasing story behind it.

    Nice input about this topic though. :)

    ReplyDelete
  8. whahaha talgang di mawawala yung picgreet ha .. :D

    ReplyDelete
  9. dami ako kilalang payag maging kabit. dito pa nga lang sa blogosperyo, andami na. hehehe

    ReplyDelete
  10. aww.. gusto ko sampalin si bog para magising..

    sendan na nga lng kita..

    bigla ko nalungkot sa post na ito.. huhu

    ReplyDelete
  11. adik kami ng wife ko sa palabas na yan...hahaha usapang kabit nman, natural sa lalaki ang mangaliwa, pero kung may asawa ka na na ayaw mong iwanan at sinuwerte ka na, bkit ka pa mangangaliwa...

    ReplyDelete
  12. Napakahabang intro para humingi ng pic greeting. Natawa ako!!

    ReplyDelete
  13. Sige maisingit lang ang paghingi ng pic greet...coming soon!Whahahahaha...

    Lintak na temptation of a wife yan pati mga pasynte namin nahuhumaling.prang tnga!!!pinatathimik pa kami para lang sa shit na yon.LOL

    ReplyDelete
  14. wawa naman si ate at enjoy pa siya sa kanyang pagiging kabit...

    iyak na lang siya soon and isang malaking gooowd lak sa kanya.. :)

    HAPPY BIRTHDAY AND HAPPY ANNIVERSARY sa blog u... :)

    ReplyDelete
  15. hanep sa segway!hehehe anyway sureness here a picture greeting for you..=) just wai for several hours este minutes pala hehehe

    ReplyDelete
  16. hangga't may panahon para makipaglandian, go lang dapat. dahil pag nakatali ka na, wala nang paraan para kumerengkeng pa.

    p.s. wala na 'kong utang sa'yo di ba? meron na 'kong pic greet na sinend. pibeerday, yow! sana'y malasing mo kami. XD

    ReplyDelete
  17. Yow naman, ang mistress, tulad ng ibang mga english words, hindi lang ibig sabihin niyan kerida. Marami pang iba, gusto mo bang mag-blog post pa ako dito sa comment box mo tungkol sa etymological origin ng mistress?

    Apparently, sa kabit lang nadedenote ang mistress dito sa Philippines, pero pwedeng ibig sabihin nito na isang babaeng schoolteacher, or parang head of household, at sa pagkakaalam ko, archaically, pwedeng gamitin ito to mean sweetheart.

    Alam ko, ako na! :D

    ReplyDelete
  18. Yownessment, actually, ang ibig sabihin ng abbreviation na Mrs. ay Mistress, which means an old-fashioned term for the lady of the house, especially one who is head of the household.

    hahaha, ako na wikipedia! LOL.
    Pero ok lang yan, sa totoo lang, ilang beses na rin akong naging kabit at nagpakabit! LOL.

    Sabi nga nila, ang pag-ibig ay hindi hinihintay, hindi rin hinahanap, at mas lalong hindi kusang dumarating, ito ay inaagaw para may thrill! Char! hahaha

    La lang! :D

    (lintek na verification code yan ang haba-haba!!!)

    ReplyDelete
  19. Ay hehehe kabit ang topic, marami akong kakilalang makakarelate jan, isa na ang kinakasama ngayon ni Pudrax... mababait naman ang mga kabit hindi sila yung mga mala-evil stepmother na nakikita sa TV. At dalubhasa nga siguro talaga sila ahahaha

    ReplyDelete
  20. aaminin ko na..dati rin akong kabit. weh ano ngayun? enjoy naman sa patagong labas masok sa bahay..ahahaha...sadyang adventurous lang talaga ako. gusto ko yung ginagamit ang adrenaline rush.

    kaso ako rin ang umayaw. game game lang naman sa una yun eh..pero nung nasa huli parang lugi ako.kaya ako na ang pumalayo. takot me much sa karma.

    maya na ang pic. nandito pa kasi ako sa office..kakahiya magpa pic ng naka hubad. joke.aahaha

    ReplyDelete
  21. Pa follow lsng po.. daming alam sa pagkabet- kabet.. hehe

    sensible post :)

    ReplyDelete
  22. taeng google sabi ko na nga ba hindi reliable!

    at naisingit mo talaga ang picture greeting sa tema ng usapang kabit ha!

    ayon nga sa sabi ng isang yumaong FRIEND "okay din yung may kabit, para pag wala ung orig may paglilibangan"..katwiran makalusot lang!

    ReplyDelete
  23. Very intriguing show.

    Nice to meet you, sir.

    ReplyDelete
  24. aLIW ANG POST NA TO =)

    http://www.juanderfulpinoy.com/
    CHINCHAN

    ReplyDelete
  25. Ouch nakakarelate ako ng sobra ahihihi... If loving you is wrong i dont want to be corrected! may ganon? talagang masarap ang bawal...

    Pero tama ka, hindi rin naman mapapasayo kung mapasayo man sia may masisirang pamilya or relasyon Shit! ang hirap diba? hehehe

    Nakidaan po :D

    ReplyDelete
  26. so ano na ang latest kay Angeline hihhi , hindi na ako ni update ng lola ko eh

    http://www.juanderfulpinoy.com/
    chinchan

    ReplyDelete
  27. ahem!! ahemmm!!

    nakidaan lang po hindi ko binasa..pwamis hindi ko binasa!!

    xchange links?? nice post!!

    bwahahahahaha!

    ReplyDelete
  28. never heard this before. di kasi ako nanunuod ng syete.hehehe. pero back to the issue. Hot yang topic ng kabet. kasi--there's something with the idea of doing something na alam mong mali pero you can get away with it. parang immortality lang.D:makahanap nga ng kabet.joke

    ReplyDelete
  29. sir yow, pa-update ng blogroll, same url pero dapat mareread na yung updates. :D

    ReplyDelete
  30. natawa ako sa pagsasalaysay mo pre. hehe! naentertain naman ako sa another senseless post mo. chos!

    ReplyDelete