Halos isang taon na nung huling nakipag-meet ako sa ilang pirasong mga kapwa ko bloggers. Noong panahon na yun, tatlo kaming magkakasama na na-meet ang dalawang sikat na blogero. Dahil isang hamak na estudyante pa lang ako noon, buwis-buhay ang pagpapaalam. Kailangan pa ng brgy. clearance, police clearance, NBI clearance at valid ID ng taong imi-meet mo para lang payagan ako. Kasi, ako na ang minor! Sa huli, pinayagan din naman ako kaya kasama ang dalawa pang kaibigang bloggers from da prabins, nakipagkita kami sa mga peymous bloggers of the citey.
Nakatanggap muli ako ng isang invitation para sa isang iBall noong mga unang linggo ng Agosto. Isa itong exclusive eyeball, up-close and personal with autograph signing pa sa mga sikat ding blogero na nakagaanan ko na ng loob at naging kaibigan dahil sa pagpapalitan ng comment at messages sa mga social networking sites tulad ng Chwirrer. Gusto ko ng umayaw dahil sabi ko nga sa una, hindi mey sanay sa mga meet-ups. At sa isang 'to, mag-isa kong itataguyod ang mga mangyayari dahil wala na akong mga kapwa probinsyanong kasama. Manela boy na nga pala ako kaya wala akong mahaltak na kakampi. Sadnessmently. More pamimilit at more isip-isip pa, pumayag na din ako. Minsan lang makaka-meet ng mga celebrity kaya sumama na ako. Hindi na rin pahirapan ang pag-papaalam dahil tuli naman na mey, I mean, graduate na ako at isang proud tambay. Kaya go and count me in sa "Maitim na Balak" na yan.
![]() |
Pahiram sa may-ari. Alam na! |
August 27, 2011. Ang "Maitim na Balak" day. 9 bloggers including me. Enchated Kingdom, Sta. Rosa, Laguna. At may isang epal na umeksena... si @bagyongMina. Rain or shine, tuloy ang "Maitim na Balak". Sa dami naman kasi ng kulay, maitim pa ang napili ng organizer kaya naman literal na maitim ng buong araw na yun ang kalangitan at mag-hapon umulan. Tulad nga ng kasabihang "Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy", natuloy pa din ang bonding sa EK (kayo na po ang gumawa ng paraan mai-relate) kahit na mukhang basang sisiw ang lahat. Si Ateng Mina naman kasi, feeling close, nakibonding din ng whole day. Manhid na siya sa all chugeder now na "Rain, rain, go away", hindi na siya affected. Sadnessment lang.
Para sa akin, 3 is a crowd at literal na hanggang tatlong tao lang ang kaya kong i-meet ng hindi ako nahihiya. Hindi ako makapaniwala na kaya kong maitaguyod ang araw na yun mag-isa at nag-enjoy kasama ang mga bagong kakilala. Sa simula, naramdaman ko ang sobrang hiya kaya natahimik lang ako sa isang tabi at observe-observe lang muna. Oras din ang kinailangan ko para makapag-ipon ng lakas ng loob at kapal ng mukha para makipag-interact with the sikats. Sa buong oras din ng pagtahimik ko, hindi ako makapaniwalang kaharapan ko na ang mga taong sa default picture ko pa lang nakikita. Kaya pakiramdam ko, lahat sila ay mga nagsasalitang jpeg file o mga DP na nagkatawang-tao.
Sobrang dami ng nangyari kaya mahirap ikwento lahat-lahat in full details. Lahat ng bloggers na na-kilala ko ay may iba't ibang character na wala kang maitatapon. Lahat sila ay sobrang babait, super accommodating at easy to get along with. Nakakatuwang isipin na may tao pala talagang kayang gumastos ng malaking halaga para sa tickets ng mga taong hindi niya masyadong kilala. May taong kayang magpa-book ng flight mula Iloilo at nag-aksaya ng panahon para lang makasama sa isang eyeball. May taong nanlilibre bigla-bigla ng doughnuts dahil feel na niya na kailangan naming lahat ng sugar rush. At may taong nagbibigay ng muscle fitting na shirt bilang remembrance sa isang taong unang beses pa lang niya nakita. Nakakatuwa sila. :)
Ang daming kwentuhan, kulitan at bonding moments na hindi matatawaran. It was nice meeting you Kuya Bino, Ate Leah, Kuya Carlo, Kuya Xander, Ate Mhel, Kuya Erik, Kuya Berl at Kuya Jay. I really had fun. 'Til next time mga Ate at Kuya. :) Maraming salamat sa lahat.
Parang ang bait-bait ko sa post na to ne? Busilak. Dalisay. Virgin. LOL.
Buti na lang sumama ako. Hihi.