Saturday, February 18, 2012

It's a Bouncing Baby Boy!

Sa mga hindi nakakaalam, isa akong sisiwa --- hindi ko alam ang etymology pero iyan ang Filipino word for a nurse. Hindi ko kailan man naisip na ito ang magiging propesyon ko pero hindi ko rin naman pinagsisisihan na ito ang tinapos ko. Nursing is a noble profession. Bilang mga nars, saksi tayo sa dalawa sa pinakamalaking kaganapan sa buhay ng lahat ng tao --- ang simula at wakas ng buhay. Kaya sa likod ng unang pag-iyak ng mga sanggol na matagumpay na nailuwal at sa mapayapang paglisan ng ilan nating minamahal, kadalasan ay may sisiwang nakaalalay.


Hindi ko kinaya ang lalim at pormal na pagtatagalog ko sa intro.


Ang totoo niyan ay may iku-kwento lang naman akong kwento na naikwento sa akin. Tungkol kasi sa isang nurse ang kwentong ito na iku-kwento ko na naikwento lang sa akin. Itago na lang natin siya sa pangalang Joann --- Nurse Joann.


Si Joann ay galing sa isang mahirap na pamilya. Ang tatay niya ay isang sorbetero, minsan ay suma-sideline bilang karpintero at ang nanay niya ay nasa bahay lamang para asikasuhin silang apat na magkakapatid. Pinilit itaguyod ng mag-asawa si Joann sa kursong nursing dahil alam nilang magiging malaking tulong ito sa kanilang pamilya. Forchir College na si Joann ng sa hindi inaasahang pangyayari, makalipas ang siyam na taon, muling nag-dalang-tao ang kanyang ina for the 5th time. Mas na-fressure tuloy makatapos ng pag-aaral si Joann dahil siya ang panganay. Sa kanya nakapasan ang mabigat na responsibilidad na unang makatapos ng pag-aaral para suportahan ang kanyang pamilya. Buti na lang at kaunting tumbling na lang ay degree-holder na siya. 


Isa siya sa unang batch ng nursing sa isang baguhang kolehiyo mula sa malayong probinsya. Dahil nga forchir na siya, sa special areas na sila ng hospital pinagdu-duty para makakumpleto ng cases na gagamitin nila sa board exam. Sa buong buwan ng February, sa Labor Room/Delivery Room ng isang regional public hospital siya naka-assign.


Gabi ng Linggo, ika-17 ng Pebrero 1991, nakaduty si Joann ng biglang may ipasok sa kanyang area na hindi niya inaasahan. Isinugod ang kanyang ina na uma-active labor. Kitang kita ang sakit sa mukha nito dahil sa palapit na paglabas ng ika-lima niyang anak. Kinabahan si Joann sa mga pangyayari. Pagkatapos bihisan, dinala na sa loob ng LR ang Nanay niya para maobserbahan at hintayin mag-crowning. Isa na ito sa pinakamahirap na naranasan ni Joann bilang isang estudyante, lahat ng sakit na nararamdaman ng Nanay niya ay parang nararamdaman din niya. Oo, nakiki-feel siya sa contraction kaya nakikipagsabayan din daw siya sa pag-iyak ng Nanay niya. Iba daw sa kanilang magkakapatid ang ika-limang sanggol na iyon na papalabas pa lamang. Sinaksakan na ng gamot pampa-induce ng labor, pampa-soften ng cervix at pam-pacontract ng uterus, ayaw patinag ni baby. Parang nag-eenjoy pa daw at umiikot-ikot pa sa tiyan ang baby (na visible ang pag-galaw sa abdomen --- creepy, right?) kaya naman "aray! aray! naku... oohh" ang sabi ng Nanay ni Joann. Isang malikot na bata, may future yan!


Hating-gabi na ng sa wakas ay napagod mag-lilikot ang bata at nag-decide na siyang lumabas. Si Joann ang piniling mag-assist sa doctor para mag-panganak ng kanyang clinical instructor sa sarili niyang nanay. #ThatAwkwardMoment when you're about to see your Mom's pwerta. Nananadya si Ma'am! Sino ngayon ang sisisihin pag may maling nagawa? Walang iba kundi ang tense na tense at mukhang nagle-labor din na si Joann. Isang mahusay na estudyante si Joann pero sa pagkakataong ito, bukod sa mag-mukhang nagle-labor, pangangatog lang ng tuhod ang alam niya. Matapos ang isang mahabang pag-ire, nakalabas din ang baby.


Baby's out @ 1:35 AM, February 18, 1991. It's a bouncing baby boy!


Laking ginhawa ng nakita ni Joann ang kanyang bagong silang na kapatid. Mas lalo siyang naging masaya dahil sa nakikita niyang tuwa sa mata ng kanyang ina. Isa na nga sa pinakamasaya at hindi makakalimutan na ala-ala para kay Joann ang karanasan na iyon noong siya's nag-aaral pa. Nasa tabi siya ng kanyang ina habang ito'y naghihirap sa sakit, tumulong siya sa proseso ng pagpapanganak sa kanyang kapatid, siya ang unang nakakita ng kagwapuhan ng noo'y bunso nila at higit sa lahat, nakita niya kung saan din siya nanggaling. Yan ang experience!


Dahil siya na lang din naman ang nandoon at hindi na kayang sumagot ng kanyang ina, sinamantala na ni Joann ang pagkakataon sa pagpapangalan ng bagong-silang niyang kapatid.


Daniel Joshua --- yan ang ibinigay na pangalan ni Joann. Nanggaling at isinunod sa dalawang libro sa bible. Panigurado kay bait na bata nito paglaki.


- The End -


Ang kwentong ito ay naganap sa tunay na buhay... ko!


Yow: Dear Ate Joann, look at me now! I've grown-up as a good person. Kay linis ng budhi, tama ang iyong sinabi. Thank you sa pag-alalay kay Mother dear noong ako'y kanyang iniire, mukhang wala ka naman ginawang mali dahil hindi naman nasira ang ayos ng aking mukha. Good job! At hindi ako makapaniwala, ikaw pa pala ang unang nakakita ng buo kong pagkatao. I felt violated! LOL. Buti na lang hindi naka-describe sa kwento. Thank you and I love you. :)

38 comments:

  1. maligayang kaarawan sa iyo Yow! Masaya ko't kaibigan kita. :) May God continue to shower you with blessings :)

    ReplyDelete
  2. birthday mo pala kahapon yow. happy birthday!=D

    super close siguro kayo ng ate joann mo?wala lang naisip ko lang. ibang experience siguro yun noh, ang magpaanak ng sarili mong nanay. hehe

    ReplyDelete
  3. Happy Birthday Yow! God Bless always and may all your dreams and plans in life come true. We miss you! :D

    ReplyDelete
  4. Powtcha, kalandian mo Yow. Sige na nga, pagbibigyan na kita, bday mo naman e!!!! HABERDEEEEEEEEYYYYYYYYYY!!!!! :D:D:D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  5. Happy birthday po! may God bless you always and your family! :)

    ReplyDelete
  6. na-fressure ako d2.. sabi na eh, ikaw to eh.. nung baby's out na, ay si yow na to.. yowng isang malikot na bata.. hahah anyway, happy birthday yow.. eto.. apir!!

    ReplyDelete
  7. Bwhahahahaha!!!sinasabi ko na nga ba't ikaw ang malikot na sanggol na kumakaramba sa tiyan ni mudak... may gnwang mali si ate.may dprensya ka kya sa pg-iisip!choz.

    happy birthday Yow.Labya!:
    mula sa isa pang sisiwa, UNGAZ

    ReplyDelete
  8. hahaha ikaw pala yung si bouncing baby boy..haha..

    -Dinamdam ko ang sulat mo na ito, dahil nasaksihan ko din ang asawa ko nung naglabor. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimotan ang sakit at pighati na naramdaman niya. Kaya til now, ayaw ko sundan ang baby namin, dahil ayaw kong maulit ang gabing iyon. :)

    ReplyDelete
  9. Maligayang kaarawan Yow!!! The best of luck on your 21st year of existence!

    ReplyDelete
  10. imposibleng makalimot ako sa birthday mo.

    Happy happy birthday brother Yow! :)

    ReplyDelete
  11. Maligayang kaarawan yow! Regards kay ate joann

    ReplyDelete
  12. "Daniel Joshua --- yan ang ibinigay na pangalan ni Joann. Nanggaling at isinunod sa dalawang libro sa bible. Panigurado kay bait na bata nito paglaki." --- Hihi, WAGAS! :D

    You're one good kid, Josh. My birthday wish for you.. Good health, peace of mind, wealth and LOVE! More blessings! Happy happy birthday, Josh! :)

    Lovelots,
    Ate Leah <3

    ReplyDelete
  13. Happy birthday yow! kaya nga sabi ng nanay pareho kayo ng ate joann! wag mo lang kunin ang pagiging __ ...hahaha alam mo na yon...ate joann is so kind and generous. Love you ate and love yow! Happy birthday

    ReplyDelete
  14. Happy Birthday Pogi kong Diks. I love you very very very big! -Zet

    ReplyDelete
  15. happy birthdsy ulit yow1!! God bless you always!

    ReplyDelete
  16. Ay hehe buti hindi ako nagskip read this time! Ikaw pala yun Juswa! Happy Birthday sa iyo!

    ReplyDelete
  17. hahah kahit lampas ng kaarawan mo na jushua.. igegreet parin kita ng maligayang kaarawan hanggang ngayon bouncing ka parin naman.. hahhaa

    ReplyDelete
  18. huy belated happy birthday :) huli man daw at magaling, huli pa din. haha! ganda ng storya ng ate mo ah.

    ReplyDelete
  19. Josh, happy birthday! too late na, pero bahala na. basta the thought is there. di man kita kilala in person but through your posts, i can say that you're a good person. HABEERDAY MA FREN :))

    ReplyDelete
  20. Belated hapi hapi!! Ang ganda ng kwento..kakatuwa! sure ako na ang sarap sa feeling ng sis mo yun!!

    ReplyDelete
  21. maligayang pagbati po. huwaw naman. :D

    natuwa ako sa first paragraph mo :D tama nga naman, nasa tabi nila tayo pag ka panganak at pag ka matay. :D

    ReplyDelete
  22. naka ng! hanep sa pagkakakwento. ibang klaseng beerday post. hehe. o eh beerday mo pala last week, di ka man lang nagpainom? abutan mo naman kami rito ng heineken. lol!

    pibeerday, pareng yow! more beerdays to cum!

    forchir, bow! XD

    ReplyDelete
  23. Kala ko hindi ikaw. Ikaw pala! Hahaha. Ang ganda ng kwento. Di ko yata kayang ako ang magpanganak sa nanay ko. lol

    Daniel Joshua. Bagay sayo. :D

    ReplyDelete
  24. Ang ganda ng story... Hahaha. Naaliw ako.

    Happy Birthday Yow! :)

    ReplyDelete
  25. the best Daniel na Joshua pa.buti na lang di kinailangan ng Pump kusa kang lumabas.

    ReplyDelete
  26. naku late na late nko pero happy birthday pa rin yong ha, lam ko lumaki kang di lang bouncing kundi very mbait na bata!

    ReplyDelete
  27. super duper extremely uber belated happy birthday colleague :)


    Godbless.

    ReplyDelete
  28. nung nasa kalagitnaan na ako ng storya,biglang pumasok sa isip ko na sarili m0 nga ang kinukwento mo :)

    nice mabait na bata talaga?heheh

    ayos! musta?

    ReplyDelete
  29. Ngayon lang ulit ako napadpad dito, may birthday post ka pala.. hahahah sori naman tagal kasing mag-update ng may-ari ng blog na 'to eh.

    Ang galing ng ate mo Yow, kung ako yun baka nahimatay na ko sa sobrang tensed dahil kapamilya ko yung nakahiga at umaaray aray sa sakit. Buti na lang talaga nailabas ka ng maayos. hahahaha

    Binati na ata kita sa chwirrer pero belated happy birthday na rin. :P God bless. :)

    ReplyDelete
  30. magandang pangalan, daniel joshua...

    ReplyDelete
  31. Hi Yow. Ang tagal ko na yatang hindi nagkokoment dito. Pero minsan nasulyap ako sa google reader ko at bihira ka din namang mag-update. Hehehe.

    Ikaw pala at ang ate at nanay mo ang nasa kuwento.

    Sisiwa. Ang lalim na wikang Filipino. Hindi pamilyar.

    ReplyDelete