Bukod sa mga nabanggit, madaming award na rin ang tinanggap ko dala ng aking sipag at tiyaga. Tulad na lang nung elementary pa me, nakuha ko ang 'Most Industrious' ribbon na kulay neon green dahil sa sipag ko sa pagtitinda ng barbecue, spaghetti, palabok, at mga pastilyas na paninda ni Ma'am. Wala rin kasing nakapantay nun sa aking gilas sa paglilinis ng banyo pati na rin sa voluntary na pagtitinda ko sa school canteen. At ako na nga ang nagwagi, ang sipag sipag ko. :) Akala ko estudyante ako, helper pala pinasok ko. Nakakahiya naman sa tuition fee.
Recently, nakatanggap ako ng mga bagong awards bukod sa mga nabanggit ko na sa first paragraph. Hindi naman sa pagmamalaki pero I think, well-deserved naman ni Yow ang mga natanggap na awards. Ako na! Oo, ako na nga! At eto na sila:
- BEST in HIATUS award - Hindi na ako nagtaka nung natanggap ko ang award na ito. Ako lang naman ang blogger na biglaang nawawala ng one to two weeks ng walang abiso sa 5 kaibigang nagbabasa ng blog ko (shet! i'm so pemous). Eh bakit ba kasi? Nanay? Magulang? Nagpapaalam dapat? Malapit lapit na mag-isang taon ang Its YOW time and I am proud to say na 3/4 ng buong taon na yun eh hindi ko inupdate ang blog ko. Busy busyhan din kasi at hindi maisingit sa schedule. Dinadaig ko ang OFW kung makapaghiatus at kung makaclaim na ako eh busy sa buhay. Pagbalik ko kanina eh nasabit sa good-looking face ko ang mga sapot dito sa bahay ko. Like there's so many sapot and agiw like euw then its so dirty na telega! Sorry naman. Thank you for this award. :)
- LIBOGLESS award - For the second time, hindi ako nabigla nung natanggap ko ang award na to. Wholesome ang blog ko tapos mabuting tao at malinis ang puso ng Yow na may-ari kaya walang naiisip na kamunduhan na literal. Nung nagets ko kung para san ang award, lalo ako natuwa dahil akong ako nga. Ako na! Para pala ito sa mga blogger na walang mai-blog dahil nawawala ang libog sa pagbablog. Ang sarap at ang saya magblog pero dumadating talaga sa point na bloggers fall out of libogness sa pagbablog. Sa katulad ko pang responsableng estudyante, (FINE!) medyo responsableng estudyante na madaming ginagawa at madaming iniisip, di ko na maisingit ang pag-iisip ng salitang itatype para mabasa ng limang tao. Sumasabay pa ang shitty problems na meron ang mga taong nadadarang at natutukso din eh wala na, nadepress na ako. Lalong nawala ang libog. Ang hirap pa naman magsulat ng may nararamdaman dahil nagrereflect sa sinusulat mo kahit ang saya ng sinasabi mo. "Nadapa si Juan at nangudngod sa ta* ng kalabaw na may bubog in it. Ahuhuhuhu." Nagrereflect nga di ba? Sorry naman. Pero THINKSYOWBEYRIMATS sa award. :)
- MAKA-JUAN award - Nagulat ako nung natanggap ko to, I was like WHAAAT?! Arte? Oo, kasi naman hindi ako makabayan, hindi nangingibabaw ang nationalism sa aking puso at isipan, at isa akong unregistered voter (sa lahat ng uri ng election :] rakenrol). Nung maliwanagan tungkol sa parangal, natuwa naman ako napansin ang katangi-tanging talent kong pagiging tamad. Naubusan kasi ako ng maintenance para sa sakit kong Katamaranism Syndrome. Per hour ang atake at fatal na nga ata ito kaya lagi na akong tinatamad. Sobrang hirap labanan ng katamaran lalo na sa katawang may kapaguran daba? Lagi akong pagod therefore lagi akong tinatamad mag-isip. Tapos depressed ka pa, tapos tigang ka pa. E di wala ng pag-asa ang buhay ko. Sorry naman. :)
Sa nagbigay ng award, maraming salamat at nagkapost tuloy ako ng panibago. Alam kong masusing pinag-aralan kung sino ang karapat-dapat at talagang napili akong manalo fairly. Sa aking five readers, pasensya na kung bihira magpost. Wag na lang kayong magsasawa na bumalik balik. Makapagnilay-nilay nga sa magagandang site dito sa web para magbalik ang libog ko sa lahat ng bagay. Sabi nila madami daw nakakagana dito eh, kasi ako wala talaga alam tungkol sa mga pampagana at pampalibog (sa blog) na yan. AS IN WALA. Thank you ulit sa anonymous blogger na nagbigay ng award. Ayaw pa niya magpakilala pero bibigyan ko kayo ng clue. Sa kanyang pangalan ang huling tatlong letra na makikita niyo at the end of this post. Pak na pak na pak siya! Thank you... :)

