Sixteen years ago, December 11, 1994, may bagong salta sa pamilya namin na umagaw ng trono ko sa mata ng aking mga magulang. Akala ni Mamang at Papang dati ako na ang bunso sa aming pamilya. Huling hirit na ako dahil may katandaan na sila parehas at mahihirapan na sa pagbubuntis ang aking ina. Ngunit, subalit, datapwat dala na rin ng ihip ng malamig na hangin dahil magpapasko noong panahon na yon, nag-painit ulit ang payrents ko at pak na pak na nakabuo for the 6th time (hobby lang, sorry naman). Nabuo at naging laman tiyan na nga ng aking nanay ang huling miyembro ng aming pamilya. Payn! Welcome Christine Lyzette Torres Villangca. Zetlog for short, ang babaeng "bekols".
![]() |
| Zetlog and Yow. |
Ako ang bunsong lalaki (Oo, Yow, paulit-ulit? Paulit-ulit?) at si Zetlog naman ang ultimate bunso at ang bunsong babae. At dahil dito NEVER kaming nagkasundo nung bata pa kami. Lagi ako napapagalitan ng Nanay dahil sinusuntok, sinisipa, tinutulak at inaaway ko si Zetlog nung bata pa us. Kahit sermon at palo ang kapalit nun, fulfilling pa din sa pakiramdam ang mapaiyak ko siya. O di ba? Tunay na ehemplo! Kapag magre-reminisce ako ng aking childhood, puro away kay Zetlog ang naiisip ko. Perpek!
Nag-high school ako at si Zetlog ay nasa elementary. Panahon ito na napakadami kong barkada sa barangay at kami ang mga tambay sa bawat kanto tuwing umaga at barangay tanod naman sa gabi. Lagi akong laman ng kalsada noon, in short, palaboy. Inggit na inggit ang Zetlog nun dahil paymous ako at madaming friends. Kaya naman nagsusumiksik siya araw-araw at pinagpipilitan ang sarili sa amin.
Zetlog: Dikong, sama naman ako maglibot. Sige na? *insert makaawa face*
Yow: Wag ka nga! Bata ka pa. Dito ka lang sa bahay. Tsaka ka na sumama kapag teen ka na.
Yes naman. May requirement talaga ako noon para sumama siya sa amin. Makapagexcuse na lang. Ayoko talaga siya kasama noon dahil magsusumbong lang siya kay Nanay na kung saan saan ako nakakapunta. Isa pa, kunwari ulirang kapatid, ayakong makisali siya sa kagaguhan ng mga barkada ko nun kaya iniiwan ko siya sa bahay para magre-pack ng cocoa. Nawalan na lang ako ng ilulusot nung nag-thirteen na ang sissy. Buti na lang, nawalan na din ako ng friends nun kaya wala na kami makakasama.
Noong nagsimulang maging home boy na lang ang Yow at nawala na ang itchiness ng bungang-araw dahil sa kakalakad sa kalsada maghapon, puro si Zetlog na lang ang nakikita ko. Pinagbawalan na kasi ako maglibot ng Nanay ko dahil nalaman niyang nagnakaw nanguha kami ng mangga sa bukid ng kung sino mang farmer. At this point, I had no choice. Wala na ako friend kaya naman si Zetlog na ang naging sandigan ko at naging kaibigan. Nandoon pa rin ang bangayan namin dahil umaartii na siya, nagdadalaga kunwari pero mas naging close naman kami as in real tight! Naghahanap pa naman kasi ako ng kaibigan, nasa bahay lang pala matatagpuan.
Kakaibang trip? Yun kaming magkapatid. Magpapatugtog ng malakas sa bahay, sabay magsasayaw ng weird dance moves at showdown ito. Sayaw ng langaw, palaka, kangaroo, itik, o bayawak pa, naipangbato na namin sa showdown. Kapag nag-senti yung tugtog, upo naman sa sofa at magkakantahan. Babanatan niya ako ng falsetto niya at titirahan ko naman siya ng crescendo (kung anu man yun) sa awiting pinamagatang Nothings ganna chains my Love poryu. After ng tagisan ng talento, talk show kwentuhan naman gamit ang sarili naming language at english dictionary. For example, "Pring kling iskring. Sizzlinghot, you know what? I'm hungryful. I want some delicacy food of the spirit." Nagets mo? Bute ka pa. Bihira ang may makagets ng delicacy eh. Hindi ako magtataka kung bakit ang dami nagtitinginan sa amin kapag nag-uusap kami ng ganto sa publiko. What's wrongage with that? You Frik!
Sa lahat ng tao sa paligid ko, I never thought I would end up having my sister as one of my best friend. Nagsimula kaming magkagalit, sa huli kami din pala magkakasundo. I am so blessed to have a sister like Zetlog. Sobrang mainitin ulo ko lalo na kapag naghahanap ng nail cutter o kaya ay naglilinya ng balat ng egg para makabuo ng mosaic pero nandiyan si Izet na kahit halatang natatakot sa galit ko eh patatawanin ako para kumalma ang puso ko.
Recently, na-snatch ang wallet ni Zetlog with her whole allowance in it. Pagdating niya sa bahay, umiiyak siya at umakap sa akin. Pang-MMK ang eksena at nakavoice over na si Dear Ate Charo Santos-Concio. Nagulat ako at akala ko kung ano nangyari. Dikong lang siya ng Dikong kaya kinabahan ako. Akala ko may nangbastos sa kanya o anu man, kaya handa na akong sumugod sa pinanggalingan niya dala ang itak na pamana ng aming ninuno at ipagpapatayan ko siya maiganti lang. Maya-maya pa, nagkwento na siya at nakuha nga daw ang wallet niya. Na-overwhelm ako sa iyak niya at sa MMK moment kaya kinabahan ako at nung narealized ko na wala naman palang pangbabastos na naganap, ang tanging naisagot ko na lang ay "Ang tanga mo naman!" Hindi pala nakaktulong yung sinabi ko, kasi naman sissy, pinakaba mo me. Sorry naman.
That time, naisip ko na di ko kayang may mangyaring masama sa aking kapatid, sa aking sissy, sa aming bunso, sa aking best friend. O kahit naman sino sa aking pamilya, hindi ko kaya! Kaya from then on, nag-promise na ako na babawasan ko na ang magbitiw ng masakit na salita kapag nanakawan ang isang tao. "Tanga" na lang, para one word na lang. At syempre, babantayan ko na sila. Makapaghinto na ng pag-aaral maging body guard lang nila.
Ang dami ko na sinabi eh babati nga lang pala me. Happy Birthday Zetlog. You know your Dikong loves you so much so be safe. Make us proud. Thanks for everything. You're a blessing sissy. Nagmamahal, Diksy YOW. :)

