Tuesday, March 30, 2010

Earth Hour

*This is a late blog post.

Nung isang araw, ang buong mundo, kaisa na ang mga Pinoy ay nakiepal at sumali sa Earth Hour 2010. Sinimulan noong nakaraang taon ang Earth Hour kung saan ang buong mundo ay sabay sabay magpapatay ng mga ilaw sa kanilang tahanan upang makatulong sa pamamagitan ng pagkonserba ng kuryente upang mapigil ang lumalalang climate change (sariling isip lamang, wag pagtiwalaan).

Bilang responsableng mamamayan at anak ni Bro, of course, nakisali ang switch ng aming ilaw sa pangyayaring ito. Nakipatay kami ng ilaw mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi. Ilaw lang. Sagad na yun. Ilaw lang naman talaga ata ang pinapatay eh, di naman sinabi sa instruction na pati laptop na nagpefacebook, TV na nakatutok sa Pilipinas Got Talent at aircon na may collection of sapot. Sa pagpatay ng ilaw, nabalot ng kadiliman ang aming tahanan. Tanging ilaw sa TV ang nagsilbing aming gabay. 

Bigla bigla na lang, parang naghahanap ng lasa ng halo halo yung lalamunan ko. Mag-aalas nwebe na ng gabi yun, pag nga naman lalamunan ang naghanap, hahamakin ang lahat, mapunan lang ang pangangailangan. Kaya lumabas ako ng bahay at nagpasama sa aking kapatid na bumili ng halo halo. Sa paniniwalang ang lahat ay nagpatay ng ilaw, hinanda ko na ang ilaw ng tora-tora phone. Pagkabukas ng pinto, booogsh, kaliwanag. "Lord, ngayon na ba ang takdang panahon?" ang bumulaga sa amin ng aking kapatid. Ang mga kapitneighbors ko pala eh walang alam sa nangyayaring dapat sana eh tulungan sa pagpatay ng ilaw. Buong bahay pa nila ay punong puno ng liwanag. 

Pag kabili ng pagkaasam asam na halo halo, naglakad na kami pauwi ng aking kapatid. Tinahak na naman ulit namin ang isang kalsada na madilim dahil sa kulang sa poste ng ilaw. Dun namin naramdaman ang disadvantage ng magpakailanman naka'Earth Hour na lugar, napakadilim. Sa aming paglalakad, biglang:

Sissy: Ayyy... Shit!
Yow: Oh? Napano?
Sissy: [Tawa] Yuck! [Tawa more] Kadiri Dikong. [Tawa even more]

Ganun na lang ang naging saya ng aking kapatid sa kanyang naranasan. Biglaan kasing may malambot syang naramdaman sa kanyang sinelas. Kasabay ng malambot na pakiramdam ay ang pagkalat ng amoy sa paligid. Nakatapak ng ebak si Sissy. Ebak pa ata ng kalabaw. Yung malupit na malaki at malupit na brown. Ang hirap naman kasi ng walang ilaw. Agad tumakbo si Kapatid sa may gilid at parteng may semento at kinaskas dun ang biyayang kanyang natanggap. Nakauwi kaming may saya at maligaya.

Ilang SK Chairman na ang nakadaan sa aming barangay namin, di pa din nalagyan ng ilaw dun. Yun na nga lang ang gagawin nila eh, ang magpalit at magkabit ng ilaw. Umaksyon na dapat ang nasa kinauukulan kung hindi, baka ireport ko pa kayo:

"Ako po si Yow Co, residinti ng Brgy. Bagoong na Sikat, ang inyung citisin patrul."

Thursday, March 25, 2010

Kutis ni Anne Curtis

Kalat na ang balita sa internet, sa newspaper, sa tabloid at higit sa lahat sa facebook. Nalalag ang bra ni Anne Curtis during their taping of ASAP XV sa Boracay. Napanood ko na yung video. At malupit... Talagang malupit na lumabas ng buo yung right boob nya. May tan line pa. Yung dibdib mismo lang ang maputi. Amp. Well, anyways. Bukod sa maganda yung aking natunghayan, nakakainis pa din ang sangkatauhan. Nahubuan na nga yung tao, ipinost pa ng walang pagbo-blur na naganap. As is na ginawang front cover ng Pinoy Paparazzi ang larawan ni Ms. Anne Curtis na nakalabas ang dibdib. Yun ba eh makatarungan pa? Di man lang nagpahayag ng bahgyang respeto sa napakagandang dilag at kahit papano eh pinalabo man lang. Yung chismosong magazine ba na yun eh porno mag? Nakakaawa na nga si Anne, babanatan pa ng ganun. Awang-awa ako kay Anne, nag-uumiyak. Tapos nakuha pang ikalat ng ibang tao sa mga blogs nila, sa facebook at sa iba pa? Sabi nga nila, do not do unto others what you don't want other do unto you, eh kayo kaya picturan ng hubo o nagsasagawa ng pagpapasaya sa sarili at pagpasa-pasahan ng mga tao, di ka nga rin kaya maiyak? I don't like lang talaga yung idea na para lang kumita ang tao at may mapagusapan ng bongga eh gagawin yung bagay na ganun. Padating na si Maria Makiling at si Inang Kalikasan para gantihan kayo... BFFs ng Dyosa. 


Mga kaibigan, wag na lang natin ikalat ha? :)

Wednesday, March 24, 2010

Fully-loaded.

Hell is extended 'till next week. Imbes na relak relak na lang sana eh magiisip ka pa para sa punyemas na requirement ni Saber tooth. Si Saber tooth na lagi na lang nagmamaasim at parating humahanap ng taong perpekto. Baka ikabagsak ko pa ang di pagpass ng crap book nya. Imba talaga ang linggong ito. Napakadaming ginagawa sa pangkatolikong paaralan na aking kinabibilangan. Madiwara. Madugo. Masakit sa ulo. Nararamdaman ko ng unti unti ng bumibigay ang utak ko na twice a week lang dapat ginagamit para magfunction ng maayos. Naghahang kasi pag palagi. Di ko pa napapareformat. May bayrus ata.

Punong puno ng examinations ngayoon linggo. Apat na bonggang major ang sumasalubong sa amin na pagsusulit. Salamat na lang at di naman na tinuloy ni Saber tooth at Ma'am Elma Muros ang kanilang cover to cover exams. At least nabawasan. Ang nagmaasim na lang talaga eh si Sir Marian at Sir Mood swings. Bukod sa exams may documentary pa kaming tinatapos at ang ayaw maglubay na thesis eh ipapass din. Gusto ko na lang matapos ang linggong ito at ng sumapit na ang kwaresma para makapagnilay-nilay na lang at abangan ang Ms. Gay sa aming barangay na isasabay pa ata sa araw ng santo-santo. Wala eh. Trip trip lang yan.

Gawa na nga ng pagkabusy ko kaya nagawa ko na lang biglang mag-ubos pa ng oras gumawa ng wa ents na blog post. Haha. Exam ko lang naman bukas sa dalawwang subject. Eh anu nga kasi kung bumagsak? Haha. Itatakwil lang naman ako ni Ermat at Erpat at lalaki akong walang aplido. Mag-blog na lang. Wala pang tuition. :))

Thursday, March 18, 2010

Jeepney Joyride :D

I'm a keen observer. At sa pagmamatyag ko sa paligid ko,
sadyang madami akong napapansin na mga bagay na
kaigaigaya, kamangha-mangha at minsa'y kalunos-lunos pa.

Madami akong naging experience this past few days sa nasasakyan kong jeep. Pag-uuwi ako dito sa bahay, usually every weekend or kahit anung araw, di na ako pumupunta sa paradahan sa palengke at pag dun ka sumakay, nabulok ka na sa kahihintay ng kasakay mo, wala pa din, mabagal ka pa makakarating. So for practical reasons, para makatipid at mapabilis, Jeep ako sasakay. Usually, ang sinasakyan ko e Bongabon-Palayan na byahe kasi dadaan yun sa kanto namin.

Wag ng pahabain pa, eto na nga..
Simulan natin sa kaigaigaya.
One time, nagaabang ako ng Jeep sa Mabini.
Ayan na. May parating na. Nung malapit na, napansin at naisip ko:
Ay! Yung jeep e inlab. Pulang pula. Red all over. E di sakay na nga ako.
Pag pasok ko sa loob, pula din ang seats nya. Pulang dingding. Pulang kisame.
Kung kisame nga ba tawag dun sa jeep.
Di ko agad napansin pero maya-maya bigla ko din narealize.
Pitong pares pala ng mag-iirog, nagmamahalan at nagtutukaan na couple ang nasa loob.
May magsyota, may mag-asawa, baka may magkalive-in, may matatanda pa.
Eh namali ata ako ng sakay. OP ako, sanamabits!
Baka biglang mag-Lovapalooza silang lahat, magulat ako. 
Magpapasko naman kako nung panahon na yun, balemtayms na ba?

Dumako naman tayo sa kamangha-mangha.
May kamangha-mangha akong naencounter sa pagsakay ko sa isang jeep.
May isang babae sa jeep, wag ka muna magisip.
Di siya kamangha-mangha dahil nakasakay siya sa jeep na nakapatong ang paa sa balikat
o ang tenga ay kaya niyang ipasok sa pusod niya.
Di rin siya nagpapangas dun ng buhay na manok.
Kamangha-mangha siya dahil sa kanya napunta ang TULALA Award.
E ganire nga.
Nagdala ako ng lunch para sa pamangkin ko sa school niya.
After ko siya mapakain, uwi na agad ako. At dun ako sumakay sa gilid ng school nya.
May paradahan dun yung mga jeep.
Pagdating ko dun, wala pang jeep. E di upo ako sa shed at naghintay.
Here comes the jeep.
Medyo mapuno-puno na agad, pagtanaw ko pa lang.
Sabi nung kundoktor, sa harap na lang daw ako.
Sa harap, may nakaupong babae, siya na nga yun.
Ang kalaban ni darna, ang original na BABAENG TUOD.
Pinagbukas pa ako ng pinto sa harapan nung kundoktor.
Eto na. Pagbukas, yung babae, walang imik.
Ayaw patinag. Ayaw dumasog.
Sabi ko sa driver, "Pwede pa po ba dito?"
Umoo naman siya. Naguusap kami, nakapagitan si Ate.
Mga 3 minutes din ang lumipas, di pa din siya kumikilos.
Gusto ko ng sumuko. At sa loob na lang sumakay.
Pero biglang lumingon si ne at napansin ang mga kakilala nya sa shed.
Nakipagusap pa siya. Yung maliliit na babae at natatakpan ko pa, napansin niya.
Ako na pagkalaking tao, deadma siya. Attitude!
Ayon! Finally, dumasog din siya.
Si Ate kaya e nakatulog na dilat na dilat ang mata?
O baka may nakita siya na hindi namin nakikita?
Ewan lang.

Panghuli. Ang binagyo. Ang kalunos-lunos.
Ang tagal na nito. At may participation si Best Angie ko.
I'll never forget this one..
Nakasakay kami ni Best Angie, of course, sa Jeep.
Punuan eh. Nung napuno na, umandar na siya.
Tapos may weird na lalaki sa tapat namin.
May dala siyang calculator. Bago ang calcu, take note.
Excited ata siya magamit yung calcu.
Kukunin niya ito sa box, pipindutin na parang may kinocompute.
Ibabalik ulit sa loob ng box. Pamaya-maya. ganun ulit.
Kuha. Pindot. Balik. Kuha. Pindot. Balik. for 3 times.
Eto na ang eksena. Nagsawa na siya sa calcu niya at binulsa niya.
Sabay kuha sa isang cellphone sa bulsa niya, kapalit ng calculator.
Hawak na niya ang phone. Yung cellphone na yun ay isang laruang pambata.
I think lahat tayo ay pamilyar dun. Pagpinindot ying keypad, magriring sya,
may sinasabi pa nga, at minsan pa e kumakanta.
Pinindot pindot niya yun sa loob na jeep.
Tila mo ba nakikinig sya ng music ng Slapshock at gusto pa magheadbang sa loob ng jeep.
Di na napigil ng mga tao ang emosyon.
Lahat ay nagtuon ang pansin sa kanya. Sabay sabay ngumiti.
At sabay sabay din tumalikod at yumuko para ikubli ang pigil na tawa.
Syempre, kasama kami dun ni Best Angie. Haha.

Sa jeep talaga madami ka mararanasan. Madami pang iba jan.
Sa sobrang dami, baka makabuo ako ng website.
Masaya din sumakay sa jeep.
Pag problemado ka? Sakay ka lang sa jeep.
Tapos bahala na ang jeep mag-alis ng problema mo.
Ne?
Sakay na... Paparapapa. Love ko 'to.

Master JC

Ang ating mundo ay binubuo ng iba't ibang uri ng nilalang. May nakatataas, may mas mababa at may swabe lang. (Ganun sa mundo ko, wag na lang kumibo kung iba kinabibilangan na mundo.) Noong ako'y bata pa at nag-aaral ng elementarya dito sa aming lugar, lahat ng kasing kabataan dito ay kilala ko at kaibigan ko. Nagbago lang lahat nung kabod nagdesisyon si Maderdir na ilipat ako.


Nung grade 5 na ako, inilipat ako ng eskwelahan ni Maderdir. Kesyo maganda daw ang turo dito kesa doon at para magkasama na kami ng bunso kong kapatid. Madami ako binitiwan nun at di bukal sa puso akong lumipat. Simula nun, nawalan na ako ng kilala sa lugar namin. Yung mga dati kong kaibigan at kaklase, parang di na ako kilala. Nakalimot bigla dahil "pangmayaman mag-aral sa bayan", sabi nga nila. E di ayus pala, nag-aral lang ako sa bayan, at iniwan ang baryo madlang pipol eh kabod na pala ako naging milyonaryo sa mata nila.


Makalipas ang ilang taon, tumuntong na ako ng hayskul. Nagbago na ang lahat. Nagsipagbinata at nagsipagdalaga ng bahagya lahat ng kaedad ko pati na ako syempre. Pero hindi si JC. Si JC ay isa sa naging kaklase ko nung elementarya na kapitbahay pa namin. Huli na sya ng pag-aaral at mas matanda pa sa ming mga kaklase nya nung mga panahong iyon.


Siya ang tinatawag naming Master JC ng aking bunsong kapatid. There's something special about Master JC. Kaya pwede mo na sya iclassify as special child. Amp. Hindi na sya nag-aaral. Nakatakutan na daw ata ang eskwelahan pagkagraduate ng elementary. Baka pinanghawakan nya yung kwento na lahat ng eskwelahan eh dating sementeryo. Kaya ayon, pinagtayo na lang sya ng sari-sari store ng kanyang nanay. Successful ang tindahan ni Master nung ito'y nagsimula. Sa gabi, madidinig mo sa tapat ng bahay ang joking session ni Master sa tambay ng kanyang tindahan. Joking sessions na lahat ay tinawanan. Tinawanan nya magisa. He has din weird laugh na dinaig ang tawa ni Mr. Bean. Sa tuwing maririnig mo ito, suya ang mararamdaman mo. Bumili ka sa kanya at pag susuklian ka ng mamiso, ihihilera pa sa harap mo isa isa yung piso. Yung tipong taeng-tae ka na tapos di sya papipigil na ihilera ang piso at bilangin ito isa isa sa harap mo kahit nabilang na nya yun pagkakuha pa lang sa kaban ng pera nya. Ito ay ilan lamang sa mga gawain ng tunay na master.


Humantong sa pagkalugi ang negosyo ni Master. Gamit ang kanyang creative mind, nagisip sya ng maaring gawi para kumita. Gamit ang talento sa pagguhit, nagdrawing sya ng mga cartoons, usually ay si Sailormoon o di kaya ay si Miyaka. Pinaxerox nya ang mga drawing nya at ibinenta ng dalawa piso. Coloring book pala ang gusto ng loko. Pumatok naman daw ang idea nya sa mga batang isa pang loko-loko. Nung isang araw lang, nakita namin si Master. Sarado na ang tindahan nya. Kaya nakikibonding na lang sya sa tomboy na nakatambay sa harap ng tindahan nya na ngayon ay sarado na. Nakakatuwang isipin na ang tagal na ng panahon pero di pa rin sya nagbabago. Sya pa rin si Master JC na nakilala namin ng aking kapatid. Nung mga panahon na nakita namin sya, nagpapakitang gilas sya sa tomboy at pilit nyang itinutulak ang poste para bumuhal. Yan! Yan si Master JC.

Monday, March 15, 2010

Linggo ng Pagkabuhal part II

I have a blog entry sa isa kong blog telling a sunday mass story na may eksena. Sa lahat ng nakabasa nun, nabasa nya yun. Tungkol yun kay Fr. Dante, isang pari ng aming cathedral na bigla na lang bumuhal sa gitna ng kanyang pagmimisa paharap. Twembang kung twembang ang eksena. Naalala ko pa yung pagkagusto ko nun na tumakbo sa taas ng altar para tulungan sya. Sa pagsisimula ng misa hanggang sa bago sya bumuhal, kakikitaan na talaga sya ng pagod at di magandang pakiramdam. Punas dito, punas diyan sya ng pawis. Hindi na rin nya naipalawig pa ang kanyang homilya. Naging memorable sa amin ang misa na yun kaya naikwento ko sa blog ko.


Kanina, imbes na manood ng Packy vs, Clutti na laban, minabuti naming magmisa. Yun naman ang lagi naming ginagawa. Kasama ko ang kapatid ko sa pagsisimba. Pagdating namin sa katedral, patapos na ang unang misa sa panghapon. Kaya naghintay na lang kami ng susunod na misa. Natapos ang misa at nagsimula ang misa na aattendan namin. Maganda yung takbo ng misa, maganda ang message ni Father.


Sumapit na ang punto pagkatapos ng communion. Dun na matatapos ang misa. Konting paalala na lang at uwian na. Nakaupo ang lahat. Tahimik. Nagsalita ang commentator:


Commentator: "Malugod po naming ipinaaalam sa inyo ang pagkawala ni Reb. Dante Ga****. Noong biyernes lamang po ay binawian sya ng buhay at masaya ng kapiling ng ating Mahal na Panginoon. Ipagdasal po natin ang kanyang kapayapaan."


Nagulat ako. Kami ng kapatid ko. Sa balita ng commentator. Malugod pa daw. Nalugod si kuyang commentator. Natahimik kami bigla at inalala ang pagbuhal nya nung dating misa. Di na kinaya ni Father ang sakit. Tuluyan na siyang ibinuhal nito. Nalungkot kami sa balitang iyon kaya pagkauwi ay nagbahagi kami ng kalungkutan sa aming nakatatandang buntis na kapatid. Expected, nalungkot din sya. At nasobrahan ata. Madedepress pa ata. Mga buntis talaga eh.. Amp.


Rest in Peace Father Dante.
Thank you sa paglalapit sa amin kay Papa Jesus.

Pista ng Kwaresma.

Dumating na ang Perya. Magkakagulo na naman muli ang tao sa mga Color Games at Bingo. Madami na naman ang mapupuyat kakahintay ng blackout bingo na nagaganap kapag papasara na ang bingohan. Nakakatuwa ang mga tao tignan na dedikadong nagtatantos ng mga bingo cards para sa kanilang paguwi bitbit na nila ang nakataling baboy na papremyo, pasan-pasan ang isang kabang bigas na may saya sa labi, at nagiisip na ng uulamin dahil may bago silang isang set ng plato, platito at mga naso na galing din sa peryaan.

Ramdam mo na talaga ang papalapit na pista. Tulong tulong na ang tao na nagkakabit ng kurbating (banderitas para susyal) na gawa sa isang mahabang tali at binuhol na plastic ng lutong-ulam. Pagkatapos ng fiesta, una-unahan na sa paggising kinabukasan ang lahat para makadami ng makakalap ng plastic. Lalu na yung may tindang lutong-ulam. Gabi pa lang, nagkakalag na. Resourceful nga naman talaga ang mga tao. Lalo ang PINOY!

Huling araw ng buwan ng Marso ang fiesta dito. Tamang tama naman at Miyerkules Santo na ang nasabing petsa. Pero walang papipigil na mamamayan ng Bagong Sikat para di matuloy yan. Pag namove, mauubliga ang lahat ng imove din ang pabinyag ng anak nila, ang mga advance o belated na birthday celebration o anibersaryo ng kasal. Anyway, anyhow, inihaw na isaw, ako pa din ay nangungumbida sa inyong lahat ng makipista dine sa aming nayon. Miyerkules Santo kaya umasa kayo na nilagang sitaw o kangkong,ginisang petchay, pritong talong at nilagang okra ang madadatnan nyo sa hapag. Partida na ang presence ng buro. Haha. Walang magagawa. Bawal ang karne sa buong linggo ng kwaresma. Kawawa naman mananalo ng baboy sa Blackout bingo, di rin pala makakapagkatay.

Ay. Tisay! May option naman pala kayo pag dating nyo dito, pati din pala ako. Sabay-sabay at hawak-hawak kamay tayong susugod sa simbahan sa araw na yun dahil may libreng pakain malamang ng munggo o sopas. Maganda yan! Tara ne? Happy Fiesta! :D

Pac-Clot

Lahat ng tao ay nasa bahay. Ang mga kalsada ay halos walang laman. Tutok ang buong sambayanan sa telebisyon. Bakit? Kasi laban na naman ng pambano pambansang kamao na si Manny Pacquiao. At ngayon, si Akon Joshua Clottey naman ang balak nyang patumbahin. Di naman ako pans ni Packy kaya ni katiting eh hindi ko binalak masagi ang tingin ko sa telebisyon. Aywan ko nga ba kung bakit di ako matuwa sa kanya at gusto ko pa matalo sya. Haha. Try lang. Tignan natin kung matuwa pa ang Noypi. Eh mukang wala ng pagasa pangarap ko at sabi sa TV eh Pinakamagaling na Boksingero sa buong mundo na daw. 

Paggising ko, overseas call sumasalubong sa kin. Inaabot na agad sa kin telepono kakabangon ko lang sa kama. Magkadikit pa gilid ng labi ko, tuyo pa buong bibig ko pero wala na ko nagawa kundi kausapin ang aking magulang. Isang masayang masaya, naghuhumiyaw at naguumisplit na ermat ang sumalubong sa kin sa speaker ng telepono. "Anak, nanalo si Pacquiao!" sabi sa kin. Nawalan ako ng ulirat sa aking nabalitaan na syang sumalubong sa pagsisimula ko ng araw kaya agad akong sumagot sa aking ina at sumagot ng puno ng emosyon na "Oh?".

Ganyan kamahal ng sambayanan si Packy (bukod ako, opkors). Parang natupad na ang pangarap sa buhay sa tuwing may ipapanalo si Packy. Tumatambling! Natutuwa din naman ako kay Manny at nakakapagpasaya siya ng tao. Kahit minsan man lang eh makalimot ang mga tao na wala na silang isasaing bigas, wala na silang shampoo. Nawa naman eh wala ng nabawian ng buhay ngayon na pans ni Packy dahil lang sa kakahiyaw sa bawat suntok nito. Di na lang sila lumaban ng hindi naman nasayang buhay nila. Ang kasalanan lang naman nila eh nanuod ng laban at humiyaw. Malakas talaga si Aling Joe (pangmayaman na dapat si Aling Dionisia) kay Papa Bro. Kaka'think yu Lurd' nya eh nananalo anak nya. Proud Mommah na naman. Tiyak nyan may guesting na namang panibago sa TV yan. 
"Humanda ka Clutti!", yan ang banta ni Packy sa kanyang kalaban nung pinaalam sa publiko na sila ang maglalaban. Nasobrahan naman ata sa paghahanda si Clutti. Nagpatigas na lang ng mukha para hindi gaano mahurt. Di tuloy halata ang sugat pagkatapos ng sapakan. Haha. Pagkasugat rektang peklat agad. Di na dadaan sa kung anu man... PEKLAT! yun na. Si Kuya pa eh kung makadepensa sa mukha nya, parang may-aagaw. E di sa kanya na. Di naman ako nainggit.

Pero kung anu pa man, nanalo ka pa din Packy. At eto ginawan pa kita ng post kaya special ka pa din talaga. CONGRATULATIONS Manny! Panibagong pagtaas na naman ng pangalan ng Pinas ang ginawa mo. Ayos!

Kailan ba palabas nung guesting ni Fvckman sa MTV Cribs? Excited na ako makita na sabihin nya ang linyang "Was ap! Wilcam to mah Crib! Tuloy po kayo!". :D